TAHIMIK lamang na nakatanaw sa madilim na kalangitan si Cross habang nakaupo siya sa gilid ng sliding door sa veranda ng condo niya. May hawak-hawak pa siyang bote ng alak.
It’s been a year since he left Kara and Katness. And he admits he misses them both... so much. May mga panahon pa nga noon na kung minsan ay gusto na lamang niyang bumalik sa dalawang babaeng mahal niya, lalo na kay Kara. Dahil mahirap para sa kaniya na isiping tuluyan na niya itong lalayuan at kakalimutan ang nararamdaman niya para dito. Pero kapag naiisip naman niya kung gaano kamahal ni Kara si Melfoy, nawawalan siya bigla ng pag-asa na kahit kailan ay hindi niya maaaring angkinin ang babaeng pinakamamahal niya.
How is she right now by the way? Mula nang umalis siya ay wala na siyang naging balita sa mag-ina. Lalo na kay Katness. He deleted all his social media account. He even changed his number para wala na talaga siyang komunikasyon sa mga ito.
“I missed you Kara.” Malungkot na bulong niya sa hangin bago tumungga sa hawak niyang bote.
Hanggang kailan kaya siya masasaktan dahil sa pag-ibig niya para kay Kara? Hanggang kailan siya mangungulila?
“DEBBIE!”
Agad akong nagtungo sa kusina nang marinig ko ang boses ni Tiya Lolet.
“Bakit po tiya?” tanong ko sa kaniya.
“Magbihis ka at samahan mo akong mamalengke. Parating na ang Tiyo Cardo mo galing Canada.” Saad sa ’kin ni tiya.
Limang taon na ring hindi namin nakikita ang Tiyo Cardo. Pero pasalamat ko na lang din iyon dahil simula nang tumira ako rito sa kanila, pakiramdam ko hindi ako ligtas. Lalo na sa mga tingin sa ’kin ni Tiyo Cardo. Sa mga salita nito tuwing napapag-solo kami.
Katorse lang ako nang mawala pareho sina nanay at tatay kaya napilitan si Tiya Lolet na isama ako rito sa kanila matapos ang libing ng magulang ko. Sampong taon na rin akong nakatira dito sa kanila. Inabot na ako ng dalawampot-apat na taon bago nakatuntong sa 4rth year college dahil nga wala naman talaga pakialam si tiya kung makakapag-aral ako o hindi. Buti na lang at natulungan ako ni Markus na mabigyan ng scholarship mula pa noong high school ako.
Kahit noon pa man ay gusto ko ng umalis dito sa kanila. Dahil sa mga minsang marahas na kilos ni Tiyo Cardo sa ’kin. Pero wala naman ako magawa. Saan naman ako pupunta kung aalis ako? Wala naman ako ibang kakilala o kamag-anak namin na puwede kong matuluyan kun’di si Tiya Lolet lang.
“Saglit lang po tiya at magbibihis ako.” Saad ko sa kaniya at pumanhik agad sa kuwarto ko para magbihis.
Ako ang tagabitbit ng mga pinamili ni tiya habang nakasunod lang ako sa kaniya. Mabuti na lamang talaga at sanay na akong magbuhat ng mabibigat. Kung hindi, nako! Iba pa naman itong si Tiya Lolet kapag namalengke. Bultuhan kung bumili tapos ako lahat ang magdadala. Kahit nakikita naman niyang hindi ko na kaya at marami na akong dala. Kebir niyang tulungan ako!
Matapos mamalengke ay tinulungan ko na rin siyang magluto. May alam naman na ako sa pagluluto kahit papaano
“Debbie, labhan mo ulit ang mga uniform ko. Dalian mo!” utos sa ’kin ni Sefira nang pumasok ito sa kusina. Kakarating lang namin ni Tiya Lolet.
“Mamaya lang Sef kasi—”
“Ngayon nga ’di ba? Bilisan mo.” Pagalit na saad nito sa ’kin. Nanlalaki pa ang mga mata.
Napabuntong-hininga na lamang ako nang malalim. Kahit inuutusan pa ako ni tiya na linisin ang karne, iniwan ko muna iyon at nagtungo sa likod ng bahay para sundin ang utos nito.
“Debbie, sabi ko sa ’yo hugasan mo ang karne bakit mo iniwan?”
Galit na sigaw ni tiya kaya napilitan naman akong tumayo ulit sa puwesto ko. Pumasok ulit ako sa kusina.
“Kasi po tiya inutusan ako ni Sef.” Saad ko.
“Sabi ko naman sa ’yo unahin mo muna ang iniuutos ko sa ’yo hindi ba? Ano, ako pa ang gagawa ng inutos ko sa ’yo?” talak na naman nito sa ’kin.
Kung minsan gusto ko na rin siyang sagutin e! Kaso ayaw ko naman na lumabas na walang respeto at walang utang na loob sa kaniya at sa pamilya nila. Kaya hanggat kaya pang magpigil at magtiis ay ginagawa ko na lang. Kaysa naman mapalayas ako rito sa bahay nila.
Tumalima na lang ako para gawin ulit ang iniwan ko kanina. Sunod-sunod na buntong-hininga ang pinakawalan ko ulit pagkaalis ni tiya sa harapan ko.
“Bilisan mo diyan!” sigaw ulit ni Tiya Lolet.
“Debbie!” napalingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Mike.
