Pagkatapos naming sabay na mag-agahan ay hinatid ako ni Yuzef sa opisina ko. Dumaan pa kami sa pilitan dahil tumanggi ako no'ng una pero sa huli ay ako na lang iyong sumuko. Akala ko noon ay wala nang mas kukulit pa sa kapatid kong si Britney pero pinatutunayan sa'kin ni Yuzef na mali ang akala kong iyon. Kapag gusto niya ay iyon talaga ang masusunod. Hahanap at hahanap siya nang dahilan upang maigit ang kagustuhan niya. Kaya heto ako ngayon at parang may pinagtataguang pasilip-silip sa labas ng sasakyang kinaroroonan ko at baka mayroong maligaw na mga kamag-anak ko rito sa parking lot ng sarili kong kompanya. Obvious naman iniiwasan kong may ibang makakakita sa'kin na kasama ang isang Fuentez. "See you later?" patanong na baling sa'kin ni Yuzef. Nakapangalumbaba siya sa manibela haba