Kinabukasan ay balik-trabaho na ako. Hindi naman gano'n karami ang kailangan kong asikasuhin dahil maaasahan at mapagkakatiwalaan ang mga empleyado ko. Marunong kasi akong pumili ng mga tauhan pagdating sa negosyo. Pagdating sa relasyon lang talaga ako nagago pero move on na ako dahil nasa revenge stage na naman ako. Maggaguhan na kaming dalawa ni Lawrence, damay na lahat ng mga nakakaalam na hindi man lang kumondina sa panggagagong ginawa niya sa'kin sa halip ay kinukunsinte pa! Unang-una sa listahan ay ang kapatid niyang si Summer. Napalampas ko noon ang nakakairita nitong ugali bilang pagbibigay respeto kay Lawrence na boyfriend ko at kapatid nito pero ngayong hindi naman pala karapat-dapat respetuhin ang lalaking iyon ay hindi ko na pala dapat na hayaan ang maldita nitong kapatid