“WHERE is Debbie Nanay Matelda?” Patayo na sana ako sa kama ko nang marinig ko ang boses ni Sir Cross mula sa labas ng kuwarto ko. Dali-dali akong muling humiga at nagtalukbong ng kumot ko. “Masama raw ang pakiramdam niya. Ito nga at dinadalhan ko siya ng sabaw at gamot para gumaan kahit papaano ang pakiramdam ng batang iyon.” Ani ni Nanay Matelda. Mayamaya ay narinig ko naman ang pagbukas ng pinto at magkasunod na mga yabag palapit sa ’kin. Ipinikit ko ang mga mata ko kahit nasa ilalim pa rin ako ng kumot ko. “Debbie, are you okay?” nag-aalalang tanong niya sa akin nang makaupo siya sa tabi ko. Inalis niya ang kumot sa ulo ko at kinapa ang noo at leeg ko. Ayoko siyang makita ngayon kaya nanatili pa rin akong nakapikit. “Hindi naman mainit ang pakiramdam mo. May masakit ba sa ’yo?