CHAPTER 13

3689 Words

HANGGANG sa bumalik ako sa puwesto ko ay hindi pa rin mawala-wala ang malapad na ngiti sa mga labi ko. Pakiramdam ko kaunti na lang ay maiihi na ako sa sobrang kilig. Ramdam ko pa rin kasi ang yakap sa ’kin ni Sir Cross. Paano naman kasi, halos limang oras din kaming magkayakap na natulog sa sofa. Kung hindi pa nag-ring ang cellphone niya ng paulit-ulit hindi pa kami magigising at maghihiwalay sa loob ng office niya. “Ang landi ng ngiti bess!” Nagulat ako nang biglang dumating si Yumie at kinurot niya ako sa baywang ko. Nanunudyo pa ang malapad nitong ngiti. “Bakit?” tanong ko na nagpipigil din sa ngiti ko. Pinanlakihan naman ako nito ng mata. “Deny pang hindi kayo ni Sir Cross!” anito. Alam kong mangungulit talaga ito sa ’kin ngayon matapos nitong makita ang scene sa loob ng opisina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD