THE BLACKMAIL

1854 Words
LADY MAFIA BOSS ABDUCTS THE HOT CEO By: Joemar Ancheta Chapter 3 Kitang-kita ko ang nabuwal niya habang sapo niya ang tinuhod ko sa pagitan ng hita niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naisip ko kasi agad ang aking scholarschip. Kung malalaman ng Admin o ng Guidance ang ginawa ko, baka mawala ang aking scholarship lalo pa’t hindi kung sino lang si Axel. “Ouch! Damn it! Ang sakit ah! The f**k!” napapamura na siya sa sakit. Nakita kong hirap siyang huminga habang sapo niya ang pagitan ng kanyang hita. Namimilipit siya. Hindi ko na alam kung tutulungan ko ba siya o iiwan. Pero hindi ko naman siya kayang iwan na lang. Basta iniisip kong dapat may gagawin akong tama. Kailangan kong itama ang pagkakamali ko. Hihingi ako ng sorry sa kanya. Nainis lang ako. Nagpadala lang ako sa galit ko dahil sa kakulitan niya. Sa kabilang banda, sinasabi ng isip ko na deserve lang niya ang ginawa ko at kung malaman man ito ng admin o ng guidance, buong tapang kong haharapin. Ipaglalaban ko ang sarili ko. Hindi ako dapat nagpapakumbaba. Naglakad na ako palayo. Kaya lang hindi ko kaya. Hindin ko pala talaga kayang maging totoong maldita o masamang tao. Hindi ako yung tipo nang ganoong tao. Bumalik ako pa rin ako. “I’m sorry. Ikaw kasi eh!” yumuko ako para alalayan ko sana siyang tumayo. “Sige na, humawak ka sa akin. Tulungan kitang…” Kaya lang paghawak niya sa akin. Hinila niya ako nang sobrang lakas at nawalan ako ng panimbang. Niyakap niya ako. Naramdaman ko na lamang ang gilid ng labi niya sa gilid din ng aking labi. Hindi ko alam kung intentional o hindi pero if felt so good. It was indeed different. Indeed, a magical unplanned kiss. Hindi ako nakagalaw. Ni hindi ako makapagsalita. Siya man ay parang nagulat. Namilog ang kanyang mga mata. Mabilis naming binitiwan ang isa’t isa at umalis akong hindi na siya nilingon pa. Bahala na kung magsusumbong siya sa guidance. Ako na rin ang bahalang magpaliwanag. Nang naglalakad na ako palayo sa kanya ay may sinasabi siya ngunit hindi ko na pinansin pa. Ang halik na iyon ay dala-dala ko sa aking isipan kahit pa nag-eexam ako. Ang lambot ng labi niya sa aking labi na may kiliti ng tumutubong bigote. Dumikit sa aking isip ang kanyang mabangong hininga. Ang kanyang mainit na yakap sa akin. Nakakainis naman. Pero hindi. Kahit kailan hindi ako mahuhulog sa kanya. Hindi ko pwedeng mahalin siya. Hindi ko na kailangan pa ang lalaki sa buhay ko. Natapos ang exam naming at iyon ang first time na nag-take ako ng exam na hindi ko sigurado ang mga sagot ko. Parang mas nakatuon sa isip ko yung halik ni Axel sa akin. Yung kanyang gwapong mukha. Ah! Nakakainis! Ayaw kong bumagsak. Hindi pwedeng bumaba ang grades ko dahil kapag mawalan ako ng scholarship, mawawalan na ako ng pag-asa pang makatapos. Nakakapag-aral ako sa sikat at bigating university na ito hindi dahil sa pera kagaya nina Axel. Nandito ako at napasama sa kanila dahil sa talino ko. Iyon lang ang meron ko at iyon ang kailangan kong panatilihin kaya p-aulit-ulit kong ipinapaintindi sa aking isipan na hindi ako kailanman patatalo. Paglabas ko sa aming classroom. Nandoon na naman siya. Siya na naman ang una kong nakita. Ibig sabihin markado na talaga ako sa kanya. Oh my God! Hindi ba talaga niya ako titigilan? Natuhod ko na siya at nasaktan ganoon pa rin siya. Kumindat siya at ngumiti ngunit parang hindi ko siya nakita. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad palayo. “Miss Soriano, wait! Miss Soriano!” hindi iyon boses ni Axel. Boses iyon ng instructor ko sa English. Wala akong magawa kundi ang lumingon. “Yes Ma’am?” sabi ko. May hawak siyang napakagandang bouquet of white roses. “Wow! Ang gaganda naman niyan Ma’am,” sabi kong nakangiti at pilit kong hindi pinapansin si Axel na sumisigaw pero naririnig ko pa rin. “Hi Miss Fay Soriano. You owe me an apology!” nangingibabaw ang sigaw niyang iyon. Kinilig ang iba kong mga kaklase ngunit ako, nairita. Kinikilig siguro pero mas bet kong piliin ang naiirita. “Ang gaganda ano. Actually, this is for you?” “Po?” kunot ang noo ko. “Sa akin po?” “Oo. Galing kay Mr. Axel Villar. Hayon siya oh!” Hindi ko alam kung ngingiti ako. Hindi ko rin alam kung paano ko tatanggian dahil nakakahiya rin naman kay Mrs. Cruz na nag-abot pa sa akin. “Kausapin mo. Huwag mong iwasan,” sabi ni Mrs. Cruz habang nakangiting kinikilig. Hinintay kong makalapit si Axel sa akin para ibalik ko sa kanya ang kanyang bouquet. “Grabe naman. Ako na ang sinaktan, ako pa ang nagbigay ng white roses, ako pa ang iiwasan?” “Ano bang kailangan mo?” “You owe me an apology” “Okey, I am sorry. Are we good?” “That’s too sarcastic. Hindi ko matatanggap ang sorry mo sa ganyang paraan.” “Come on, Axel. What do you want me to do?” “A date, maybe?” “No! Hindi mangyayari iyon.” Ibinigay ko sa kanya ang kanyang white roses. Hindi niya tinanggap. Nahulog sa sahig. Wala akong planong pulutin at ganoon din siya. “That’s yours already. Ngayon kung ayaw mo, hayaan mong diyan lang siya sa sahig,” sabi niya. “Tulad ng sinabi ko, makababayad ka lang ng atraso mo sa akin kung papayag ka sa isang date.” “Over my dead body!” “Well, kung ganoon. Sa guidance na lang tayo maghaharap kung hindi ka papayag sa date. Nakita mo sila?” itinuro niya ang mga barkada niya. “Lahat sila pwedeng maging witness sa ginawa mo kaninang p*******t sa akin. Alam mo naman siguro kung ano ang parusa ng nananakit sa campus. Nalaman ko rin na you are under scholarship program. Sa isang pitik o sabi ko lang, mawawalan ka ng scholarship. Nakita mo si Mrs. Cruz? Siya ang nagbigay sa’yo ng bulaklak hindi ba? Kahit terror siya, nagagawa kong paikutin siya sa aking mga kamay. That’s how my connection works? Ganyan ako kalakas sa campus.” “Are you blackmailing me?” “No, I am asking you for a date.” “Ang yabang mo talaga!” “Mayabang o nagsasabi lang ako ng totoo? Yes, I am just telling you the truth kasi I can and I will!” “Hindi mangyayari ang gusto mo. Mag-report ka na lang sa guidance kung gusto mo, haharapin kita.” Pero pride ko na lang iyon. Iniisip ko malakas si Axel sa school. Parang ikasisira ko pa ang nangyaring iyon kung makikipagtigasan ako sa kanya samantalang date lang ang kapalit sana ng ginawa kong p*******t sa kanya. “What? I am giving you 30 minutes to think about it. Nasa school canteen lang ako. Kapag hindi ka dumating within 30 minutes, hintayin mo na lang na ipatawag ka ng Guidance Officer to meet me in her office. Hindi mo alam ang kaya kong gawin Fay.” “Nakakainis ka talaga!” singhal ko. “Thirty minutes. Maghihintay ako sa canteen. Just thirty minutes, Fay.” “Bakit hindi ka na lang kasi mag-aral nang mabuti kaysa sa nanggugulo ka sa buhay ng may buhay! Ginawa ko lang iyon kasi naiinis ako. Kasi sobra ka na! Late na ako hindi mo pa ako tinatantanan.” “As far as I know, ikaw ang dapat mag-aral nang mabuti, Fay. Your