Kinaumagahan ay magaan ang pakiramdam kong nagising dahil sa nakaplano kong gagawin ngayong araw. "Don't go to the opening," sabi sa'kin ni Kuya Grein nang magkasabay kami pababa ng hagdan. Ngayon ang grand opening ng mall nina Lawrence at balita ko ay nag-imbita sila ng ilang mga artista. Pero alam ko na ang inaabangan ng karamihan sa mga taga-media na nagpunta ay ang pagdalo ng kahit na sinong Revira o 'di kaya ay Fuentez. Walang Revira na darating kaya sisiguraduhin ko ring hindi makakapunta si Yuzef ngayong araw. "Pupunta ka ba sa kabila?" tanong ko sa kanya. "I have business with them," makahulugan niyang sagot. "Sabi ni Mommy ay pupunta kang province? Vacation?" "Business," maikli kong sagot. Hindi na niya kailangang malaman na with pleasure na kasali ang gagawin kong pag-alis