“PA, PLEASE!” “Will you shut up Jaymie! Naka-settled na ang lahat. Nakakahiya kay Daniel kung hindi matutuloy ang kasal ninyo ng anak niya. And besides... this is the plan right?” galit na saad ng ama niya. Maluha-luha namang nagpakawala nang malalim na paghinga ang dalaga habang nakatayo siya sa harap ng lamesa ng kaniyang ama. Ilang araw na niyang sinusubukang kausapin ang papa niya para pigilan ang kasal na gusto nitong mangyari, pero wala namang nangyayari, hindi naman ito nakikinig sa mga pakiusap niya. “Papa, ayokong suwayin kayo pero... I think this is too much. Huwag n’yo na po akong pilitin na gawin ang bagay na pagsisisihan ko lang hanggang sa huli. Please!” pagmamakaawa niyang muli sa ama. Isang matalim na tingin naman ang ibinigay ng matanda sa anak. “I thought we were part