“ARE you sure na okay ka na talaga?” tanong sa akin ni Sir Cross nang magpang-abot kami sa itaas ng hagdan. “Puwede ka naman mag stay rito sa bahay kung hindi ka pa magaling. Baka mabinat ka pa niyan.” May pag-aalala pang saad niya sa ’kin. Nagpupumilit kasi siya na huwag na muna akong pumasok sa trabaho dahil isang araw pa lang mula nang mawala ang lagnat ko. Gusto niyang magpagaling na muna raw ako ng tuluyan bago pumasok sa trabaho ko. Pero nahihiya naman ako sa kaniya dahil na rin sa mga tulong na niya sa ’kin. Ayoko namang isipin niya na inaabuso ko ang kabaitan niya sa akin. “Okay na po ako sir,” nakangiting saad ko sa kaniya habang inaayos ang suot kong damit. “Mas lalo lang po ako magkakasakit kong maghapon lang ako na nakahiga sa kama. Kaya ko na po.” Dagdag pang saad ko. “Tsaka