CHAPTER 9

2242 Words

PAGKAPASOK ko sa bahay, madilim na ang sala. Natutulog na siguro silang lahat. At dahil busog pa naman ako, dumiretso na lang agad ako ng panhik sa kuwarto para makapagpahinga agad. Pagkatapos kong magbihis ay sinigurado ko rin muna kung maayos ang pagkaka-lock ng pintuan sa kuwarto ko ’tsaka ako humiga na. Dahil sa pagod ay agad din akong nakatulog. Nagising lang ako nang maramdaman kong parang may humihimas sa mga binti ko. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata ko. Ngunit ganoon na lamang ang pagka-gitla ko nang makita kong may tao sa bandang paanan ko. Pero mas lalo akong nagulat nang mapagsino ko ang taong iyon. Wala sa sarili at bigla akong napaupo sa higaan ko. Nahila ko rin ang kumot ko upang ipangtakip sa sarili ko. “T-tiyo Cardo?” gulat at may kabang sambit ko sa pangalan nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD