“COME ON, Debbie lumabas ka na. Excited na ako.” Dinig kong sigaw ni Astra mula sa labas ng banyo. Napangiwi naman ako habang tinitingnan ang sarili ko sa harap ng full size mirror. Oh, God! Hindi ko kayang lumabas sa banyong ito na ganito ang suot ko. Hindi ko kayang humarap sa maraming tao na ganito lang ang suot ko. Para ko na ring ipinagkanulo ang sarili kong kaluluwa kapag nagkataon. Diyos ko! Isang pares ng itim na two piece? I can’t wear like this in public. Sinong matinong babae ba ang magsusuot nito habang rumarampa sa tabing dagat? Kunsabagay, nasa beach naman kaya marami talaga ang nagsusuot ng ganito. Pero hindi ako! Never. I can’t wear like this. Kinapos sa tela e. Nagsuot pa ako nito kung makikita rin naman ang buong kaluluwa ko. “Debbie let’s go. I’m ready.” Sigaw nitong m