SNATCH

1905 Words
Chapter 5 Pagdating ko sa school, agad na akong pumasok sa klase ko. Hindi ko nakita si Axel. Tinanggap ko na ang 40,000 kaya kailangan ko nang gawin ang trabaho ko. Pero paano kung di magpapakita ang target ko? Paano kung kahapon lang pala ako napag-tripan? Paano ko pa gagawin ang misyon ko? Kailangan ko ito kaya kahit alam kong mali, alam kong hindi tama, kinapalan ko ang mukha kong pumayag para pandagdag sa aming mga gastusin. Lahat na kasi ng tindahan sa squatter kung saan kami nakatira nautangan na namin at wala na sa amin gustong magpa-utang pa. Gusto ni Mama na hanapin ko na ang sinasabi nilang bilyonaryo kong ama para humingi ng tulong ngunit hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang paghahanap lalo pa’t hindi ko alam kung tatanggapin ako o hindi. Unang subject ko, hindi ako maka-focus. Hindi kagaya nang ga nakaraang mga araw na wala akong pakialam sa iba o kahit sino. Dahil sa sobrang pagtutok ko sa aking pag-aaral ay alam na ng lahat na may pagka-suplada ako. Wala akong oras sa pakikipagkaibigan. Walang oras na magpaligaw. Alam kong may mga lalaking nakangiti sa akin, bumabati kapag nakaksalubong ko ngunit bastos na kung bastos, wala ako sa kanila pakialam. Hindi ako magsasayang ng panahon sa lalaking alam kong iiwan lang rin ako kagaya ng ginawa ng ama ko sa mama ko. Hindi ako manhid. Ilang beses nang may mga hayagan pa talaga ang pagtabi sa akin, sisimulan ang pag-uusap sa mga tanong tungkol sa kung anong oras na, saan ang ganitong office o ganyang office saka magpapa-cute pero hindi na, hindi mangyayaring kiligin ako. Iniiwan ko ang mga lalaking iyon na hindi na titignan pa. Hindi ko na hinayaan pang mahulog ako na magiging sanhi lang ng pagkasira ko. Itinuon ko ang lahat sa aking pag-aaral at pagtratrabaho. Dalawang taon na ganoon ako sa university na pinapasukan ko. Dalawang taon na walang masabing kaibigan. Hanggang sa tumunog ang bell. Natapos ang isang subject ko na wala akong naintindihan. Walang pumasok sa isip ko kundi ang pagpaplano kung paano ko mapapaibig si Axel kagaya ng aming plano. Paano ko siya paiibigin na hindi ako kikiligin, na hindi ako tuluyang mahulog sa kanya? Nagdesisyon akong pumunta sa library pagkatapos akong pagandahin nina Zarlyn na nag-abang sa klase ko at sumunod ako sa kanila. Doon kasi madalas tumambay si Axel kasama ang kanyang mga barkada kaya doon na lang din ako tatambay. Pero pagpasok ko, wala sila roon. Nasaan siya? Hindi ba dapat nandito sila? Pero bakit ko nga ba hinahanap? Di ba malinaw na sinabihan ako ni Zarlyn na kumilos lang nang normal? Na hindi dapat ako ang naghahanap. Na hindi ako ang dapat desperadang ligawan. Mas pahirapan ko si Axel, mas mamahalin ako. hinay-hinay lang dapat ako. Gawin ko lang daw ang mga usual kong ginagawa. Alam kasi nilang matalino si Axel kaya madali itong makaramdam. Pero ako itong si tanga na naghahanap pa. Tumungo ako sa shelves ng library at inabala ko na lang ang sarili ko sa pagre-research. Ibinalik ko ang mga books na nabasa ko na at iniayos ko ang mga librong iyon ayon sa pagkakahugot ko kanina dahil ayaw kong dagdag pahirap pa ako sa mga kagaya kong scholars din pero sa kanila kailangan nilang mag-serve sa school pero dapat maintain nila ang 85 na average. Ako, hindi ko kailangan maging kagaya nila pero kailangan ang average ko ay hindi bababa sa 90%. “Hi, excuse me, could you find these books for me and bring these in that table.” Boses pa lang alam kong si Axel na iyon. Nang lumingon ako ay napako nang tuluyan ang tingin ko sa kanya. Ganoon din siya sa akin na parang hindi rin kaagad nakapagsalita. Iban a kasi ang lambot ng aking buhok. Maayos na rin ang aking kilay. Pinaganda ako ng apat na sinaktan niya kaya bago sa akin ang nakita niyang hindi niya nakita kahapon. Yung transformation ko ang dahilan kung bakit hindi niya maisara ang nakabuka niyang bibig. Dumikit ang paningin niya sa aking mukha. Nakita ko ang kaniyang paglunok. Nagrehistro ang kaniyang kabuuan sa akin na hindi ko alam kung bakit. Nakapagwapo rin kasi niya. Lalo ko nang napagmasdan ang kanyang makinis at maputing mukha. Kulay gatas. Guwapo siyang may kakaibang dating sa akin at lahat ng lakas kong lumaban at umiwas ay hinigop ng kaniyang mala-adonis na mukha. Sumemplang ang aking talino. Yumuko ang aking mga paniniwala at nanikluhod ang pagmamatigas ng aking puso. Pero hindi dapat ako mahulog. Siya ang dapat ma-inlove sa akin at hindi ako sa kanya. Pero ano itong nararamdaman ko? Akala ko hindi na tatama pa sa akin ang pana ni Kupido. Sinabi ko sa aking sarili na hinding- hindi ako magkakagusto sa kanya kasi alam ko naman kung anong klase siyang lalaki. Napahinga ako nang malalim. Nahimasmasan ako nang maalala ko may advance na akong nakuhang 40,000. Isa pa, malay ko bang niloloko lang ako nito. Kaya hindi. Hindi ito pwede. Erase. “Ikaw pala ito. Akala ko kasi bagong library attendant. Are you okey?” “Yes, am fine. Mukha ba akong may sakit sa’yo?” sarkastiko at pasuplada kong sagot. “Could you please find these books listed in this paper and bring it there?” tinuro niya ang kaniyang upuan. Tinignan ko ang sinasabi niyang listahan. Sulat iyon. Isang nakabukas na love letter. Balak pa ako nitong budulin. Sweet sana. Nakakakilig sana pero karakas niya ito. Sa ganoon siya magaling. Magpakilig. “Bakit ko naman gagawin iyon?” naguguluhan kong tanong. “Ah hindi ka ba one of them? Scholar ka rito kaya akala ko, dito ka rin nagta-trabaho.” “Hindi. Oo, scholar ako rito pero hindi kagaya nilang scholars. Scholar ako rito because of my good grades and not because I serve you.” “Sorry. Akala ko isa ka sa kanila kasi nakita kong nag-aayos ka ng mga books.” “Okey na sana eh. Naniniwala na sana ako sa palusot mo pero yung hawak mong list ng book, hindi naman talaga list kundi letter. Para saan ‘yan? Uso pa pala ‘yan?” Napangiti ako. “Isa pa, kapag may hawak kang libro at maayos mong ibinabalik iyon sa pinagkunan mo, librarian ka na agad?” Tumaas ang kilay ko. “Okey, sorry. Mali ako.” “I have to go. Hindi rin ako mahilig makipag-usap sa library.” “Okey na ta’yo? Kumusta na yung date na sinasabi ko?” Nilahad niya ang palad niya. Nakikipagkamay. Ang presko naman talaga oh. “Akala ko bai pa-guidance mo na lang ako? Iyon ang hinihintay ko at hindi ang makipag-date sa’yo. Saka paano mo naman nalamang okey na tayo?” tumaas ang isang kilay ko. “Sa pagkakatingin mo sa akin kanina, why not?” “So you are presuming na okey na tayo dahil tinitigan kita?” Dalawa nang kilay ang nakataas. Hindi ko tinanggap ang pakikipagkamay niya. “Hindi pa ba?” “Hindi.” “Ano? Ako yung nasaktan mo tapos ikaw pa yung nagmamataas?” Huminga ako ng malalim. Muli kong hinanap ang libro na kailangan ko. “Napaka-ironic kasi kanina mo pa ako kinakausap, tapos ngayon mo lang sasabihing di ka nakikipag usap library? Kung ayaw mo rito. Sa canteen. Kahit sa canteen na lang tayo mag-date,” pangungulit niya. Tumalikod na ako. Nanalangin ako. “Diyos ko, palakasin mo ang loob kong tumanggi muna.” Usal ko sa