THE IMPORTUNATE

1830 Words
LADY MAFIA BOSS ABDUCTS THE HOT CEO By: Joemar Ancheta Chapter 2 Huminga ako nang malalim. Hinarap ko sila. Ipinakita ko na hindi ako natutuwa sa sinabi ni Axel. Tingin ko pa lang alam kong mapapahiya na siya kung hindi lang talaga sana makapal ang kanyang mukha. Nasa dugo ko ang pagiging Mafia ni Daddy. Palaban ako. Pwede akong makipagbugbugan right there and then at di ko sila uurungan kahit pa mga lalaki sila. Iniisip ko lang yung scholarship ko kaya kinalma ko ang sarili ko habang nakikipagtitigan ako kay Axel. Hindi ako dapat makisabay pa sa kitid ng isip nila. Hindi ko sila papatulan ngayon. Hindi rin naman ako pwedeng makipagtaasan sa taas ng tingin ni Axel sa kanyang sarili. May karapatan naman kasi talaga siyang magyabang. May karapatan siyang maging siga o astig sa school. Mayaman e. Bilyonaryo kaya may pinanggagalingan ang kanyang kahanginan. Proven na kasi iyon. Ang tanging alam kong pinakamabisa ko na lang na gagawin ay ang hindi na lang siya patulan at pansinin. Suplada na kung suplada ako sa paningin nila at ng lahat pero hindi ako paapekto na siyang maaring ikasira ng scholarship ko. Kilala ko ang sarili ko. Wala akong pakialam kung sino sila sa campus. Oo, mahirap lang ako. Nakatira sa isang slum area at hindi ko iyon ikinakahiya. Lahat halos ng mga istudiyante rito, kilala at mayayaman ang pamilya. Napabilang lang naman ako at nakapasok dito dahil may scholarship ako at iyon ang kailangan at lagi kong pangalagaan. Talino ko lang naman ang puhunan ko. Wala akong panahon sa iba pa bukod sa pag-aaral dahil nagta-trabaho pa ako para sa aking pamilya at na sa akin na umaasa mula nang iniwan ni Mommy ang Daddy ko. Mulan ang hindi na nagpapadala ng daddy ng sustento dahil nga nagkaroon pa ako ng kapatid sa ibang naging lalaki ni Mommy. May mas malala pa akong dapat isipin at pagtuunan ng pansin. Isa pa, mahalaga ang bawat oras sa akin, bawat sandali. Gusto kong mapabilis ang lahat bago pa mangyari ang aking kinatatakutan. Nagmamadali ako. Kailangan kong magawa ang lahat para kina Mommy at sa mga kapatid kong sa akin na rin naasa mula nang iwan ng mga tatay nila ang responsibilidad kay Mommy. Doon ako naiinis kay Mommy. Nabigo na nang una, nag-asawa pa nang nag-asawa ng wala ring kuwentang mga lalaki kaya kung sana, dalawa lang kami ni Mommy, baka mas maayos ang buhay naming dalawa ngunit masaya na rin naman na may mga kapatid ako sa ina. Mababait din naman ang mga kapatid ko at mahal na mahal ko sila. Basta sa ngayon, I need to study well. Hindi ko kailangan ang distraction na kagaya ni Axel. Tinalikuran ko sila nang natameme si Axel na hindi natagalang makipagtitigan sa akin. Umupo ako. Tinutukan ko ang aking pagre-review. Pinilit kong tanggalin sa isip ko ang lalaking hanggang ngayon, panay pa rin ang tingin sa akin. Naiinis ako. Isang maling pagkakamali ang umupo ako roon kanina. Sana tumayo na lang ako at naghintay ng mga paalis nang may klase kaysa nakipagsapalaran. Hayan tuloy, napansin pa ako. Tinanggal ko sa isip ko si Axel. Pumikita ako sandali. Pagbukas ko ng aking mga mata, naka-focus na ako. Nang ilang minuto na lang ang nalalabi at exam ko na ay tumayo na ako. Inayos ko ang aking inupuan. Inayos ko ang pagkakatali ng aking buhok saka ko pinulot ang binder ko sa mesa at bag. Nagpasya na lang akong lumabas nang mas maaga sa library para may oras pa akong makahanap ng gusto kong