“ARE you okay now?” Nang pagkamulat ko ng mga mata ko ay ang mukha ni Sir Cross ang agad na bumungad sa ’kin. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa. Amoy ko pa ang mabango niyang hininga kahit kagigising niya lang din. Nakakailang ang mga titig niya sa akin, lalo na ang ngiti sa mga labi niya. Wala sa sariling napatitig ako sa kaniya at napalunok ng laway ko. Pakiramdam ko biglang nanigas ang buong katawan ko at hindi ko magawang gumalaw sa puwesto ko. Alam ko, isang maling galaw ko lang ay maaaring muling maglapat ang mga labi namin. Oh, holy lordy! Umagang-umaga bakit ganito po agad ang bungad niya sa akin? Nang mailang ako sa mga titig niya sa akin, nagbawi ako ng tingin sa kaniya at tumango bilang sagot sa tanong niya. Itinuon ko sa dibdib niya ang paningin ko. Mayamaya ay nar