Nang sumunod na mga araw ay naging abala ako sa kompanya. Dumoble ang order ng isa naming client kaya kinailangan ko pang umangkat ng ilang raw products sa ibang suppliers dahil nakulangan kami ng stock para sa orders nito. Mga ganitong sitwasyon ang crucial sa negosyo ko dahil demanding ang mga client kong may malalaki nang pangalan sa fashion industry. Sa tulungan ng lahat ay naibigay naman namin ang kailangan ng client. Upang maiwasang maulit ang pangyayari ay nag-general meeting ako kasama ang mga executive officers ng kompanya. Gumawa kami ng ilang mga pagbabago sa ibang division. Pagod na pagod ang utak at katawan ko nang matapos ang lahat. Ilang araw lang iyon pero parang isang taon na. "Babe, hindi ka na nakapunta sa opening ng resort ni Yuzef, sana naman ay mapaglaanan mo n