“MAKALINGKIS akala mo naman! Alam kong maganda ka kaysa sa ’kin, pero duh! Hindi kayo bagay ni Sir Cross ano. Tss!” nakabusangot na bulong ko habang pinanggigigilan ang keyboard ng computer sa lamesa ko. “Sino kaaway mo bess?” Napaangat ang mukha ko nang marinig ko ang boses ni Yumie. “Wala!” inis na sagot ko at padabog na inayos ang mga gamit ko. Mayamaya ay napatingin naman kami sa pintuan ng opisina ni Sir Cross nang bumukas iyon. Lumabas siya roon habang nakalingkis na naman sa braso niya ang babae. Muli akong lihim na napairap sa hangin. “Ahhh—kaya naman pala! Selos si gelpren.” Natatawang saad ni Yumie. “Nako, kung ako sa ’yo bess, kanina ko pa kinalbo ’yan.” Bulong nito sa ’kin habang pinapasadahan din ng tingin ang babae. “I’m expecting you to come Buenavista! Magtatampo ako s