THE FIRST ENCOUNTER

1512 Words
LADY MAFIA BOSS ABDUCTS THE HOT CEO By: Joemar Ancheta Chapter 1 Pumasok ako sa library para mag-review sa isa kong exam sa akin major subject. Puno ang lahat ng mesa maliban sa mesa ng grupo ni Axel na hindi ko man kaklase pero kilala ko o ng lahat na sakit sa ulo. Sino bang hindi nakakikilala sa star player na varcity, saksakan ng gwapo, kilalang bilyonaryo ang pamilya, pinag-uusapan na magiging CEO ng kanilang mga negosyo at may angkin ang saktong tangkad, matalino at playboy. Hindi sa iniiwasan ko itong makausap o makilala. Hindi ko lang gusto ang karakas ng kagaya ni Axel. Hindi ko gusto yung panghuling pagkakakilanlan sa kanya na playboy. Mainit ang dugo ko sa kanya. Ayaw ko kasi ng babaero. Dahil kasi sa pagkababaero ng Daddy ko na sa kuwento lang naman ni Mommy nalaman ay nasira ang buhay namin. Iyon lang naman ang alam ko kay Daddy. May mga usap-usapan na Mafia raw si Daddy, mayaman at kinatatakutan ngunit hindi ko ramdam yung panghuli. Yung yaman na sinasabi. Kasi mula nang magkamalay ako, mahirap na kami ni Mommy. Siguro totoong mayaman kami noon kasi Mommy ang tawag ko sa Mama ko. Kapag Mommy raw kasi ang tawag sa nanay, mayaman. Kami lang siguro ang hindi. Basta ang sabi lang ni Mommy, hindi na niyang kayang makisama pa. Natatakot siya araw-araw kaya iniwan ni Mommy ang maalwan naming pamumuhay dahil sa pagkababaero ni Daddy at ang kanyang pagiging Mafia Boss. Nawala ang dati naming magaan na pamumuhay. Nagulo ang dati ay tahimik at masaya naming pamilya nang naging Mafia Boss na raw si daddy. At pinapangako ko sa aking sarili na hindi ako kagaya ni Mommy. Hindi ako kukuha ng sakit sa ulo na lalaki. Tama na yung sakit ko. Hindi ko na kailangan pa ng stress. Baka hindi ko na kayanin pa sa dami ng dinadala kong problema. Hindi ako kailanman magmamahal ng gwapo, mayaman at babaero. Para sa akin, ang ganoong lalaki ay hindi pampamilya. Pan-display. Hindi sineseryoso kasi kapag seseryosohin ang kagaya nila, paniguradong tapos na ang maliligayang araw. Muli kong inilibot ang aking paningin. Bumuntong hininga ako. Wala talagang bakante. Wala akong choice kundi ang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Axel. Pinaghandaan ko na ang maaring mangyari. Kailangan ko ng maraming pasensiya. Alam ko namang nandoon lang ang grupo ni Axel hindi para magrepaso kundi para mang-asar. Nandoon lang din siguro sila para magpa-aircon. “Bakante naman siguro ito, ano?” masungit kong tanong sa kanila habang hinihila ko na ang upuan para makaupo. “Bakante na ngayon dahil dumating ka,” pasakalye ni Axel. Kumindat pa siya saka nagpa-cute. Nakakainis. “Hi Miss?” bati pa niya sa akin. Hindi ko siya pinansin. “Uy pare! Totoo nga! Suplada!” sabi ng katabi. Hindi ko pinatulan. Hindi sila kapatol-patol. Umupo ako at inilabas ko ang notes ko at xerox copy na nilagyan ko ng mga notes ko habang nagdi-discuss ang aming instructor. Naisip ko, kung hindi ko sila papansinin baka tigilan nila ako. Baka kapag makita nilang masungit ako at tutok sa aking pag-aaral baka hindi ako pagkakaabalahang buwisitin. Huwag sana nila sirain ang araw ko. Oo, mayaman sila, ako mahirap lang pero hindi porke mahirap ako, nagpapa-api na. Hindi ako ganoong klaseng babae. Hindi dahil mahirap ako, kaya akong i-bully o kaya ay asarin lang ng kung sinu-sino. Ang pagkakaiba lang naman namin, sila nagbabayad sa school ako, libre lahat dahil sa angkin kong talino. Mawawala ang lahat ng ito kung magpabaya ako. Sila kahit pa puro bagsak o line of 7 ang grade, ayos lang kasi may pambayad sila. “Miss, Axel nga pala,” nakangiti niyang inilahad ang kamay niya. “Yown!” sigaw ng mga kasama niyang mukhang mga mayayaman pero alaskador. Wala akong Nakita. Wala akong narinig. Hindi ko siya pinansin. “Pare, hindi ka pinansin, oh? First time nangyari ‘yon ah!” narinig kong banat ng hipon na kasama ni Axel. Parang wala pa rin akong narinig. Isinuot ko ang makapal kong salamin para mabasa ko ang aking notes at makapagsimula na sa pagre-review. “Axel, miss. And you are?” pangungulit pa rin niya. Ngayon mas malapit na ang gwapo nitong mukha. Hindi na pwedeng hindi ko siya mapansin kasi amoy ko na ang kanyang lalaking-lalaki na pabango at ang kanyang mabangong hininga. Tumambad na sa akin ang kanyang makinis at mamula-mula niyang kutis sa mukha. Ang kanyang matang malalalim na nangungusap. Ang kanyang makapal na kilay. Matulis na ilong at mamasa-masang mapupulang labi. Sobrang gwapo niya sa malapitan. Napalunok ako. Grabe! Parang nakakapanginig. Nakakawala sa sarili. Lalo siyang lumapit at ngayon nahihimatay na ako dahil ramdam ko na halos ang init ng kanyang katawan na dumikit sa akin. Nakita kong nakalahad pa rin ang kamay niya. Naghihintay na kamayan ko. Umaasang makipagkilala ako. “Miss? Axel here and you are?” Wala pa rin akong narinig. Wala akong nakita. Wala akong naramdaman. Kunyari lang wala pero meron naman talaga. Kinikilig ako na hindi ko mawari kung bakit. Hindi ba dapat hindi siya? Hindi sa kanya? Nakakainis naman! Dahil sa ginawa kong hindi apektado, lalo tuloy siyang inasar ng kanyang mga kasama. “Miss, bulag ka ba? Pipi? Bingi o manhid lang talaga?” Naamoy ko ang kanyang hininga. Bakit gano’n? Ang bango? Para na niya akong hinalikan kahit pa hindi pa naman. Nakakapanginig naman talaga ng laman. Nakakangatog ng tuhod. Nakapanghihina. “What if halikan kita? What if ligawan kita?” “Excuse me? Sige subukan mo!” hinarap ko siya. Pinadilatan ko siya ng aking mga mata. Hindi kasi ako makaka-focus hangga’t hindi niya titigilan. “Oh, see hindi ka naman pala pipi eh. Nagpapakilala ako oh? Yung kamay ko, nangangawit na. Baka naman gusto mo nang tanggapin? Ipinapahiya mo naman ako sa mga tropa ko ko niyan eh.” “You know what Axel, hindi mo kailangang magpakilala sa kahit sino sa campus. Kilala ka na kasi namin. Kilalang-kilala kita. Kaya okey na?” “Oh pare! Dinig mo ‘yon? Astig sumagot!” “Hoy! Mga asungot!” singhal ko sa mga kaibigan niya. “Hilig niyo rin kasing manggatong eh no? Tuloy tignan ninyo. Itong kaibigan ninyong mapagpatol at uto-uto eh nadadala ninyo sa kalokohan ninyo. Huwag ako ha! Hindi ninyo ako kaya. Hindi ako titiklop sa inyo. Kung ibang babae, pwede yung paganyan-ganyan ninyo, huwag ako. Hindi ‘yan kahit kalian lulusot sa akin!” Huminga ako nang malalim. Naiinis na naman ako. Umiinit ang ulo ko. Tinignan ko si Axel. “Andami mo namang sinabi. Nakikipagkilala lang oh?” “Maaring hindi mo ako kilala, Axel, pero matagal na kitang kilala at hindi mo kailangang magpakilala pa sa akin. Sikat ka eh! Sikat ka in negative way. Sikat ka sa pagiging playboy!” Napahaba kong pambabara sa kanilang lahat. “Pare, palaban! Ibang klase! Payag ka ng gano’n lang?” bumanat uli ang maganda ang katawan patapon ang mukha niyang barkada. Ang tighayawat na tinubuan ng ulo. “Kung hindi ka titigil diyan sa ginagawa mong panggagatong, tatanggalan kita ng ulo. Please lang. Nasa library tayo oh. Hindi tayo mga elementary, hindi na mga high school para hindi alam kung para saan at ano ang gagawin sa library.” Huminga ako nang malalim. Nang makita kong may tumayong estudiyante sa kabilang mesa ay tumayo na ako. “Oh, saan ka pupunta?” Hinawakan ni Axel ang braso ko. Hindi ko alam kung bakit ako nakuryente. Tinignan ko lang ang kamay niya. Kung sa iba ‘yon, kapag hawakan ako nang pabigla-bigla, nasampal ko na. Pero siya, hindi ko nagawang sampalin siya. “Bitiwan mo ako!” napalakas kong sabi. Bumitiw naman siya pero hinarangan niya ako. “Saan ka nga pupunta?” humawak uli siya pero sa balikat ko na. “Do I need to ask your permission to leave?” Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko. Kinuha ko ang bag ko at mga notes saka ko siya binangga sa balikat ka niya. Nagkantiyawan sila. Namula si Axel. Mukhang napahiya. Baka first time mapahiya sa babae. Narinig kong nagtawanan pa sila. Hindi ko na lang sila nilingon. Hindi ko sila pinatulan at baka hahaba lang. Sayang ang oras sa kanila. “Maganda sana pero ang suplada p’re.” “Pa-hard to get lang ‘yan. Aren't you impressed yet with my capability when it comes to women. Yung mga ganyang babae p’re ang mas hot pa sa kama. Nagpapahabol lang ‘yan kunyari pero nasa loob niya ang kulo,” pagyayabang pa niyang lalong kinainisan ko. Nagtawanan sila. Nag-apiran. "Bibigay 'yan sa akin. Kagaya ng iba, isang linggo lang, hahabol-habol na 'yan sa akin at magmamakaawa." Nagpanting ang pandinig ko. Nainis ako nang sobra na ganoon kababa ang tingin niya sa aming mga babae. Na akala niya, ganoon lang kahina ang lahat ng babae. Huminto ako. Gusto ko siyang balikan at sampalin nang matauhan at magising siya sa katotohanan na hindi lahat ng babae ay kagaya ng iniisip niya. Napakaliit ang tingin niya sa kagaya kong babae at doon ako mas naiirita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD