CHAPTER 22 Madalas sa buhay natin, dahil nasanay tayong binibigyan ng sobra-sobrang atensiyon at panahon ay ninanais nating mas higit pang panahon ang ibibigay sa atin ng taong minahal natin. Kung hindi man higit pa roon sa dati, gusto natin na sana walang magbabago. Kung nakaramdam tayo ng pagmamahal, gusto nating manatili ang init ng pagmamahal na iyon sa bawat sandali hanggang sa tayo ay nabubuhay. Hindi tayo nakukuntento. Naghahangad pa tayo ng higit pa sa dating ipinaparamdam sa atin. Iyon ang naramdaman at nangyari sa akin. Hindi ako marunong makuntento sa kung ano ang meron ako at kung ano lang muna ang kayang ibigay ni Axel sa akin. Ang minsang pagpunta ni Axel sa US ay nasundan pa ng isa at ng isa pa hanggang sa nagiging palagian na. Ang dati’y maya’t mayang pagtawag niya kung