Marahas kong iwinaksi ang kamay niyang humahaplos sa pisngi.
"Stop touching me," mahina pero may kariinan kong wika.
Kahit hindi na niya ako hinahawakan ay naiwan pa rin doon ang kakaibang sensasyong na nanggagaling sa kamay niya.
Pasimple akong umatras at ipinatong ang bitbit na baso ng alak sa malapit na mesa sa'kin dahil pakiramdam ko ay mabibitiwan ko ito anumang oras dahil sa bahagyang panginginig ng mga kamay ko. Salamat at hindi gaanong maliwanag dito sa kinaroroonan namin kaya hindi niya napapansin ang nangyayari sa'kin.
Tumalim ang tingin ko sa kanya habang pilit na nilalabanan ang panghihinang nararamdaman ng mga binti ko. Hindi maaaring magpakita ng kahinaan ang isang Revira sa harapan ng kahit na sinong Fuentez, lalong-lalo na kung ito ay ang susunod na mamahala sa kompanya pamilyang iyon.
Isang simpatikong ngiti ang unti-unting sumilay sa mga labi niya bago ito tuluyang naging tawa.
"I'm sorry, I got carried away," naaaliw niyang paumanhin. Hindi siya mukhang nagsisisi!
"Arrogant bastard," nagngangalit ang bagang kong usal.
Akmang lalampasan ko na siya pero mabilis niyang napigilan ang braso ko.
Isang matalim na tingin ang pinukol ko sa kamay niya na mabilis din agad niyang binawi at itinaas na parang sumusuko.
"I'm just want to be friends with you, I'm harmless," nang-eengganyo niyang pahayag.
"Friends?" nang-uuyam kong tanong. "A Fuentez and a Revira? You're delusional!" matigas kong dugtong.
"So, you're sticking to your family's golden rule?" natatawa niyang komento. "Whatever a Revira do, absolutely, positively, under no circumstances, should a Revira ever have the misfortune of being acquainted with a Fuentez. Tama ba ako?" sarkastiko niyang pagpapatuloy.
"Hindi ba ganyan din ang golden rule ninyo?" nang-uuyam kong balik-tanong sa kanya.
Nangingislap sa tuwa ang mga mata niya habang hindi hinihiwalay ang mga ito sa'kin.
"Can we not change it for the better?" nakangiti niyang tanong. "Ni hindi nga natin alam kung papaano nagsimula ang alitan ng mga pamilya natin, so bakit kaya hindi na lang natin kalimutan iyon?"
Maang akong pumalatak dahil sa sinabi niya. Totoo naman ang sinabi niyang wala kaming alam sa ugat ng alitan ng mga pamilya namin pero ang kapal ng mukha niyang mag-suggest na baguhin namin ang nakasanayan na.
"Huwag mo akong idamay sa kabaliwan mo," matigas kong pahayag. "Besides, may dahilan naman siguro kung bakit mortal na magkaaway ang pamilya natin. Just one look at you, kumukulo na ang dugo ko." Pinasadahan ko siya nang nang-iinsultong tingin.
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at tumalikod na ako upang umalis. Isang malaking eskandalo kapag may makakita sa'ming dalawa na wari'y nagsosolo sa bahaging ito kahit na wala naman kaming ibang ginagawa. Tiyak na magkakaroon nang hindi magandang espekulasyon ang mga tao lalo na at hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang alitan ng mga pamilya namin.
"I'm always wondering how you end up with Lawrence the loser."
Napahinto ako sa paghakbang nang marinig ang nanunuya niyang boses. Ramdam kong nasa likuran ko na siya at mukhang gusto pa yata akong sundan.
The damn Fuentez is calling my boyfriend a loser!
"And here I am, wondering why you're marrying the loser's sister," buwelta ko sa kanya.
"You rather want me to marry another woman?" naaaliw niyang tanong.
"I don't care who are you going to marry," matalim kong sabi. "Just stay out of my way, Fuentez!" mariin kong dugtong.
"Wow! Fierce," pumalakpak niyang puri sa'kin.
The way he say it, it's more of an insult than a praise!
"You look so perfect to me, pero bakit kaya nagawa ni Lawrence na lokohin ka?"
Bigla akong nanigas dahil sa sunod niyang sinabi. Nagpanting ang tainga ko at umakyat yata lahat ng dugo ko sa ulo. Alam ko na kung bakit nanginginig ang mga kamay ko, hindi ito dahil na overwhelmed ako sa presensya niya kundi ay dahil ito sa matinding galit.
"Anong sabi mo?" nagtatagis ang bagang kong tanong sa kanya. "Huwag mong siraan ang boyfriend ko."
"Bakit ko naman gagawin iyon? Wala naman akong mapapala kung magsisinungaling ako."
Naikuyom ko ang mga kamay habang pinapakalma ang sarili.
"Kahit na magkaaway ang pamilya natin ay ayaw ko namang makakita ng babaeng niloloko ng boyfriend niya," balewala niyang pahayag. "Even you're a Revira, you don't deserve to be cheated."
"At sa tingin mo ay maniniwala ako sa isang Fuentez?" taas-noo kong tanong sa kanya. "Kahit ano pang sabihin mo ay hindi mo kami masisira ng boyfriend ko."
Alam kong mahal ako ni Lawrence. Hindi kami magtatagal nang ganito kung hindi ko iyon naramdaman. Ako nga iyong maraming pagkukulang sa relasyon namin pero inintindi pa rin ako ni Lawrence dahil gano'n niya ako kamahal. Wala akong maisip na babae na pwedeng makalamang sa'kin sa paningin ni Lawrence kaya sigurado akong nagsisinungaling ang kaharap ko.
Ano pa nga ba ang aasahan ko? Wala talagang magandang gawin ang isang Fuentez!
"Gusto mo nang patunay?" hamon niya sa'kin.
Kumabog ang puso ko dahil hindi siya maging ganito kaarogante magsalita kung walang basehan ang paratang niya. May umusbong na takot sa pinakasulok nag puso ko sa posibilidad na may katotohanan ang sinasabi niya.
I'll surely be disappointed with Lawrence.
"Let's go, I'll show how your good for nothing boyfriend cheated on you," aya niya sa'kin at nagpatiuna nang naglakad papunta sa direksiyon ng guestrooms.
Hindi agad ako nakakilos dahil tinitimbang ko ang mga bagay-bagay. Wala akong tiwala sa kanya dahil una sa lahat ay isa siyang Fuentez, at pangalawa ay hindi ko siya kilala!
Napansin niya sigurong hindi ako nakasunod kaya huminto siya at lumingon sa'kin.
"Afraid of the truth?" untag niya sa'kin.
Gusto ko rin namang malaman kung gaano katotoo ang pinagsasabi niya kaya para matapos na kami ay taas-noo akong humakbang pasunod sa kanya.
Naikuyom ko ang kamao nang makita ko ang pagsilay nang simpatikong ngiti sa mga labi niya habang hinihintay akong makalapit sa kanya.
Kapag talaga ako ay pinagloloko niya, malalaman niya talaga kung paano magalit ang isang Revira!
Sa harap ng pinakadulong silid kami huminto. Pinanood ko siyang buksan ang pinto.
Tumaas ang kilay ko nang mapagtantong hindi man lang nai-lock ang pinto kaya kumpyansa akong wala kaming maaabutan na kung ano sa loob.
Bago ako umalis sa balcony ay hindi ko kanina napansin kung naroon pa rin ba sa kinatatayuan nito kanina si Lawrence dahil mas inuna ko ang makalayo sa bwesit na lalaking kasama ko ngayon.
Walang salitang inilahad ni Yusef ang palad upang paunahin akong pumasok sa silid. Pinaningkitan ko pa siya ng mga mata bago humakbang papasok.
Nagkagulatan pa kami ng pinsan dahil pagpasok ko ay siya ring akma nitong paglabas.
"Feliz!" namutla nitong sambit sa pangalan ko.
Kumunot ang noo ko habang pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi maganda ang kutob ko habang kapansin-pansin ang tila ay nagusot niyang damit.
"What are you doing here?" bigla niyang tanong sa'kin.
"Hi, Stella. Ikaw ang ano ang ginagawa mo rito?" nakataas ang kilay kong tanong. "Akala ko ba ay hindi ka makakadalo dahil may out of town meeting ka."
Si Lawrence ang inaasahan kong maabutan dito at hindi siya. Pinanlamigan ako bigla sa pagdududang umusbong sa isip ko.
"Maaga kasing natapos kaya nakapunta agad ako," tila ay hindi mapakali nitong sagot.
Pasimple kong sinilip ang likuran nito kung saan ay natatanaw ko ang malaking kama na sa unang tingin pa lang ay masasabi kong katatapos lang ginamit.
"May kasama ka ba rito?" pasimple kong tanong.
"W-wala," pumiyok niyang sagot.
Tumiim ang titig ko sa kanya. Pinsan ko siya sa mother side kaya hindi siya isang Revira pero malapit siya sa pamilya namin at halos sabay na kaming lumaki kaya alam ko kung kailan siya may tinatago sa'kin.
Nang tinangka kong humakbang upang mas makapasok pa sa loob ng silid ay mabilis siyang humarang sa'kin .
"Ayaw mo pa bang bumalik sa party?" tanong niya sa'kin habang direktang nakatayo sa harapan ko.
"Gusto ko lang makita kung sino ang kasama mo rito," may kariinan kong sabi.
"Wala nga akong kasama!" giit pa niya.
"Wala naman pala, so can you please step aside, titingnan ko lang kung sino ang nasa loob ng banyo." Matamis ko siyang nginitian.
Kitang-kita ko ang pagkawala ng kulay sa mukha niya habang tigalgal na nakatingin sa'kin.
Mula sa'kin ay nabaling ang atensiyon niya sa likuran ko. Muntik ko nang nakalimutan na nakasunod pala sa'kin si Yusef Fuentez.
Nagpalipat-lipat ang tingin i Stella sa aming dalawa.
"Nagkamali lang siguro ako, Miss Revira," bigla ay pahayag ni Yusef. "Hindi siguro ang boyfriend ni'yo ang nakita kong pumasok sa silid na ito," balewala nitong dugtong.
Nanatili ang tingin ko sa mukha ni Stella kaya kitang-kita ko kung paano bumadha rito ang pinaghalong kaba at takot na pilit niyang tinatago.
Kahit sino ay magkakaroon na ng ideya sa mga nangyayari base pa lang sa reaksiyon ni Stella pero gusto kong makita mismo ng dalawa kong mga mata.
Tinabig ko si Stella at mabilis na humakbang palapit sa saradong pinto ng banyo kung saan ay mahinang maririnig ang tunog ng shower.
Bago ko pa nahawakan ang siradura ng pintuan ay may pumigil na sa kamay ko.
"May tamang oras para diyan," mahinahong wika ni Yusef na siyang may hawak sa kamay ko. "At hindi iyon ngayon. He could still deny everything," pabulong niyang sabi sa'kin.
Tinapunan ko siya nang matalim na tingin.
"Sino ba ang may pakana kung bakit ako nandito ngayon?" mahina pero paasik kong tanong sa kanya. "Tapos ay pipigilan mo ako?"
Pinaglalaruan lang ba ako ng Fuentez na ito?
"Gusto ko lang ipakita sa'yo ang patunay pero hindi ibig sabihin niyon ay umaksiyon ka agad," mariin niyang bulong sa'kin. Sumulyap pa siya kay Stella upang siguraduhing hindi nito naririnig ang usapan namin. "Mag-isip kang mabuti, huwag kang padalos-dalos."
Sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko ang tarantang mukha ni Stella na hindi alam kung anong gagawin.
Kumukulo ang dugo ko at parang sasabog ako sa nararamdaman kong galit. Nagpipigil lang akong magwala dahil sa presensya ng isang Fuentez. Never akong makikitang nawawalan nang composure ng kahit na sinong galing sa pamilya nila!
"Just let go, sapat nang may ideya ka kung ano ang nangyayari kapag nakatalikod ka na."
Nakipagtagisan muna ako ng tingin kay Yusef bago marahas na hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
Nanginginig ang kamay kong ikinuyom ko ang palad bago kalmadong hinarap ang pinsan ko.
"I change my mind," malumanay kong pahayag, kabaliktaran nang galit na nararamdaman ko sa loob. "May kakausapin pa pala ako sa party, next time ko na lang kikilalanin kung sino iyang tinatago mo sa'kin." Sinundan ko pa iyon ng matamis na ngiti.
Isang pilit na ngiti ang ginanti ni Stella sa'kin.
"Wala naman talaga akong ibang kasama." Pinaninindigan talaga nito ang kasinungalingan na gusto nitong paniwalaan ko.
"Hihintayin ko na lang kung kailan ka ready, I'll go first," paalam ko sa kanya.
Taas-noo at dire-diretso akong lumabas ng silid. Naramdaman ko ang tahimik na pagsunod sa'kin ni Yusef pero hindi na ako nag-abala pang lingunin siya.
Agad akong lumiko sa unang pasilyong nadaanan ko bago patagong tumayo sa puwesto kung saan malinaw kong makikita kung sino ang lalabas sa silid na kinaroroonan ng pinsan ko.
Tahimik namang tumabi sa'kin si Yusef at hinayaan ko na lang ito habang nasa pintuan ng silid ang buo kong atensiyon.
Nasisiguro ko na kung sino man ang taong pilit na tinatago ng pinsan ko mula sa'kin ay tiyak na lalabas at lalabas pa rin ito mula roon bago matapos ang kasiyahan lalo na kung tama ang hinala kong si Lawrence ang naroon.
Sa loob ng ilang minutong paghihintay ay aminado kong kinakabahan ako. Lihim kong pinagdarasal na sana ay mali ang hinala ko at sinisiraan lang ni Yusef si Lawrence. May parte sa'kin ay gustong mapabulaan ang bintang dahil una sa lahat ay isa akong Revira, at parang sampal sa'kin na pinagtataksilan ako ng sarili kong boyfriend. Pangalawa ay ayokong isang Fuentez pa ang makasaksi kung paano ako naloko ng taong pinagkakatiwalaan ko!
Lagi kong iniisip na walang sinuman ang pwedeng lampasan ni pantayan ako sa ganda, yaman, at sa tagumpay na naabot ko! Pero kung sakaling may katotohanan ang pagtataksil ni Lawrence ay para na rin pala akong lihim na pinagtatawanan ng mga taong hindi ko man lang ka-level!
Kung alam ng isang Fuentez ay imposibleng hindi alam ng ibang mga malalapit kay Lawrence ang tungkol sa ginagawa nito! Habang maayos akong nakikiharap sa kanila ay tiyak na alam ng pamilya ni Lawrence ang panloloko nito sa'kin, hindi siguro ang buo niyang pamilya pero sigurado akong alam ng kapatid niyang si Summer!
Mahal ang paniningil na gagawin ko sa ginawa nilang ito! Pinagkatiwalaan ko si Lawrence tapos ito ang igaganti niya sa'kin at mismong pinsan ko pa talaga? Ang galing din niyang pumili!
Parang tuksong bumabalik sa alaala ko ang mga pagkakataong nasa iisang lugar kami ni Lawrence at ni Stella. Hindi ko noon binigyang kulay ang napapansin kong kakaibang titigang namagitan sa kanila. Dapat pala ay noon pa nagduda na ako!
Masyado akong nakampanti dahil alam kong mas malaki ang maging pakinabang ng pamilya ni Lawrence sa pagkakadikit ng pamilya nila sa mga Revira dahil ako ang girlfriend nito. Ako naman na walang ibang nakitang pwedeng ipakilala sa pamilya ko upang matigil na ang pangrereto nila sa'kin sa kung sinu-sino ay sinagot ang panliligaw ni Lawrence dahil gustong-gusto ng ama ko ang isang lalaking responsible sa pamilya na makikita naman sa kanya bilang namamahala sa kompanya ng kanilang pamilya.
Sa loob ng ilang taon naming magkarelasyon ay ni minsan ay wala pa kaming pinagtatalunan. Habang nasaksihan ko ang pagtatalo ng mga kakilala kong magkarelasyon at ang iba ay mag-asawa pa nga ay hindi pumasok sa isip ko na hindi normal ang kung anong meron kami ni Lawrence.
Kailangan ko pa palang makilala nang personal ang isang Fuentez upang magising ako sa reyalidad!
Nabalik ako sa kasalukuyan nang makita kong bumukas ang pintuan ng silid na minamatyagan ko at mula roon ay lumabas ang pinsan kong si Stella.
Pigil-hininga kong hinintay kung sino ang kasunod nito. Lihim pa rin akong umaasa na sana ay mali lahat ng mga hinala ko!