CHAPTER 4
“Anong kailangan ninyo sa akin?” tanong ko sa kanila. Inayos ko ang aking tayo. Kung gusto nila ng laban, kahit wala akong alam sa pakikipaglaban, hindi ko sila aatrasan. Ako yung tipo ng babaeng hindi sumusuko sa kahit anong laban. Hindi ako nakakaramdam ng takot sa kahit kanino.
“Relax. We will not hurt you. We are here to propose something na alam naming makakatulong sa’yo at makakapaghiganti rin kami,” sabi ni Queenie, ang sikat na cheerleader sa aming campus. Bukod sa siya’y maganda, alam naman ng lahat kung gaano kayaman ang kanyang pamilya.
“You give what we want and we give you what you need,” si Zarlyn. Siya ang editor in chief ng aming school paper at kilalang champion debater ng buong campus.
Yung dalawa, mga kagaya ko ring top of their class. Iisa lang ang background nilang apat. Matalino, sikat sa campus, mayayaman, seksi at magaganda at lahat alam kong konektado kay Axel. Lahat kasi sila, nagging girlfriend ni Axel at iniwan silang pare-pareho.
“Seat and let’s talk,” sabi ni Cheene. Ang chinita sa kanilang lahat na may lahing Chinese.
Umupo akong nagtataka. Paikot kaming umupo lahat.
“We heard na pinopormahan ka ni Axel?”
“Pinopormahan? Baka iniinis ang gusto ninyong sabihin?”
“Whatever! Pinopormahan o iniinis pareho lang sa amin iyon. What we need from you is he must fall in love with you.”
“What? Okey lang kayo? Hindi ko gagawin iyon.” Tumayo na ako.
“40,000 pesos each month. Perang hindi mo kikitain part time job mo ngayon. Tatanggap ka ng 40 thousand mula sa aming apat, 10,000 each bukod pa sa mga bagong damit, pabango, mga pampaganda at perang kakailanganin mo habang pinapaibig siya.”
Tumigil ako. Kailangan ko iyon. Kailangan ko ng pera para sa pamilya ko at sa madalas ko nang pagkakasakit na hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako gumagaling-galing. Wala rin naman akong pera na magagamit para magpa-test. Dinadaan-daan ko lang sa gamot ang lahat at malaking porsyento ang nanggagaling sa sinasahod ang gamot ko. Kung may 40,000 na manggagaling sa kanila habang pinapaibig ko si Axel, malaking tulong na iyon sa akin.
“What? Deal na ba?” tanong ni Queenie.
“Paano ako makaka-sure na babayaran ninyo ako?”
Sumenyas si Cheene sa grupo.
Naglabas si Cheene ng pera sa wallet niya. Nagbilang siya ng 10,000. Ganoon din ang tatlo. Mas makapal pa yung pera na isinilid nila sa wallet nila kaysa sa 10,000 na inilabas nila. Ganoon lang kadali ang pera sa kagaya nilang mayayaman.
Kinolecta ni Zarlyn ang pera sa tatlo niyang kasama at iniabot sa akin.
“Here’s our advance p*****t. Sa ngayon, kailangan mong ituloy muna ang pa-hard to get mo. Iyon kasi ang sa pakiramdam naming wala sa amin. Dahil sa gwapo si Axel at matagal na naming crush, agad na kaming nakipag-date at sinagot siya kahit pa hindi nanliligaw. By the way, pag-uusapan pa natin ang lahat ng mga steps na gagawin mo. For now, are you in or out?”
Nasa harapan ko na ang 40,000 na iniaabot niya sa akin.
“Okey. I’m in.”
Nag-apiran silang apat.
“Okey, ngayon na pumayag ka na, here’s the plan…”
UNA, KAILANGAN KONG MAGPA-HARD TO GET!
Hindi ko alam kung kaya ko ang mag sinabi nila sa aking mga dapat at kailangan kong gawin. Sa araw na iyon, pagakatapos nilang sinabi ang lahat ng mga dapat at di dapat kong gawin ay agad akong dinala sa parlor para lalo pang pagandahin. Hindi ako sanay na kasama ang mga kilalang socialite sa aming campus. Mga kilalang mayayaman. Hindi mga social climber kundi totoong mga sosyal. Ang hirap sumabay. Alam ko kasi ang kaibahan ko sa kanila. Kahit pa pareho kami ng uniform sa pinapasukan naming university, kita pa rin ang kaibahan nila sa akin. Sa buhok, sa kolorete at pampaganda sa mukha, sa suot na bag at sapatos. Basta alam ko at ramdam ko kung anong meron sila na wala ako. Ang pabango nila, mamahalin, sa akin yung patak-patak lang na downy. Napakahirap talaga maging mahirap.
Sa sikat na saloon ako dinala.
Hindi na nagtanong ang nag-ayos sa akin.
Napakarami nilang ginawa sa buhok ko na hindi ko alam. May ginagawa sila sa aking mga paa nanakababad sa mabangong hindi ko alam kung ano iyon. Ginupitan nila ako. Inayos rin nila ang kilay at napapangiwi ako sa sakit. May mga ipinahid sila sa aking mukha. Pinahiga. Pinapikit. Pati ang mga kuko sa daliri pinakialam pa. Total transformation yata ang gusto nilang ibigay sa akin.
Nang humarap ako sa salamin ay nakita kong lalong parang ibang tao na ang nasa harap ko. Maayos ang may kakapalang kilay ko. Mahaba pa rin naman ang buhok ko pero may layering na siya at maayos na ang bangs ko. Napakakintab na niyang tignan. Napakalambot na sumasabay na s akonting ihip ng electric fan. Hindi sa pagyayabang pero nagmumukha akong celebrity sa bagong ako.
May ginawa siya na kung ano sa aking kilay at pilik-mata. Naglagay rin siya ng kung anu-ano na hindi ko alam sa aking pisngi at naglagay ng lipstick sa aking labi. Nang inikot niya ako at tinignan ko ang sarili ko sa salamin ay para akong nakakita ng isang magandang modelo. Huminga ako nang malalim. Gulat na gulat ako. Kung kanina ay maganda na ako sa paningin ko, ngayon parang isang napakamalaking himala ang nangyari sa akin. Isa na akong dyosa. Isa akong prinsesa ng kagandahan.
“Ako na ba ‘to?” hindi ko napigilang sabihin iyon. Akala ko mahina lang ngunit napalakas pala.
“Yes, ikaw na ikaw ‘yan,” si Zarlyn. “Hindi kami nagkamaling piliin ka para pagandahin at gamiting pabagsakin ang lalaking nanakit sa amin. Ngayon, maipaparamdam na rin namin ang sakit na ginawa niya sa aming lahat. Mararamdaman rin niya kung gaano kasakit ang mapaglaruan.”
Paglabas ko sa saloon ay may mga ibinigay din sila sa aking mga shopping bags na punum-puno ng mga bagong bag, sapatos, dresses, pabango at pampaganda.
“Here’s your new bag. Bagay sa elegante mong looks. You are superb and stunning!” naibulalas ni Cheen.
Habang naglalakad ako pauwi kasama ng apat na nagbayad sa akin ay muli kong pinagmasdan ang sarili ko. Class na class na ang dating ko kagaya nila. Hindi na ako nalalayo sa kabuuan nila. Parang isa na rin ako sa kanila. Sa tangkad, ganda ng katawan, ganda ng suot at ang aking maayos na mukha, hindi ako pahuhuli. Maaring sabihin na sa aming lima ako ang umangat. Ako ang pinakamaganda. Bumagay ang bago kong ayos sa likas kong ganda. Sa mabilis kong paglalakad, naramdaman ko ang pag-alon ng malambot at nakalugay kong buhok. Malayo sa babaeng pumasok kanina na walang kumpiyansa sa sarili. Ito na ang bagong ako. Isang napakagandang babaeng binihisan ng plano naming pabagsaking si Axel.
Inihatid nila pa ako ni Zarlyn pero hindi na siya bumaba dahil maglalakad pa ako palooban. Habang naglalakad ako, naisip kong ngayon lang ako makikipag-date kunsakali. Hindi ako nagkaroon ng panahon makipagrelasyon. Mas maraming mahahalagang bagay na kailangan kong pagtuunan ng pansin. Maraming nagpaparamdam ngunit madalas hindi ko gusto. Madami rin naman akong gusto ngunit hanggang tingin lang ako dahil ayaw kong maging sagabal lang ito sa aking pag-aaral. Bata pa naman ako sa edad kong labinwalo. Saka ko na iisipin ang tungkol sa pakikipagrelasyon kung maayos na ang lahat sa akin at sa akin pamilya.
Lalo kasing humirap ang buhay namin nang nagkaroon ng TB ang Mama ko at tumigil na nang tuluyan sa pagtatrabaho dahil ayaw na siyang tanggapin pa sa kanyang pinapasukan nang malamang may sakit siyang nakakahawa. Ngunit kahit nangyari iyon, hindi ako nagpatalo. Matapang ako sa lahat ng pagsubok. Hindi ako kailanman pinanghihinaan ng loob. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang sumuko o kahit kaawaan ang aking sarili. Maabot ko rin ang tagumpay. Hinding-hinding ako titigil hangga't di ko makakamit iyon.
Nagulat sina Mama nang may mga dala akong shopping bag. Nag-abot ako sa kanya ng pera. Hindi lahat kasi alam kong magtataka siya. Yung sapat lang. Yung kagaya ng iniaabot ko paga sumasahod ako. Ako na ang pasikretong magbabayad sa mga pinagkakautangan namin. Bibili na rin ako ng ng gamot niya. Iyong ibinigay ko sa kanya ay pambili ng aming pagkain at pambaon ng aking mga kapatid. Hindi rin naman kasi pangmatagalan ang bagong raket ko. Baka nga hindi matuloy o baka isang buwan lang ang itatagal kaya mainam na magamit ang pera sa tama.
Kinagabihan, hindi pa rin ako makatulog. Alam kong mali pero tawag ng pangangailangan, kailangan kong gawin ng tama ang pagpapanggap kay Axel. Sa kagaya niyang bastos sa babae, dapat lang ang gagawin kong ito. Gusto kong ma-realize niya na hindi niya kami dapat pinaglalaruan.
Paggising ko kinaumagahan ay nagluto na ako agad ng agahan ng mga kapatid kong papasok sa kanilang klase. Naligo na rin ako. Nagpalit na agad dahil nauuna akong umalis kaysa sa kapatid ko. Bibiyahe pa kasi ako. Naglagay lang ako ng face powder sa aking mukha at hindi ko na itinali ang aking bagong rebond na mahabang buhok. Pati ang face poweder na iyon ay kailangan ko munang tipirin. Hindi uso sa akin ang make up ngunit may ibingay sa akin sina Zarlyn. Sa school ko na lang iyon gagawin. Magpapaturo ako sa kanila. Ingat na lang kasi ang PANGALAWANG USAPAN, HINDI DAPAT MALAMAN NI AXEL NA NAG-UUSAP O MAY KONEKSIYON KAMING LIMA NG APAT NIYANG EX. Hindi ko alam kung gagamitin ko ang set ng make up na binili sa akin. Mas bumabagay kasi sa makinis, may kaputian at maganda kong mukha ang simple lang na walang gaanong kolorete. Tinitigan ko sa basag na naming salamin ang mapupungay kong mga mata, matangos na ilong at sinikap kong ngumiti sa salamin para pampa-good vibes lang. Lumabas ang aking malalim na dimples.
"Pag-isipan mo yung sinabi ko sa'yo anak. Second year ka pa lang, may tatlong taon ka pang bubunuin bago ga-graduate. Kung mag-focus ka sa pag-ko-call-center o kaya sa ibang trabaho baka mas gagaan ang buhay natin. Seryosohin mong hanapin ang Daddy mo. Makatulong iyon sa’yo. Sa atin." Muling pasaring ng umuubong si Mama sa akin. Gusto kong sagutin siya sa sinabi niyang hanapin ko ang Daddy ko. Bakit hindi siya ang maghanap? Bakit ako? Pero kabastusan namang sagutin ko nang ganoon si Mama kaya bumuntong-hininga na lang ako.
“Kung sana ibinigay mo na lang sa akin yang mga pinambili mo ng mga ‘yan. Siguro nakabayad na tayo ng utang natin. Kailan ka pa nagkahilig ng mga ganyang mamahaling mga gamit, Fay?” ingunuso ni Mama yung mga nakapaper-bag pa na pinamili sa akin nina Zarlyn.
“Hindi ko ho binili ‘yan Mama. Binigay lang po ng mga kaibigan ko sa akin kasi naawa sila. Wala ho akong pera na ginamit riyan. Eto ho, dagdag pambayad sa mga pinagkakautangan nating store rito,” sabi ko. Nagbigay ako ng karagdagang 10,000 sa kanya para matahimik na siya.
“Oh, anlaki naman ne’to. Saan galing?”
“May online job ako, Mommy. Nagsusulat ako ng stories online,” sabi ko na lang para hindi humaba.
“Eh di mas malaki ang kikitain mo kung magtrabaho ka na lang muna nang di ka nahihirapan na dalawa ang inaatupag mo.”
"Hindi ko naman kailangan tumigil sa pag-aaral 'Ma para lang mairaos natin ang buhay natin sa araw-araw. Nagtatrabaho naman ako pagkatapos ng klase ko. Saka nakakatulong din naman ang allowance ko sa pagiging scholar ko para sa atin.”
“Hanggang kailan? Hindi ka ba naaawa sa mga kapatid mo at sa sarili mo, anak?”
“'Ma, kaya ko po 'to huwag lang ninyo akong tanggalan ng karapatang maniwala sa pangarap ko para sa atin. Hindi ako titigil sap ag-aaral ko 'Ma."
"Ngunit anak, nahihirapan ka na. Hindi ko alam kung paano mo pa kakayanin itaguyod kami habang nag-aaral ka."
Pinulot ko ang binder ko at bag na nakakalat sa lumang mesa namin. Lumapit ako kay Mama. Muli kong sinuri kung lahat ng kailangan ni Mama ay naiayos ko na bago aalis ng bahay. Kung handa na ang lahat pati ang baon ng aking mga kapatid.
"Ma, alis na ho ako. Baka bukas o sa makalawa, lagi na ako gagabihin ng uwi dahil magsisimula na ako sa trabaho ko. Pagtiyagaan ko ho muna iyon habang naghahanap ng mas malaking pagkakakitaan. Pansamantalang magiging Office assistant muna ako habang hinihintay ko ang iba ko pang ina-aplayan."
Iyon kasi ang pangatlo naming usapan nina Zarlyn. KAILANGAN MAKIPAG-DATE KAY AXEL. MINSAN GAGABIHIN TALAGA AKO NG UWI.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mama bilang pagpaparamdam na di siya natutuwa sa napili kong papasukan kasi gusto talaga niya mag-call center ako dahil nga nababalita na malaki ang bigayan doon. Alam kong pinili na lang ni Mama na manahimik para di na hahaba pa.
Lumabas na ako sa aming sira-sira at lumang barung-barong. Sanay na ako sa ingay ng aming mga kapitbahay. Umagang-umaga pa nga lang may nagsisimula nang mag-inuman. Mga batang walang damit na nagtatakbuhan. Mga nagtitsismisang di pa yata nakakapagmumog. May mga ilang mga tambay na nag-iinuman na at nag-aabang sa aking pagdaan ang agad na nabungaran ko.
Inihanda ko na ang sarili ko. Mapapalaban na naman ako sa mga tambay. Sanayan na lang. Hindi pwede sa lugar namin ang ugaling pa-virgin o kaya’y pakolehiyala. Ang dapat sa mga tambay na mga ito ay patibayan ng sikmura at patigasan ng mukha.
Huminga ako nang malalim at naglakad sa madumi, masikip na eskinita.
"Fay, pa-kiss naman diyan!"
"Di ka pa nga naghihilamos kiss agad? Mamayang hapon na pagdating ko!" nakangiti kong sagot.
"Mahal, pa-hug, pampabwenas!"
Kinasanayan ko na ang mga panghaharot ng mga tambay kong mga kapitbahay. Ganoon lang sila sa akin pero harmless naman ang mga ito at nasanay na kasi silang nakipagbarubalan talaga ako.
"E, yung hug ko?" panlalandi ng isa pa.
"Suot mo pa 'yan damit mo kahapon, ulol. Maligo ka muna!"
"Sure ka! Paasa ka rin e! Naluma na nga itong damit ko na ‘to, wala pa ring hug. Bago pa ‘to nang nanghihingi ako ng hug!”
“Fay, bigyan mo akong anak, please!"
"Magmilyonaryo ka muna o magtrabaho para pag-iisipan ko kuya! Hindi ba kayo nahihiya sa mga asawa ninyo? Umagang umaga ako ang pinagti-tripan ninyo!" singhal kong nakangiti.
"Sa akin, binatang-binata ako, puwede ba?" singit ng isang binatilyo.
“Patuli ka muna ‘toy!”
Nagtawanan ang mga kababaihang nagchi-chismisan sa kanto.
"Magsipasok na nga kaya kayo sa trabaho ninyo. Kaya kayo laging nasisante kasi late kayo araw-araw. Ako ang nale-late sa inyo eh!"
"Bye Baby Fay!"
Napapangiti ako. Kampamte ang loob ng mga kapitbahay namin sa akin at ganoon rin ako sa kanila. Sila ang mga inaasahan kong tumitingin-tingin sa Mama ko kapag wala ako. May silbi ang pakikisama sa kanila. May dahilan kung bakit ako nakikipagbardagulan. Yung mga biruang iyon, masahol pa minsan kapag nasa mood ako. Pilit lang yung mood ko sa umagang ito dahil sa iniisip kong bagong raket. Paano ko kaya gagawin ito? Paano ko mapapaibig si Axel. Yung totoong mamahalin niya ako at hindi kagaya ng apat na nagbayad sa akin na pinaglaruan lang?