Sexy but classy, iyon ang kabuuan ng ayos ko nang bumaba ako sa minamaneho kong sasakyan. Saglit ko munang pinasadahan ng tingin ang magarbong hotel na nasa harapan ko bago tumuon ang tingin ko sa eksklusibong restaurant na karugtong nito. Masasabi kong tama lang itong tawaging nangungunang hotel and restaurant chain sa buong bansa at maging sa buong Asya. Nalampasan man nito ang sariling chain ng pamilya ko ay gano'n din naman ang family legacy ng mga Fuentez sa hotel industry, pero nakakadismaya lang dahil galing pa rin sa pamilyang iyon ang nagmamay-ari nito. Taas-noo at puno nang kumpyansa akong naglakad palapit sa main entrance ng restaurant. Ayon kay Anne ay hindi pwede ang walk-in costumers sa restaurant na ito at kailangan ang reservation para sa lahat nang gustong kumain. "G