average last semester was only 97% and I got 98.2 percent. Baka hindi mo lang nabasa ang pangalan ko. Nasa number 1 spot ako at number 3 ka lang. Scholar ka pa niyan ha? Kaya huwag mo akong pwedeng yabangan sa pag-aaral nang mabuti dahil hindi moa ko matapatan. Hindi moa ko kaya in all aspect!” “Naka-jackpot ka lang. Top 1 ako for the past semesters, ngayon lang ako sumabit dahil may mga hindi maiwasang problema at karamaman pero sisiguraduhin kong lalagpasan kita. Huwag kang pakampante Mr. Villar.” “Hindi naman ako kampante eh. Hindi rin naman ako kagaya mo na subsob na subsob na sa pag-aaral para lang maging matalino sa klase. Nakalimutan mo na yatang mabuhay bilang teenager kasi subsob ka na masyado sap ag-aaral mo. Have fun! Ang masaklap, wala ka ka nan gang fun Top 3 ka pa rin lang. Wala ka na nga yatang ginawa sa buong buhay mo kundi mag-aral hindi ba? Tapos iyon lang ang kaya mo? 97%?” “You don’t know me. You don’t know my struggles in life. Ikaw, mag-aral ka man o hindi, alam mong may mapupuntahan ang buhay mo. You will be a future President or CEO of your own company. Ako, hindi ko alam kung anong kahihinatnan ng buhay ko.” Huminga ako nang malalim. Napapaluha ako ngunit hindi ako iiyak. Hindi sa harap ng ibang tao. Hindi ako magpapakita ng kahinaan. “Pagkatapos ng klase, wala kang iisiping pamilyang bubuhayin. Uuwi ka, magpapahinga, mag-aaral o kaya matutulog o manonod ng movie. Pwede ring nasa labas ka, nagsa-shopping, naglalaro, kumakain o nag-iinuman with your friends. Ako, Axel hindi gano’n. Kailangan kong magtrabaho sa hapon hanggang gabi para may makain kami. Dito na lang ako sa school nakakapag-aral kasi wala akong panahon pang mag-aral sa bahay namin. Kahit pa siguro may oras akong mag-aral, hindi pwede kasi maingay ang aming mga kapitbahay. Sa iskwater ako nakatira eh. Mahirap lang ako. Kaya yung oras na sinasayang kong ito sa’yo, napakalaking bagay sa akin. Ginto ito para sa sa akin ang bawat minuto ng buhay kaya please. Tigilan mo ako. Tantanan mo na ako please!” Nakita kong napalunok siya. Napalingon siya sa kanyang mga barkada. Sandaling naghari ang katahimikan. “Just be with me kahit sandali lang,” sabi niya. Medyo humina ang boses niya. “Kung date ang ikinukulit mo sa akin? I’m sorry. Busy ako lagi. Busy akong tao.” “Still, may atraso ka pa rin sa akin na kailangan mong bayaran at mababayaran mo lang ako if you will be my date, tonight.” “Tonight? Tonight, na talaga?” Napailing ako. “Ipa-guidance mo na lang ako.” Tinalikuran ko siya. Nanggigil ako sa inis sa kanya. Kahit saang anggulo talo ako sa kanya. Nakakabuwisit! Pababa na ako sa aming hagdanan nang biglang may humila sa akin na dalawang lalaki papasok sa bakanteng room. Nagulat ako. Hindi ako nakakilos agad. Ni hindi ako nakatanggi o nakapagsalita. Nang maipasok nila ako sa loob ng classroom ay lumabas ang dalawang lalaki. Isinara nila ang pinto. “Hoy! Ano ba! Palabasin nga ninyo ako! Hoyyyyy!” sigaw ko. Pilit kong hinila ang pinto ngunit hindi ko mabuksan. “HI Fay!” galling iyon sa likod ko. Nakita ko ang limang mga socialite, famous mean girls ng aming campus. Iisa lang denominator ng lahat ng babaeng ito, ex nila si Axel at hindi ko alam kung anong gusto at kailangan nila sa akin. Pinalibutan nila ako. Tinitignan nila ako pataas-pabababa. Oh God! Ano ba itong kapahamakan at kamalasang dala ni Axel sa tahimik kong buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD