“SIR Cross, naka-settle na po ang lahat.” anang babae nang buksan nito ang pinto ng opisina ng binata.
Bago tumayo sa kinauupuan ay tinapos muna ng binata ang pagtitipa sa laptop nito ‘tsaka iyon isinara.
“A, sir... puwede ko po ba kayong makausap saglit?” anito na siyang ikinatigil naman ng binata.
“What is it?” seryosong tanong nito sa secretary nito habang inaayos ang mga gamit sa ibabaw ng lamesa nito.
“E, sir biglaan po kasi nagkaroon ng emergency sa ‘min. Kailangan ko pong umuwi ng Bacolod.” saad nito.
Mabilis na nangunot ang noo ng binata at tiningnan ang babae. “Why?”
“Aalis na po kasi ang ate ko papuntang Dubai, wala pong mag aasikaso sa nanay ko. Ayoko man pong umalis dito sa trabaho ko pero kailangan po. May sakit po kasi ang nanay namin. Pasensya po sir.”
Saglit na nag-isip ang binata. Mayamaya ay nagpakawala ito ng buntong-hininga. “Okay I understand. Kailan ka ba aalis para makapaghanap ka muna ng papalit sa ‘yo?”
“Next week po sir. Maghahanap po ako bukas na bukas agad. Salamat po ulit sir Cross.”
Tumango lamang ang binata bilang tugon. Sino ba naman ito para pigilan ang pag-alis nito sa trabaho, e gayo‘ng nanay naman nito ang dahilan. She has a valid reason para hindi niya ito payagan.
Isinuot nito ang coat ‘tsaka lumabas na sa opisina nito at tinungo na ang kinaroroonan ng elevator. Kailangan nitong magmadali at may meeting pa itong hinahabol ngayong tanghali.
Maluwag naman ang traffic sa mga oras na iyon kaya binilisan na rin nito ang pagpapatakbo ng sasakyan nito. Ngunit mayamaya ay bigla na lamang itong napa-preno nang may babaeng biglang tumawid sa pedestrian lane kahit naka-go signal pa rin ang traffic light.
Sa labis na pag-aalala na baka nabangga nito ang babae ay kaagad itong umibis sa driver's seat.
“Miss are you okay?” kunot ang noo na tanong nito sa babae at akma na sana itong tutulungan na makatayo ngunit bigla naman itong tumayo mula sa pagkakasalampak sa semento.
“Hoy! Balak mo ba ako patayin huh?” sigaw ng babae.
Ang pag-aalala ng binata sa babae ay biglang nawala at napalitan ng inis at galit nang makitang okay naman ito at higit sa lahat, sinigawan pa siya nito. Pinaka ayaw pa naman iyon ng binata. Ang sinisigawan ito.
“Are you blind? E, alam mo namang high way ‘to ‘di ba? Tapos bigla ka na lang tatawid diyan.” pagalit ding saad ng binata. Mabilis din itong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Kung hindi lang ito babae, malamang na maupakan nito ito. Lalo na ngayong nag-uumpisa ng uminit ang ulo nito dahil late na ito sa kaniyang meeting.
“At kasalanan ko pa ngayon? Ako na nga itong muntikan mong mabangga e!” anang babae na nagpamaywang pa sa harapan ng binata. “E kung edemanda kaya kita!” saad pa nito.
Wala sa sariling napatingin ang binata sa pambisig na orasan nito. He‘s late. Napailing na lamang ito pagkuwa‘y nagmamadaling dinukot ang wallet nito na nasa bulsa ng pantalon nito. Kinuha nito roon ang calling card. “Here! Call me kung mag dedemanda ka. I don‘t have time right now to argue with you. I‘m sorry.” anito at nagmamadali ng bumalik sa loob ng sasakyan.
“Hoy! Mister antipatiko ang bastos mo. Hindi pa tayo tapos mag-usap.” sigaw pa nang babae.
ARGH! kainis ang lalakeng iyon. Siya na nga itong may kasalanan siya pa ang may ganang talikuran ako? Talagang mag dedemanda ako. Muntikan niya na akong mapatay tss. Napairap na lamang ako sa hangin habang sinusundan ko ng tingin ang papalayong sasakyan ng antipatikong iyon. “Mabangga ka sana.” inis na sigaw ko ‘tsaka isinilid sa bag ko ang calling card na hawak-hawak ko.
“Baby. Tara na late na tayo.”
Dinig kong sigaw ni Markus. Nasa kabilang kalsada na ito at naghihintay sa ‘kin. Dali-dali naman akong tumawid ulit.
“Sino ba ang kaaway mo kanina?” tanong nito nang makalapit ako sa kaniya.
“Isang hambog. Tss! Tara na.” nagpatiuna na akong naglakad pabalik sa school namin. Lunch break kasi namin at nag-aya si Markus na kumain kami sa labas.
Saktong pagbalik namin sa room ay kapapasok lang din ng professor namin.
“Okay guys listen up!” anito. “Nag meeting kami kanina ng faculty pati ng dean. Since you guys are graduating students kailangan n‘yo ng mag OJT before your graduation.”
Bigla namang nag kaniya-kaniya ng bulungan ang mga klasmet namin kung saan nila balak mag OJT. Ako, tahimik lang sa likod.
“Question sir.” saad ni Shantel sa prof namin.
“Yes Miss Evangelista?”
“Required pa bang mag OJT si Debbie?”
Dinig kong tanong nito kaya naman napatingin ako sa kaniya.
“E, panigurado namang KATULONG lang talaga ang puwede niyang pasokang trabaho.” dagdag pa nito nang magtagpo ang mga paningin namin. Ngumisi pa ito sa ‘kin.
Biglang nag tawanan ang mga klasmet ko dahil sa tinuran ni Shantel.
“Yaya! Yaya!”
“Yaya! Yaya!”
Kantiyaw sa ‘kin ng mga ito. Napatungo na lang ako sa upuan ko. Grabe na talaga ang Shantel na ito. Wala naman akong kasalanan sa kaniya pero kung laitin at ipahiya ako sa harap ng maraming tao araw-araw; sobra na siya. Porket anak mayaman siya. Napabuntong-hininga na lamang ako ng malalim.
“Enough guys.” saway ng prof namin.
Ganoon ba talaga, kapag anak mayaman ka kailangan ay mapanglait ka sa kapwa mo? Pare-pareho lang naman kaming tao. Pero bakit ang tingin nila sa sarili nila ay masyadong nakakataas kumpara sa mga taong katulad ko? Ang ipinagkaiba lang naman namin ay mapera sila.
“Enough guys. Lahat kayo ay required na mag OJT kasi kailangan ‘yon at requirements ‘yon para sa graduation ninyo. Lalo na kay Debbie because she is Magna c*m laude.” nakangiting saad ni sir nang tumingin ito sa direksyon ko.
Ano raw ang sabi ni sir? Hindi ko masyadong marinig dahil sa ingay ng mga klasmet ko. Basta nakatingin lang ako sa kanila. Mayamaya biglang humina ang ingay nila at naririnig ko na ang pangalan ko sa mga bulungan nila. Nakita ko naman si Markus na ngiting-ngiti sa ‘kin. He even mouthed to me. Congrats daw. Bakit? Ngumiti na lang din ako sa kaniya.
“What? Seriously sir? Si Debbie? How about me? I was expecting and my family, na ako ang Magna c*m laude.” napataas ang tono ng boses ni Shantel.
Nanahimik naman ang mga kaklase ko.
“Ms. Evangelista, we‘re sorry for your expectations. Pero base sa records ninyong dalawa ni Ms Solomon... si Debbie talaga ang mas nakakaangat ang grades over all the academic subjects ninyo. Si Dean mismo ang nag process ng grades ninyo so, wala tayong masasabi na bias ang nangyari. Sorry for you. But still you‘re a c*m Laude. Congrats to you Mr. Evangelista and of course congrats to you Ms. Debbie Solomon.”
Ano raw ulit? Ako? Magna c*m Laude? Bigla akong napangiti dahil sa nalaman ko. Diyos ko po! Salamat ng madami. Hindi ko inaasahan ito, basta nasa isipan ko lang lagi mula noon na kailangan kong mag-aral ng mabuti para makakuha ng magandang marka. Pero sobra ang ibinigay ninyo sa akin.
“Congrats Debbie...”
“Congrats sa ‘yo Debbie. Deserve mo talaga ‘yon dahil magaling ka.”
Bati sa ‘kin ng mga kaklase ko. Panay ngiti naman ako sa kanila habang nag t-thank you rin. Mayamaya pagkatingin ko kay Shantel at Rclei, ang sama ng mga tingin nila sa ‘kin.
“Baby, congrats. I knew it. Ikaw talaga ang magiging Magna c*m Laude.” anang Markus nang lumapit ito sa akin.
Nagulat na lang ako nang bigla ako nitong yakapin mula sa likuran ko.
“Thank you Marky. Overwhelm ako dahil hindi ko inaasahan ito.” nakangiting sagot ko sa kaniya.
“Ikaw lang naman itong walang bilid sa sarili mo e!” anito at inakbayan ako. “Dahil diyan libre kita mamaya. Celebrate tayo.” saad pa nito.
“Agad-agad? Wala pa naman e!”
“Advance celebration.” saad pa nito.
MATAPOS ang klase namin ay pinatawag pa ako ng Dean sa office niya kaya naman sumaglit muna ako roon bago kami mag celebrate ni Markus sa labas. Treat niya raw e!
“Congrats Ms. Solomon.” paunang bati sa ‘kin ni Dean.
Ngumiti naman ako sa kaniya. “Thank you po Dean.”
“Well, pinatawag kita rito dahil may good news pa ako sa iyo.” anito.
“A-ano po ‘yon Dean?”
“Huwag ka na maghanap ng puwede mong mapag OJT-han. Ako na mismo mag bibigay sa ‘yo ng recommendation. Dahil alam ko na hindi mo ako ipapahiya at umaasa ako na mas gagalingan mo pa lalo.” inabot nito sa ‘kin ang puting sobre na hawak-hawak nito.
Ako naman ay mas lalong nakaramdam ng tuwa dahil sa sinabi niya. Good news nga talaga ito. “Thank you po Dean. Malaking tulong po ito sa ‘kin. Huwag po kayong mag-alala at gagawin ko po ang best ko lalo at hindi ko po kayo bibiguin.”
“I am expecting for you to say that. Goodluck. Nakapaloob na diyan kung kailan ka mag sisimula para sa OJT mo.”
“Maraming salamat po ulit, Dean.” malapad ang pagkakangiti ko ‘tsaka nakipagkamay sa kaniya.