maupuan sa aming examination room. Hanggang may mga nagungulit sa hindi kalayuan sa table ko, hindi rin naman ako makaka-focus pa. Isa pa, baka tuluyan lang akong mainis at masaid ang aking pasensiya. Ayaw kong mabastos pero ayaw ko ring makabastos. Inaamin ko, kung pisikal ang pag-uusapan, na kay Axel na ang hinahangad ng lahad at ako bilang babae, hindi malayong mahulog ako sa kanya. Pero sa kabilang banda, alam kong hindi pwede. Aral na sa akin ang nakita ko kay Mommy. Hindi ko hahayaang sasakatan ako ng lalaki kagaya ni Mommy. Paglabas ko pa lang sa library ay may tumapik at humawak sa balikat ko. Nilingon ko kung sino ang tumapik sa akin. “My God! Ikaw na naman!” “Hey, hindi ba kabastusan yung ginawa mo sa akin sa loob?” tanong niya. Hindi ko pinansin. Itinuloy ko ang aking paglalakad pero inunahan niya ako at hinarangan. Napipikon na talaga ako. Sumunod pa talaga e iniwasan na nga. Nanggagalaiti na ako. Makulit nga talaga ang isang ito. “Tumabi ka baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko,” mataas na ang boses ko. Imbes na tumabi siya ay hinawalan niya muli ang magkabilang balikat ko. “Anong karapatan mong hawakan o tapikin ako.” “Wala ba? Nakikipagkilala ako. Ikaw yung nambastos.” “Well, we are not friends. Ni hindi ko gustong maging kaibigan ka. Kung may bastos sa atin. Ikaw yon at hindi ako!” “Nakikipagkilala lang ako. May masama ba roon?” tinanggal niya ng kusa ang kamay niya. Kung wala lang akong hawak na books at bitbit ay baka tinanggal ko ang kamay niya agad-agad. “Look, Mr. Campus Crush, Mr. Playboy o kahit ano pang tawag nila sa’yo sa campus natin. Hindi mo ba nakita na iniwan kita roon sa mga bastos mong mga kaibigan? Ibig sabihin hindi ako kagaya ng mga babaeng nakolekta mo na. Hindi ako kagaya ng ibang nakilala mong mga babae. Hindi ako interesado!” “Interesado sa ano?” napapangiti siya. “Matalino ka naman hindi ba? Nakita ko ang pangalan mo sa mga nakasama sa mga Dean’s list. Alam mo naman siguro kung sa ano ako hindi interesado pero sige, to make it even clearer. Hindi ako interesado sa’yo?” “Look Miss, I am just here offering a friendship. Makulit akong tao. Sasabihin ko na sa’yo. Hindi ako titigil hanggang di ka pumapayag na maging kaibigan ko.” “Kaibigan? Wow? Kaibigan o lolokohin. Paglaruan. Titikman. Pagtatawanan. Bubuntisin. Iiwanan. Paiyakin. Ano ako ‘ron? Maaring hindi ako mahilig makipagkaibigan pero marami na akong naririnig tungkol sa’yo. And I am not interested to be your friend. I am not friendly and I know that you know that. As of now, wala akong planong magkaroon ng kaibigan kasi busy akong tao. May mga pangarap ako. May hinahabol na oras. Hindi ako kagaya mo na nandito lang sa school para sa kayabangan mo kasi mayaman ka. Kasi kahit hindi ka mag-aaral nang Mabuti may sigurado kang fallback. Ako kasi wala eh. Mahalaga ang bawat sandal sa akin. Kagaya ngayon, hinahabol ko ang exam ko at nandito kang nag-iistorbo lang. Saka hindi ako nakikipagkilala sa mga mayayamang kagaya mo. Ekis sa akin ang lalaking gwapo at mayaman.” tumalikod na ako kasi hindi naman siya aalis sa harap ko kaya sa iba na lang ako dadaan. Mabilis siyang humabol at hinarang pa rin talaga ako. “So, inaamin mong gwapo ako? Na naguguwapuhan ka rin sa akin.” “Ang kulit ng lahi mo. Oh sige, gwapo ka? Ano naman ngayon.” “Napansin mo ako, naguwapuhan ka sa akin, ibig sabihin attracted ka.” “Sinabi ko ba? Oh come