Habang pauwi kaming magkakapatid ay tinatalakan ko si Venom. Isinabay ko siya sa'min ni Blast at tumawag ako sa bahay upang may kumuha sa sasakyan niya. Matapos ko masigurong makakauwi nang maayos ang mga kaibigan niya lalo na iyong mga babae ay tsaka pa kami umuwi. "Sa susunod kasi kapag mayroong mga gano'ng gulo ay huwag agad paiiralin ang init ng ulo mo," panenermon ko kay Venom. "Kanina mo pa inulit-ulit iyan," nakasimangot niyang komento. "At kanina ko pa naririnig ang reklamo mo," mataray kong sabi. "Pwede ba for once ay makinig ka naman sa'kin!" "Kaya ko nga napansin na paulit-ulit ka na dahil nakikinig ako sa'yo," pahinamad niyang sagot. "Nakikinig nga pero hindi naman umaayon sa halip ay panay pa ang kontra!" nanggigigil kong wika. "Kesyo ibang usapan na kapag Fuentez, ke