Tulad nga nang inaasahan ko ay naabutan ko si Kuya Grein na naghihintay sa'kin sa loob ng opisina ko. Komportable siyang nakaupo sa visitor's chair na nasa harapan ng mesa ko habang hindi maipinta ang mukhang bumaling sa'kin pagkapasok na pagkapasok ko. "Good morning, Kuya." Pinasigla ko pa ang boses nang batiin ito. "What brought you here?" kunwari ay inosente kong tanong. "Where have you been?" balik-tanong niya sa'kin. Hindi nagbabago ang pagkaaburido sa mukha nito. "Hindi mo sinabing pupunta ka kaya kumain muna ako sa labas bago tumuloy rito, sa planta ako galing," dire-diretso kong pagsisinungaling. Nabilinan ko na ang secretary ko at assistant kung sakaling mag-fact-check siya. Naroon ngayon ang dalawang iyon sa planta. Totoo naman kasing may emergency roon kahapon pero ang dala