on! Please huwag ako! Sa iba ka na lang mang-uto!” “Wait, paano mo nalamang mayaman ako?” “Sa suot mo, sa kilos mo, sa kulay mo, sa amoy, sa iba’t ibang sasakyang dala mo at diyan sa kayabangan mo.” “So, what do you want me to do para maging okey tayo.” “Wala Wala kang ibang gawin kundi ang dumistansiya.” “At hindi ko rin naman kayang magpanggap na mahirap kasi totoo ako sa’yo. Hindi naman ako pwedeng maging pangit kasi inborn na ang kaguwapuhan ko.” “Ang kapal! Ang yabang mo lang talaga.” “Kayabangan ba ang pagsasabi naman ng totoo at nakikita na mismo ng iyong mga mata?” “Oh my God! Hindi tayo matatapos dito. Padaanin mo na lang ako please. Wala kang mapapala sa akin.” “Hindi ako naghahanap ng mapapala sa’yo. Hindi ko kailangan may mapala para maging friends tayo.” “Tigilan mo nga ako. Wala akong panahon sa’yo. Wala kang aasahan sa akin. Wala akong pakialam sa’yo, okey na?” “Wait. Galit ka ba sa mundo o galit ka lang sa mga katulad kong mayaman at guwapo!” “Galit ako sa mga ganyang mukha. Hindi ka lang pala talaga makulit ano? Saksakan ka pa talaga ng yabang. Sa tingin mo ba ikaw na ang pinakagwapo sa buong mundo? Oo maaring kayo ang pinamakayaman sa buong Pilipinas pero hindi sa buong mundo. Mayaman ka Axel pero akala mo ba kagwapuhan ang basehan ko sa pagpili sa lalaki? Tingin mo kagaya ako ng ibang babaeng pinaiyak mo lang at niloko? Hindi ako kagaya nila, Axel. Hindi ako kasinghina nila kaya lubayan moa ko please lang!” “Ngayon, alam ko na. Nakikita ko na sa’yong mga mata. Nababasa na kita.” “Nababasa mo ang alin? Nakikita mo ang ano?” “Natatakot kang makipagkilala sa guwapo kasi baka main-love ka sa akin. At dahil guwapo ako at mayaman, ayaw mo sa kagaya ko kasi iniisip mong babaero ako. Dahil sa kaguwapuhang ito at sa pera ko, iniisip mo na rin agad na sasaktan kita at iiwan.” “Hindi ba? Iyon ang pagkakakilala ng lahat sa’yo dito sa campus. Oo. Maaring malawak ang campus natin pero Mr. Axel Villar, maliit lang ito sa kagaya mong markado na. Markado kang babaero. Markadong nagpapaiyak at nanloloko sa mga mahihinang babae. Mahihinang babae, meaning I am not one of them. Truth is, ang presko mo. Lalo akong nairita sa’yo.” “Naiirita o lalo kang nagkakagusto?” “Ang kapal mo talaga!” “Ano? Type mo rin ako, ano?” nakangiti siya. Oh God! Ang cute-cute ng ngiti niya. Grabe! Ang guwapo guwapo guwapo niya! “Look Axel, wala akong panahon. Doon ka na lang sa mga barkada mong walang kuwenta. Mga barkada mong mayayaman at ginagawang tambayan na lang ang school. Mag-aral kayo nang mas malaman ninyo ang tama at mali. Nakakahiyang maging CEO kayo balang araw pero mas matalino pa ang secretary ninyo kaysa sa inyo kasi nang pinag-aaral kayo, pambabae naman ang inatupag kasi ninyo! Pwede ka ring bumalik sa loob, maghanap ka ng ibang babae mapapaniwala mo sa mga boladas mong ganyan. Hindi ka papasa sa akin, Axel. Hindi ako papatol sa kagaya mo kaya huwag na ako! Kung hindi ka riyan aalis, masasaktan ka talagasa akin!” “What if hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi sa akin ang pangalan mo?” “E di, itong bagay sa’yo!” malakas kong tinuhod ang harap niya. Napalakas yata. Namula siya. Namilipit sa sakit. Naramdaman ko pa ang may kabukulang iyon sa tuhod ko. Napahandusay na siya sa sakit. Bigla kong naalala ang scholarship ko. “Oh my God! Ano itong nagawa ko? Anong gagawin ko?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD