Hindi ko alam kung paano na-set-up ni Yuzef ang lunch namin sa top deck ng barko. Hindi gano'n kainit dito ngayo kahit tanghali dahil may kalakasan ang simoy ng hangin at makapal ang canopy na pumuprotekta sa'min sa araw. Nakatulog ako pagkatapos naming isagawa ang testing sa double deck kanina, so far ay matibay naman ito kahit medyo maingay kapag napasobra sa gigil iyong nakikigamit sa ibaba. "Paano mo pala nalaman ang mga paborito kong pagkain?" hindi ko natiis na itanong kay Yuzef na kasalo ko habang patapos na kami sa pagkain at nasa desert na kami. "Basta gusto mo ang isang tao ay inaalam mo talaga ang lahat ng mga gusto niya," kibit-balikat niyang sagot. "Konti na lang talaga, Yuzef, at iisipin kong stalker kita," umikot ang mga mata kong turan bago sinubo ang panghuling hiwa