“SAYANG! Dapat kayo ang nanalo kasi kayo ang pinakamatagal na nag-kiss doon.” Nanghihinayang na saad ni Astra habang nakayakap ito sa braso ko at naglalakad na kami pabalik sa kuwarto namin. Naiwan si Sir Cross sa ibaba kasi may kausap pa siyang kakilala niyang matandang negosyante rin. Dahil sa sinabi ni Astra, muli ko na namang naramdaman ang pag-iinit ng buong mukha ko dahil naalala ko na naman ang halik na pinagsaluhan namin ni Sir Cross kanina sa game na ’yon. Hindi ko pa rin mapigilan ang lihim na kiligin at mapangiti. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko. Ramdam ko pa rin ang malambot at mainit na mga labi ni Sir Cross. Oh, God! Okay lang na hindi kami nanalo. Panalo pa rin naman ako sa halik ni sir e. Wala sa sariling nakagat ko ulit a