Ano, pati siya may iuutos din sa ’kin? “Bakit Mike? May iuutos ka ba sa ’kin? Saglit lang huh! Tatapusin ko lang ito.” Malumanay na saad ko agad sa kaniya.
Lumapit naman ito sa ’kin. “Wala akong iuutos sa ’yo. Heto oh!” sabi niya.
Inabot niya sa ’kin ang kamay niyang may hawak na sandwich. Bigla naman akong natakam. Kanina pa talaga ako nagugutom sa totoo lang. Hindi lang ako makatyempo kay tiya kasi panay pasok siya sa kusina. Mamaya ay pagalitan na naman niya ako dahil nauna akong kumain kaysa sa kanila. Iyon pa naman ang pinakaayaw niya.
“Dali na kunin mo na baka sumulpot na naman si mama.” Anang Mike sa ’kin.
Hindi ko alam kung ano ang nakain ng makulit at pasaway na batang ito. Pero dahil sa kumalam na naman ang tiyan ko; agad akong nagpunas ng kamay at kinuha ko ang sandwich sa kaniya. “Salamat.” Dali-dali ko iyong kinain bago itinuloy ang trabaho ko.
“Mike ’yong sandwich ko?”
Galit na sigaw ni Sefira at pumasok sa kusina. Napatingin naman akong bigla kay Mike. Sabi na nga ba e! Hindi talaga gagawa ng maganda itong batang ’to. Tumingin din ito sa ’kin.
Paniguradong magagalit na naman sa ’kin si Sefira. Tsk! “A—”
“Kinain ko nga! Ang damot mo talaga parang isa lang naman e!” sagot nitong bigla sa ate niya.
Agad akong natigilan at muling napatingin kay Mike. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba sa dibdib ko nang ngumiti ito sa akin bago lumabas ng kusina.
“Sabi ko naman sa ’yo huwag mong pakialaman ang akin.”
Dinig kong nagtatalo ang dalawa.
“Isa nga lang ’yon. Puwede ka namang gumawa ulit ng sandwich sa kusina.”
“Isa o dalawa hindi mo pa rin dapat pinapakialaman ang hindi sa ’yo.”
Napapailing na lamang ako na muling itinuloy ang ginagawa ko. Hay! Salamat, Mike. Kahit papaano ay nabusog ako sa sandwich ni Sefira.
“WELCOME home honey.” Masayang bati ni Tiya Lolet kay Tiyo Cardo na kakarating lamang sa bahay. Nasa sala kaming lahat.
“Nako! Ang mga anak ko malalaki na pala talaga honey.” Anang Tiyo Cardo. “Namiss ko kayo.” Habang nagyayakapan ang mga ito.
Nakatingin lang ako sa kanila. Bigla ko namang naalala sina nanay at tatay mayamaya. Kung sana nandito pa sila. Masaya rin sana kami.
“Oh! Kumusta ka naman Debbie?”
Nabalik ako sa sarili ko nang madinig ko ang boses ni Tiyo Cardo. Napatingin ako sa kaniya. Nakangiti ito sa akin. Ngiti na nakakakilabot.
“O-okay naman po Tiyo Cardo.” Utal na sagot ko sa kaniya. Tipid din akong ngumiti sa kaniya ’tsaka nagmano. Tila nagtayuan pa ang mga balahibo sa buong katawan ko nang mapansin ko ang kakaibang titig nito sa ’kin. Pinasadahan pa ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Dalagang-dalaga ka na talaga, Debbie.” Saad pa nito.
Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin sa kaniya dahil nangingilabot ako. Mayamaya ay nag-aya naman si tiya na kakain na raw kaya nagpatiuan na ako sa kusina para asikasuhin ang hapag.
Nakikinig lang ako sa masaya nilang usapan. Paminsan-minsan pang napapasulyap sa ’kin ang tiyuhin ko. Mas lalo lang ako kinakahaban. Malamang kasi at isang buwan na naman dito sa Pilipinas ang tiyo bago bumalik ng Canada. Isang buwan din akong mangangamba habang na sa bahay siya. Kailangan kong mag-ingat habang nandito siya.
“Aba’y napakagandang dalaga na talaga nitong si Debbie.”
Napatingin ako sa direksiyon ng Tiyo Cardo nang maramdaman ko ang paa nito sa binti ko sa ilalim ng lamesa. Mabilis ko namang tinabig ang paa niya ay umusod ako sa puwesto ko. Mas lalo siyang ngumisi sa akin. Napakawalang-hiya talaga ng matandang ito!
“Pa, mas maganda naman ako ’di hamak kaysa kay Debbie.” Mataray na saad ni Sefira.
“Oo naman, kasi anak kita,” sagot nito. “Siya nga pala honey, kalahating taon akong mananatili rito. Kasi nag-file ako ng leave sa trabaho ko roon.” Pag-iiba nito ng usapan nila.
“Okay lang ’yon honey. Mas maganda rin na nandito ka at kasama namin ng mga anak mo.” Sagot ng tiya. “Matagal din tayong hindi nagkasama-sama kaya mabuti na rin iyon.”
So, ibig sabihin kalahating taon ako maghihirap dito hanggat nandito ang tiyuhin ko? Kung minamalas ka nga naman. Kota na nga ako sa tatlong ito tapos mas kokota pa pala ako dahil nandito na ang manyak na Tiyo Crado.
Nakikinita ko na ang puwedeng mga mangyari sa ’kin dito sa bahay nila.