DEAL

1513 Words
Chapter 6 Sa totoo lang, pagkatapos ng ginawa kong iyon, akala ko madadala na siya. Medyo kinabahan ako dahil sayang ang raket ko kunsakaling hindi na siya magtutuloy. Tatlong buwan ang ibinigay sa akin na panahon para paibigin siya. 120,000 din iyon kung susumahin kaya hindi ko dapat sayangin ang pagkakataong ito bukod sa kagustuhan kong mabigyan na rin ng leksiyon si Axel na hindi lahat ng babae ay kaya niyang lokohin. Todo gwardiya ako sa puso ko. Hindi naman bawal kiligin pero sana lang hindi ako tuluyang mahulog. Kailangan kong labanan ang aking nararamdaman sa kanya. Inaamin ko, may mga sandaling gusto kong subukang magmahal at ang gusto ko sana ay ang kagaya ni Axel maliban do’n sa pagiging babaero niya. Doon ako off. Sino bang may ayaw ng gwapo at mayaman? Pero kung naiisip ko ang ginawa ng mayaman kong ama kay Mama, natatakot naman ako. Kapag sumasago sa isip ko ang pang-iiwan ng ama ko kay Mama gusto ko na rin lang sana sa simpleng lalaki. Simpleng tao lang rin kagaya ko. Yung hindi mayaman para hindi kumplikado ang buhay naming dalawa. Ayaw kong maliitin ako. Hindi na ako papayag pang maulit pa sa akin ang nangyari sa Mama ko. Mga mayayaman ang kanyang kinarelasyon at lahat, iniwan. Iniwanan siya ng tatlong anak. Tatlong mayayamang lalaki na ang tanging iniwan kay Mama ay bata. Nang sumunod na araw, lagi pa ring nakabuntot si Axel sa akin. Laging nagpapansin. Hindi ko alam kung sadya o talagang nagkataon lang na palagi kaming nagkakasalubong. Binabati ako kahit hindi ko naman sinasagot ang kanyang mga pagbati. Lantaran pa ang pang-iipit niya ng notes o love letter sa mga books ko sa library na harap-harapan ko talagang pinupunit na nakikita niya. Hindi binubuksan, hindi binabasa. Sa ganoong paraan, lalong ma-challenge ang loko. Kapag nacha-challenge lalo niya akong maiisip. Lalo siyang gagawa ng paraan para pansinin ko siya at pagbigyan. Minsan kapag kumukuha ako ng librong babasahin ko at pagbalik ko sa aking table ay may chocolates at isang tangkay ng puting rosas na sa ibabaw ng notebook ko. Hahanapin ko kung sino ang nag-iwan at nakikita ko siya sa kalayuan na nakangiti at kumakaway sa akin. Iniiwan ko ang chocolates at white rose doon. Kunyari wala akong pakialam. Kunyari hindi ko nagugustuhan ang ginagawa niyang iyon sa akin. Medyo nakakakilig… hindi pala, sa kagaya kong wala pang karanasang ligawan nang ganito katodo, sobra na yung kilig na nararamdaman ko. Kapag nasa bahay ako at simulang mag-review ay may makikita akong cards na nakalagay sa bag ko. Iba-iba ang date at parang ilang taon ba o buwan na yatang naisulat ngunit wala akong panahon para basahin. Isa pa, malay ko ba kung dina-dramahan niya ako na noon pa talaga niya ako gusto? Mukhang desperado na talaga niya akong makuha. Hindi ko tuloy alam kung seryoso talaga siya sa akin o hindi. Hindi sa hindi ako interesadong malaman ang laman ng sulat na iyon kundi iniiwasan kong mahulog. Itinabi ko at hindi ko binasa ang nilalaman ng liham niya na ang iba ay naka-date pa nang mga nakaraang taon. Mga pakana talaga niyang hindi ko maintindihan. “Binigyan ka ng white roses at chocolates?” tumaas ang boses na tanong ni Zarlyn sa akin. “Oo. Bakit? Hindi ba niya iyon ginawa sa inyo?” tanong ko. “Sa akin, ginawa niya,” sagot ni Queenie. “Sa akin, hindi,” sagot ni Jona na pinakatahimik sa kanilang tatlo. “Sa akin din, wala,” sagot ni Cheene. “Paano nga tayo bibigyan eh di ba nga hindi na natin siya binigyan ng pagkakataong ligawan tayo? Nang nakipagkilala sa atin, para na natin siyang sinagot agad nang walang kahirap-hirap. After nang first date, boyfriend na natin siya. So paano pa niya tayo liligawan at bigyan ng mga ganyan.” “Sa akin kasi nakatalong dates pa kami bago ko siya sinagot kaya hindi kakaibang binigyan ka ng white roses at chocolates.” “What about mga letters na dated year ago pa?” tanong ko. “Letters dated year ago?” halos sabay-sabay nilang natanong sa akin. Kumpirmasyon kung tama ang narinig nila. “Yes. A year ago at yung mga iba months na ang nakarararaan.” “No! Kayo ba?” tanong ni Cheene. Umiling silang lahat. “Ibig sabihin, bagong pakana niya. I don’t just get. Bakit may mga liham pa siya year dated year ago pa eh kalian ka lang naman pinormahan hindi ba? That’s fake. Kinukuha lang niya ang loob mo. Inuuto.” “Feeling ko rin, fake lang ‘yan. Pero that’s new ha. Wala nang lalaki ang mag-eefort na magsusulat-kamay ngayon. Lahat halos dinadaan na sa text o chat. So, that very sweet of him,” sabi ni Jona. “What? Are you kinikilig pa rin?” tanong ni Cheene sabay lingon kay Jona. “May ang sweet ka pang nalalaman sa kanya pagkatapos kang i-ghost at nang lapitan mo ay hindi ka na kilala? Pagkatapos niyang makuha ang kanyang gusto saka ka na lang basta ibinasura na hindi man lang niya sinabi kung bakit ayaw na niya?” “No! Nasabi ko lang! Bago kasi talaga iyon.” “Well, we see progress kaya tuloy mo lang ang pagpapa-ibig sa kanya. You still have two months and two weeks left. We need progress kaya ayusin mo para naman hindi sayang ang binibigay namin sa’yong sahod, okey?” sabi ni Zarlyn. “Don’t worry. Kailangan ko lang muna siyang pahirapan at show him that I have no interest on him at all para lalo siyang manggigil sa akin.” “Yes! That’s what we agreed on. After a month pwede mo na siyang pansinin at pagbigyan ng date only if you have that valid reason to do so. Kaya pag-isipan mo kung ano iyon para hindi halatang gusto mong makipag-date. Nakipag-date ka kuno for that valid reason na ikaw lang ang gusto naming mag-isip at hindi galing sa amin.” “Clear enough,” sagot ko. Nang mga sumunod pang mga araw, kahit pa sa canteen at kumakain lang ako ng miryenda kong banana cue o kaya ay pinakamurang tinapay ay nagpapahatid siya ng pagkain sa table ko. Lahat ng iyon ay tinatanggihan ko. Tinatanong ko kung kanino galing at ituturo siyang nagtataas ng kamay at nakangiti. Makulit talaga ang lahi niya at hindi sumusuko bagay na gusto ng mga babaeng nasa tabi-tabi lang at nagmamanman sa mga nangyayari. Kung hindi ko kukunin ang ipinahahatid ni Axel na snack ay lalapitan pa niya ako at magtatanong kung pwede siyang maki-share ng table. Tumatayo agada ko. Solohin niya ang table. Aalis ako at iiwan ko siya. Gusto ko ‘yon, manggigil pa siya lalo. Hanggang sa isang buwan na ang nakakaraan. Isang buwan na rin pala niya ako sinusuyo. Isang buwang tumotodo pa-cute para pumayag ako sa isang date. Pwede na siyang pansinin. Mahirap daw kapag lalong tumagal baka biglang sumuko na lang. Gwapo si Axel at crush ng lahat. Baka ibaling na lang niya sa iba ang kanyang panliligaw. Saka iyon ang ipinagtaka na rin ng lahat. Umabot siya ng isang buwan sa panunuyo na hindi napagbigyan ng kahit isang date. Imposible na iyon kina Zarlyn, Jona, Cheene at Queenie pero heto’t nagawa ko. Minsan, sa covered walk, habang nakaupo ako at naghihintay sa susunod kong klase ay bigla na lang siyang tumabi sa akin. “Ikaw na naman? Hindi ka ba napapagod? Hindi ka ba titigil?” “Hindi hangga’t hindi ka papayag for a dinner. Hindi mo ako mapatitigil.” “Snack lang dati sa canteen ah. Level up? ” “Tanda mo pa pala iyon? Akala ko hindi mo tinatandaan ang mga sinasabi ko.” “Oo naman.” “So, ano? Kailan moa ko pagbibigyan ng isang dinner date?” “Ikaw yung Top 1 ngayon sa President’s List, tama?” “Yes? Anong kinalaman nito sa date na hinihingi ko?” “Kung nanatiling ikaw nitong semester na ito na Top 1 then baka pag-iisipan ko.” “What?” “Sa Friday na nila ipo-post, last midterm nakita mo naman yung average natin ano?” “Yes. Congratulations. You got 98.1 and flat 98 ako. Slight difference.” “Kung mag-top ka uli sa ipo-post nila nitong Friday, then baka pag-isipan ko.” “Sa Friday pa iyon, Monday pa lang ngayon.” “Eh, di wala na tayong pag-uusapan? Kung kaya mo akong lagpasan uli ha?” “Okey, deal.” “You have a deal,” sagot ko. “ “Payag ka na lang kasi! Huwag mon ang pahirapan ang sarili mo sa pakikipagtaasan ng average sa akin! Mas madaling umuoo kaysa sa walang tulog sa kare-review!” sigaw niya. Tumigil pa ang mga nakasalubong ko nang marinig ang sigaw ni Axel na iyon. Sa kaguwapuhan ni Axel, sure na sure ako na lahat halos na kolehiyala sa school namin patay na patay maka-date ang kagaya niya. Ngunit hindi ako. Hindi ang kagaya ko. Ginagawa ko lang ito dahil sap era. Ngunit sana nga, sana nga, ginagawa ko pa rin ito sa pera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD