Parang walang nangyaring una akong dumating kaysa kay Yuzef. Magalang akong bumati sa mga magulang nina Lawrence at Summer. Magiliw naman ang pakikitungo ng mga ito sa'kin katulad nang halos lahat ng mga kamag-anak nilang nandito ngayon. Agad akong pinagkakaguluhan ng mga pinsan nina Summer at Lawrence. Nahagip pa nga ng tingin ko ang bahagyang pagsimangot ni Summer nang biglang mapunta sa'kin ang atensiyon ng lahat. Minsan talaga ay kusang lumalabas ang pagiging insecure ni Summer sa'kin kahit anong pilit nitong itago iyon. "Habang tumatagal ay lalo kang gumaganda," puri sa'kin ng sa mga pinsan nito. Hindi ko ito kilala pero alam kong isa itong starlet. Nagningning ang mga mata nito habang nakatingin sa suot ko. Iyong iba naman ay alam kong kinikilatis bawat accessories ko. Puno n