CHAPTER 16

3630 Words

“MORNING!” bati ni Sir Cross sa amin ni Astra nang makita niya kaming palapit na sa lamesa kung saan siya nakapuwesto. Mag-aalmusal na kami at mayamaya lang ay uuwi na rin kami sa Maynila. Tumayo siya sa kaniyang puwesto at ipinaghila kami ng upuan. Hindi naman umimik si Astra. Ako naman ay tumungo lang sa kaniya at lumapit sa isang silya. Hindi ako umupo sa hinila niyang upuan para sana sa ’kin. Nang makaupo na ako sa puwesto ko, tumingin ako sa kaniya dahil nanatili pa rin siyang nakatayo. Nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Astra. Mayamaya ay nagbuntong-hininga ito nang malalim. Dismayado at bagsak ang mga balikat nang umupo ulit siya sa puwesto niya. Tahimik lang kaming tatlo habang kumakain. Nakakapanibago man at hindi ako sanay na ganito ang sitwasyon namin ngayon, pinil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD