Chapter 20 “Anong nangyayari rito?” boses iyon ni Axel. “Yung babaeng nandiyan, sinaktan ang anak ko, ang anak namin!” “Dean, si Fay ba ang nasa loob?” “Yes,” sabi ng kinakabahan na Dean. “I’ll talk to her but please, huwag ninyong sasaktan. Sa amin ang university na ito. Ako ang sasagort sa lahat kung sakali mang may sinaktan siya.” “Ano mo ba yung babaeng iyan, Mr. Villar?” tanong ng Mayor. “She’s my girlfriend. Inuulit ko. Lalabas siya at haharapin niya ito. Kailangan nating malaman muna kung anong nangyari. Yung totoong nangyari bago tayo magdesisyon,” kalmadong sabi ni Axel. “Okey. Sa President’s Offce tayo mag-uusap.” Hanggang sa si Axel na ang kumakatok. “Mahal, open this. Mag-usap tayo at pangako, hindi kita pababayaan.” Binuksan ko ang pinto. Agad kong niyakap si Axel.