Hindi na rin kami nagtagal ng mga kaibigan ko sa lugar na iyon dahil pareho naming ayaw sa presensya ni Summer at ng mga kasama nito. Lumipat kami ng ibang lugar upang mag-dinner. "Ang OA no'ng Summer ha," mapanlait na panimula ni Anne nang pare-pareho na kaming tapos mag-order ng kakainin. "Pati teenager ay pinagseselosan," naiiling na dagdag ni Liza. "Pero kung ako rin naman ang may boyfriend na kasing gwapo ni Yuzef Fuentez ay siguro kahit lamok na kakagat dito ay pagseselosan ko." "Ay tumpak!" mabilis na sang-ayon ni Anne at nagtatawanan pang nag-high five ang dalawa. "Lagi mong nakikita sa family gathering ng boyfriend mo iyong Yuzef, 'di ba?" baling sa'kin ni Anne. "Rate from one to five, five iyong pinaka-highest. Gaano kagwapo sa malapitan iyon?" Excited pa nitong hinintay ang