Huminga muna ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Tiyak na may iilan sa mga nandito ang nag-aabang kung ano ang mangyayari ngayong nasa iisang table ang Revira at ang Fuentez. Ayokong gawing big deal ang ganito at mag-demand pa na ilipat ako ng table. Tutal ay pakay ko naman talaga rito ay ang nakakainis na kaharap ko ngayon ay mas mabuti pang sanayin ko na ang sarili ko sa presensya niya para naman hindi papalpak ang plano ko. "Paano mo pala natuklasan ang tungkol kay Lawrence at sa pinsan ko?" bigla kong naisipang itanong kay Yuzef. Pinanatili kong blangko ang ekspresyon ko habang pinanood ang paglaki ng ngiti niya. "I'm just good at observing people," sagot niya. "Nakumpirma ko lang nang nagkamali silang mag-check-in sa isa sa mga hotel ng pamilya ko. Well, hindi naman