chapter 12

2184 Words

"Bakit hindi ka makakauwi?" mausisang tanong sa'kin ni Britney nang magpaalam ako sa kanyang hindi makakauwi ng bahay ngayong gabi at baka sa susunod na araw pa. "May importante akong inaasikaso sa planta," pagsisinungaling ko. Ibinuka ko ang bibig ko nang isubo sa'kin ni Yuzef ang sinasabi niyang pain reliever kanina. Sa bandang huli ay nakumbinsi niya ako na huwag nang umuwi sa'min ngayong gabi. Kakatapos lang naming mag-late dinner, very late na to be exact at kasama na roon ang pananghalian namin. Ibinentang ko na lang sa kawalan ng kain iyong panghihina ng mga tuhod ko at binti pagkatapos nang kaganapan namin kanina sa loob ng banyo. "Siguraduhin mo lang na hindi ka nagmumukmok sa kung saan upang ipagluksa ang kasawian mo sa pag-ibig," banta sa'kin ni Britney sa kabilang linya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD