CHAPTER 21 Kung magpapakasal kami, paano na ang pangarap ko? “Say yes!” sigawan ang mga tao. Nagkagulo na ang lahat lalo na nang hindi nila mahintay ang sagot ko. Natatakot ako, na-pressure ako. Alam kong malaking kahihiyan niya kung tatanggi ako lalo pa’t nakita kong maraming cellphone na ang sa amin ay nakatutok. “Kapag ba nag-yes ako, ikakasal na tayo agad?” tanong ko sa kanya. “Gusto ko kasing makatapos na muna eh.” “Of course not yet babe.” “So hindi pa? Ga-graduate muna ako, tayo? Gagamitin ko muna ang pinag-aralan ko hindi ba? Magiging accountant muna tayong dalawa.” “Of course. Gusto ko lang maging exclusive tayo. This engagement changes our status as couple since this demonstrates our commitment not just to each other, but also to a change of lifestyle. Hinahanda lang nati