Diyos. “Psst! Miss sungit! Ano na? Hindi pa nakababa ang kamay ko oh?” “E di manigas ka riyan.” Nagpasya na lang akong lumabas na muna ng library. Hanggang kaya kong umiwas pa muna kuno. Iiwas muna. Ang usapan, tagala nang bahagya. Mga two weeks to a month na tatanggi ako. Kasi habang tinataggihan daw si Axel, lalo siyang na-cha-challenge bagay na hindi ginawa ng apat na babaeng pinaiyak niya. Kung pisikal ang pag-uusapan, na kay Axel na ang kahinaan ko. Paglabas ko pa lang sa library ay may tumapik at humawak sa balikat ko. Inagaw pa niya ang mga dala kong libro. Kagaya na naman ng ginawa niya sa akin kahapon. Isa pang sinabi sa akin nina Zarlyn ay ang paasahin siya saw ala. Paghintayin siya saw ala para alam niya yung pakiramdam na naghihintay ng wala. Lalo siyang ma-challenge sa akin kapag gawin ko iyon. “So anong ikinukulit mo sa akin?” tanong ko. “A date.” “A date uli? Nasisiraan ka ba ng ulo? Di ba sinabi ko naman na sa’yo? Never na mangyayari iyon.” “E di hindi ko ibabalik na ang mga ito?” “Ano ba talaga ang kailangan mo!” kunyari napipikon na ako. “Sinabi ko na. Kahit simple snack lang do’n sa canteen.” “Okey. Sige.” Simula na ng laro. “Talaga? Okey na?’ “Okey na after my class.” “Ah you have a class na nga pala.” “Yes. So ano, akin na ang books ko.” “Promise mo, after your class?” “Oo nga. Ang kulit.” “Okey after your class.” Huminga ako nang malalim. “Sige na. Oo na nga di ba!” Para magawa ko na ang isa mga dapat kong gawin sa kanya. “By the way, deal ‘yan kaya we need to shake hands. Deal?” Nilahad niya ang kamay niya. “Okey Deal.” Bilang isang taong may pinag-aralan ay tinanggap ko na lamang ang kaniyang kamay. Nang magkadaop-palad na kami ay naramdaman kong may kakaiba siyang pisil. May init…may kahulugan. Hayon na naman, kahit sa klase ko, iniisip ko na naman yung napakagwapong mukha ni Axel. Paulit-ulit ko na namang pinapaalahanan ang sarili kong hindi ako mahuhulog. Hindi ako patatalo. Hindi ko siya dapat pagkatiwalaan sa ginagawa niyang pang-aakit. Pagkatapos ng klase ko ay nakita ko na agad siyang nag-aabang sa akin. Hinawakan ko na ng mahigpit ang aking mga gamit dahil baka may aagawin na naman siya. Wala akong intensiyong sumama ngayon. Paasahin ko lang muna dapat siya. Nagtama ang aming paningin dahil hindi ko naman aakalain na maghihintay talaga siya sa aking paglabas. Nakakainis talaga. “Paano? Let’s go na?” “Let’s go where?” nagmaang-maangan na ako. Sa di kalayuan nakita ko sina Zarlyn na nakamasid. “Date? Ano ‘to? Kanina lang tayo nag-deal ah?” “Deal? Wala akong matandaan. Did I make a promise?” “You compromised.” “Sorry AxeI but changed my mind. Marami pa pala akong gagawin kaya kailangan kong umuwi na agad.” “Pero pumayag ka na kanina. Nakipag-deal ka pa nga eh.” “For your information, pumayag ako dahil pinilit mo ako. Kung hindi ko sabihin ang oo hindi mo ibabalik ang books ko. Take note, books ko! Kung nakipag-compromise man ako, sarili kong gamit ang kapalit. It is not valid na makipag-negotiate ka sa bagay na inagaw mo lang sa akin.” “So what about the word of honor.” “Ikaw siguro meron ka no’n pero sorry Axel, wala kasi ako no’n eh.” “What? Oh come on! Don’t do this! No one ever did this to me.” “Well, ako ang una. Bye Mr. Campus Crush!” Tumalikod na ako. Iniwan ko siyang napapakamot na lang. Mabilis akong naglakad. Mahigpit kong hinawakan ang mga gamit ko. Mahirap ng ma-snatch na naman. Baka mamaya pati puso ko, kasama sa pang-iisnatch niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD