NASA KUSINA ako at nagluluto ng haponan namin nang bigla ko na lang nadinig si Tiyo Cardo na nagsalita sa likuran ko. “Debbie,” tawag nito sa ’kin. Nilingon ko naman ito. “Bakit Tiyo Cardo?” tanong ko rito. Naglakad naman ito palapit sa ’kin habang panay ang tingin sa pintuan ng kusina. Mayamaya ay nagulat na lang ako nang bigla ako nitong hawakan sa braso at hilahin palapit dito. “Tiyo Cardo?” takot na saad ko. Ang puso ko na panatag lang sa pagkabog kanina ay biglang sinalakay ng takot at pag-aalala dahil sa ginawa ng Tiyo Cardo. “Saglit lang Debbie, wala naman ang tiya mo e.” Anito na parang baliw at pilit na niyayakap ako. Mas lalo akong sinalakay ng takot dahil sa mga sinabi nito. “Ano ba! Bitawan mo ako Tiyo Cardo!” mariing saad ko at pilit na nagpumiglas dito. “Bitawan n’yo po