CHAPTER 5

3503 Words
“GOOD MORNING PO SIR!” bati nang mga empleyado ni Cross habang naglalakad siya sa hallway. Puro tango naman ang sagot niya sa mga ito habang seryoso ang kaniyang mukha. “Sir, I just want to remind you po na ngayong araw dadating ang mga trainee natin.” Anang sekretarya niya nang makapasok na siya sa kaniyang opisina at makaupo sa swivel chair niya. “Okay!” tipid na sagot naman niya. “What’s my schedule for today?” mayamaya ay tanong niya. “Signing papers lang po sir kasi pina-cancel n’yo po ’yong meeting ninyo with board members. And kompleto na po ’yang papers na nasa tapat ninyo.” Anang babae. “Anything you need sir?” tanong pa nito pagkatapos. “Nothing. Thank you!” Pagkalabas ng babae sa opisina ay kaagad na sumabak sa trabaho niya ang binata. He’s not feeling well that day, pero kailangan niya pa ring pumasok at magtrabaho dahil wala rin naman siyang gagawin kung nasa bahay lang siya maghapon. Pagkatapos pirmahan ang sandamakmak na mga papeles na nasa ibabaw ng kaniyang lamesa ay naghanap pa rin siya ng paraan para malibang ang kaniyang sarili. Kahit papaano ay medyo nawala rin naman ang pananamlay ng katawan niya dahil sa pagiging abala niya sa kaniyang trabaho. “BABY, ano ready ka na ba?” Tanong sa ’kin ni Markus habang nasa tapat siya ng bahay ni Tiya Lolet at hinihintay ako. Nagpresenta kasi ito na siya ang maghahatid sa ’kin sa unang araw ko sa OJT ko. Ngumiti ako sa kaniya na kinakabahan pa rin. “Kabado,” sagot ko sa kaniya. “Hinga nang malalim at buga.” Sabi niya. Sinunod ko naman iyon. “Kaya mo ’yan! Just think positive, okay?” aniya at masuyo pang pinisil ang baba ko. “Halika na at baka ma-late ka pa.” At inabot niya sa ’kin ang isang helmet niya. Pero bago ko pa man makuha sa kamay niya ang helmet, bigla ko namang nabitawan ang bag ko kaya nahulog iyon sa semento. Tumawa siya ng pagak. “Kabado ka nga baby!” sabi niya ’tsaka ako tinulungan na pulutin ang mga gamit ko. “Hindi ko maiwasang hindi kabahan, Marky.” Sabi ko sa kaniya at muling nagpakawala nang malalim na buntong-hininga bago ako yumuko at kunin ang bag ko. Napansin ko naman agad ang isang maliit na papel na humiwalay sa ibang gamit ko. Pinulot ko iyon. “Cross Buenavista,” kunot ang noo at mahinang basa ko sa pangalan na nakasulat doon. “What?” tanong niya sa ’kin. “Wala.” Mabilis na sagot ko. Hayst! Hindi pa pala ako nakakapaningil sa lalaking iyon! Hayaan na nga at hindi ko na pag-aaksayahan ng oras ang walang kuwentang bagay. “Tara na.” ’Tsaka ako sumakay sa likod ng motor ni Markus. Hanggang sa makarating kami sa address na ibinigay ng Dean namin. Nakakalula at sobrang taas ng building na bumungad sa ’min. Parang lalo lang tuloy ako kinabahan. “Kinakabahan pa rin ako, Marky!” sabi ko nang makababa na ako sa likod niya. Nakita ko naman na magkasalubong ang mga kilay niya habang nakatingala rin siya sa mataas na building. Mayamaya ay tumingin siya sa akin. He smiled at me. “Goodluck! Tawagan mo ako kapag may problema huh!” aniya habang tinatanggal na ang helmet sa ulo ko. “Salamat ulit sa paghatid sa ’kin,” sabi ko. “Kaya ko ’to. Ingat pauwi, Marky.” Nakangiting saad ko sa kaniya. Kumaway pa ako bago siya umalis. Muli akong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga nang humarap na ako sa mataas na building. “Goodluck, Debbie!” bulong ko sa sarili nang magsimula na akong maglakad at makarating ako sa entrance ng building. “Goodmorning ma’am may appointment po kayo?” tanong sa ’kin ng guard. Ngumiti ako kahit kinakabahan pa rin. “Goodmorning din po kuya guard. A, recommendation ko po.” Sabi ko rito ’tsaka inabot dito ang sulat na ibinigay sa ’kin ni Dean. “Front desk po ma’am.” Sabi nito matapos tingnan ang papel na binigay ko. Nakangiting pinagbuksan niya ako ng babasaging pinto. Gaya ng sabi ni Kuya guard ay nagtungo ako ng front desk. Pinasamahan naman ako ng isang babae patungo sa magiging department ko raw dito matapos niya akong kausapin saglit. Halo-halong emosyon, kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon sa totoo lang. Sana lang talaga na maging maganda ang unang araw ko rito, para naman hindi ako mapahiya sa school namin. Lalo na kay Dean. “So, you are Ms. Debbie Solomon, under of Mr. Soleman?” Bungad sa ’kin ng babaeng nakangiti at mukha namang mabait. Sa hinuha ko ay nasa late 30’s lang din ito. Mukha pa kasing bata. “Yes po ma’am.” Sagot ko. “Buti naman at dito ka na-assign. Well, welcome to our department. I hope na mag-enjoy ka rito and don’t worry kasi mababait naman ang magiging kasama mo rito.” Saad nito sa akin. Kahit papaano ay nakahinga naman ako nang kaunti. Mukhang hindi naman ata ako magkakaroon ng problema sa mga magiging kasamahan ko rito. “And ang big boss natin, mabait naman siya kahit papaano. Huwag lang talaga gagalitin.” Dagdag pa nito. Natawa naman ako bigla dahil sa huling sinabi niya. Halos pabulong na kasi ang pagkakasabi niya sa mga huling kataga na binitawan niya. At kahit paano ay nabawasan ang kaba sa dibdib ko. “Salamat po ma’am.” Saad ko. “Ako lang po ba rito ang trainee?” mayamaya ay naitanong ko bigla nang wala akong ibang makitang trainee na kagaya ko. “Actually madami kayo, kahapon nag-start ang iba. Pero ikaw lang ang na-assign dito sa floor ng big boss. And ako ang magiging trainor mo for three days kasi ikaw ang papalit sa puwesto ko. Ako nga pala si Mirah.” Nakangiting pakilala nito sa ’kin at nakipagkamay. “Ako po?” ulit na tanong ko matapos na makipagkamay rin sa kaniya. Nabigla lang ako. Ang pagkakaalam ko kasi ay secretary siya ng big boss. So ibig, sabihin ako ang magiging bagong secretary ng big boss kapag umalis na siya? “Yeah! Don’t worry, alam kong kakayanin mo,” anito. “Let’s go at ng makapag-umpisa na tayo sa trabaho.” ’Tsaka ito nagpatiuna ng naglakad. Napasunod na lang ako sa kaniya. And the day started. Noong una, nangangapa ako sa mga itinuturo sa ’kin ni ma’am Mirah dahil lahat nga ay bago para sa akin. Pero kalaunan ay unti-unti ko rin namang nagagamay ang trabaho. Madali naman akong matoto sa mga bagay-bagay e! Idagdag pa na mabait ang nagtuturo sa ’kin. Hanggang sa nag-enjoy na nga ako sa ginagawa ko at hindi ko na namalayan ang oras. “Ang sipag a!” bungad sa ’kin ni ma’am Mirah. “Lunch ka na muna Debbie, susunod ako sa ’yo.” Saad niya. Bigla naman akong napasilip sa orasang pambisig ko. Oo nga! Tanghali na. Hindi ko manlang naramdaman ang gutom dahil sa pagiging abala ko. Mayamaya ay tumayo ako sa kinauupuan ko habang bitbit ang bag ko. “Sa dulo ng pasilyo, liko ka sa kaliwa at nandoon ang pantry room. Doon ka na lang kumain kung may baon ka.” Anang ma’am Mirah sa ’kin. “Salamat po.” Kaagad naman akong tumalima. Tahimik ang halos buong floor. Hindi ganoon katao ’di tulad sa ibang floors na nadaanan ko kanina. Siguro nga pinasadya ito ng may-ari para sa kaniya lang talaga ang lahat ng floor na ito. Ano nga ulit ang pangalan ng big boss namin? Hindi ko manlang naitanong kanina kay ma’am Mirah. Hindi bale at mamaya itatanong ko na lang. Agad akong pumasok sa pantry room na sinasabi ni ma’am Mirah nang makita ko iyon sa dulo ng pasilyo. Medyo natanga pa ako nang makapasok ako. Parang ’di naman kasi pantry room ito, kasi ang laki rin. Pumuwesto ako sa pinakadulo na lamesa. Nakatalikod ako sa gawi ng pintuan. Gutom na talaga ako at madali kong nilantakan ang pagkain ko. Nang makaramdam ako ng uhaw ay ’tsaka ko lang napagtanto na hindi ko pala nadala ang tubig ko. Tss! Kung minamalas ka nga naman at ngayon ko pa nakalimutan ang tubig ko. Nakakatamad namang bumalik sa puwesto ko para kunin ang tumbler ko. Napapailing na lamang ako na tumayo sa puwesto ko para lumapit sa water dispenser. Dali-dali akong kumuha roon ng tubig at uminom. Mayamaya ay halos maibuga ko pa ang tubig na nasa bibig ko nang pabalik na sana ako sa lamesa ko; pagkapihit ko, biglang may taong bumungad sa harapan ko. “s**t!” pagmumura nito nang mabasa ko ang damit niya dahil sa basong hawak ko. “Are you blind?” galit pang tanong nito habang pinupunasan ang damit niya. “Sorry! Sorry! Nagulat lang ako.” Hinging paumanhin ko agad. Nag-angat naman ito ng tingin sa ’kin. Salubong pa ang mga kilay nito. “You?” gulat na tanong nito sa ’kin. Teka! Parang pamilyar sa ’kin ang mukha niya? Saan ko nga ulit siya nakita? Pinakatitigan ko siya ng mabuti. “Ikaw?” mayamaya ay bulalas na tanong ko nang maalala ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon. “Ikaw?” ulit na tanong ko sa kaniya. “What are you doing here?” “Ano’ng ginagawa mo rito?” Sabay pa naming tanong sa isa’t isa. “Tss! Look what you’ve done to my polo?” Asik na tanong niya. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko. “Aba, hindi ko kasalanan ano!” mabilis at mataray na saad ko. “Kung bakit kasi bigla ka na lang sumusulpot diyan?” ’tsaka ko siya nilampasan at bumalik sa pagkain ko. “Are you kidding me?” dinig ko pa ang naiinis na boses niya mula sa likuran ko. “Alam mo ba kung magkano ang damit na ito?” tanong pa niya sa ’kin. Magkasalubong muli ang mga kilay ko na binalingan ko siya ng tingin. “Baka nakakalimutan mo, may kasalanan ka pa sa ’kin kaya kwits lang tayo.” Sagot ko sa kaniya. Kung bakit kasi sa dinamirami ng tao sa mundo ay ito pa ang nakita ko ngayong araw? Nakakasira ng araw! Nagpakawala ito nang malalim na buntong-hininga. “I swear to you, this is not your day.” Galit na sabi niya at lumabas na roon sa pantry room. “I swear to you, this is not your day... mukha mo! Kala mo matatakot ako sa ’yo? Neknek mo.” Bulong ko habang puno ng pagkain ang bibig ko. Nilingon ko pa ang nakasaradong pinto. PAGKATAPOS kong kumain ay bumalik na rin ako sa puwesto ko kanina. “Hi po ma’am Mirah!” nakangiting bati ko sa kaniya nang makaupo ako sa tabi niya. Bigla naman itong sumenyas sa ’kin na huwag akong maingay. Mabilis na nangunot ang noo ko. “Bakit po?” pabulong na tanong ko. “Galit si sir. Ewan ko kung ano ang nangyari. Okay naman ’yon kanina nang lumabas pero ang init ng ulo bigla noong bumalik.” Sagot niya sa ’kin. Napatingin naman ako sa pinto ng opisina ng big boss namin. “Baka naman po may biglaang problema or sa jowa niya?” pagbibiro ko pa. “Walang jowa ’yon,” sabi ni ma’am. “Basta huwag na lang tayo maingay.” Nanahimik na lang din ako habang nagtitipa sa desktop. Mamaya ay tumayo si ma’am Mirah at pumasok sa opisina ng big boss namin. Ilang sandali din ay lumabas ito. “Debbie, pasok ka raw sabi ni sir.” Saad nito. Ngumiti pa ako sa kaniya at tumayo. “Sige po.” Sagot ko ’tsaka naglakad na palapit sa pintuan ng opisina ni big boss. Kumatok ako roon ng tatlong beses bago pinihit ang seradura. “Good afternoon po sir!” nakangiting bati ko habang nakatalikod pa si boss. Ngunit ang ngiti sa mga labi ko kanina ay bigla ring nawala at napalitan ng pagkagulat nang humarap siya sa ’kin at mapagsino ko ang big boss namin. Parang pakiramdam ko bigla akong namutla at natuod sa kinatatayuan ko. “I-ikaw?” nauutal na tanong ko sa kaniya. “Yes! It’s me.” Seryosong sagot niya sa ’kin. HALOS manlomo ako nang malaman kong siya ang big boss namin. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko habang matiim niya akong tinititigan. Kung puwede nga lang na lumabas ako kaagad sa opisina niya at umalis papalayo sa kaniya; kanina ko pa ginawa. Sobra akong nangliliit sa sarili ko sa mga sandaling ’yon. Puwede bang kainin na lang ako ng sahig ng opisina niya para naman mawala ang kahihiyan ko? Sino ba naman kasing matinong empleyado ang mangaaway sa amo niya? Aba malay ko bang siya pala ang big boss namin! Hayst! “You’re probably my new secretary aren’t you? Debbie Solomon, right?” seryoso pa rin ang hitsura niya. And his voice. Parang mangangain ng buhay. Napapalunok naman ako ng sunod-sunod dahil sa kaba ko. “Y-yes po s-sir.” Kanda utal na sagot ko habang dahan-dahan na tumango. “I’m your sir huh?” aniya at umigting pa ang kaniyang panga. Oh God! Bigla akong napapikit nang mariin habang hindi ko pa rin magawang tumingin sa kaniya ng diretso. Debbie naman! Humingi ka na agad sa kaniya ng sorry, kaysa naman mawalan ka ng trabaho ngayon pa lang dahil sa mga ginawa mo. I mean, kahit kasalanan naman talaga niya. “I... I’m sorry po sa nangyari kanina sir. Hindi ko po sinasadya.” Saad ko sa kaniya. “Now you are sorry?” Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang boses niya. Wala sa sariling napatitig ako sa kaniya ng diretso. Napalunok ulit ako. “Since I’m your boss, go back to work.” Aniya. Kaagad naman akong tumalima para sana lumabas na sa opisina niya. Pero muli itong nagsalita kaya napahinto akong muli at nilingon siya. “And let me remind you once again Ms. Solomon,” seryosong saad niya at nagtiim-bagang. “This is not your day.” Saad niya pa sa ’kin. Napatungo na lang ako sa sinabi niya ’tsaka nagmadali ng lumabas ng opisina niya. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere nang makalabas na ako at nagmamadaling bumalik sa puwesto ko. Kung minamalas ka nga naman o! Ang buong akala ko ay magiging maganda ang unang araw ko rito, kaso mali pala! Kung bakit kasi sa dinamirami ng kumpanyang puwedeng paglagyan ko, bakit dito pa sa kumpanya ng mayabang na iyon? Nakakainis naman o! “Oh, Debbie! Ano ang nangyari? Ba’t parang namumutla ka ata? Pinagalitan ka ba ni sir?” tanong sa ’kin ni ma’am Mirah. “H-hindi po ma’am,” ngumiti na lang ako sa kaniya ’tsaka bumalik sa ginagawa ko kanina. Muli kong inabala ang sarili ko sa trabaho para lang mawala sa isipan ko ang mga nangyari kanina. But sad to say, hindi ko maalis-alis sa isipan ko ang mayabang na amo ko. Nako! Kung puwede lang talaga na makipagpalit ako sa iba e! “Debbie, tawag ka ni sir.” Tawag sa ’kin ni ma’am Mirah. “Ano ba ang nangyayari sa ’yo at kanina ka pa parang wala sa sarili mo?” tanong pa niya sa ’kin. “P-po?” “Kako, kanina ka pa tinatawag ni sir. Dalian mo at baka magalit na naman ’yon.” Awtomatiko naman akong napatayo sa kinauupuan ko at naglakad palapit sa opisina ni boss. Kinakabahan pa akong muli na pumasok doon. “Pinaka ayoko sa lahat ang tatamad-tamad na empleyado,” bungad niya agad sa ’kin. “I was calling your name for almost five minutes. Where have you been Ms. Solomon?” “Ahhh—” “Do this. And this. I need that in ten minutes. Hurry up!” dagdag pang saad niya ’tsaka inilapag sa lamesa niya ang sandamakmak na mga papel. Lumapit ako roon para kunin ’yon. “Okay po sir.” Sagot ko at nagmadaling lumabas ulit. Ten minutes? Diyos ko naman! Ano ako robot? Ilang pages ng papel na ito ang i-encode ko tapos ten minutes lang? “I need water, hurry up.” Dinig ko ang boses niya sa intercom na nasa gilid ng lamesa ko. Agad naman akong tumayo sa puwesto ko at tumalima papunta sa pantry room para ikuha siya ng tubig. Lakad-takbo pa ang ginawa ko pabalik sa opisina niya. “I change my mind. I wan’t fresh pineapple juice.” Hindi ko pa man nabubuksan ng maayos ang pinto ng opisina niya ay dinig ko ng saad niya sa ’kin. No choice ako kun’di bumalik ulit sa pantry room para ikuha siya ng fresh pineapple juice. “Tss! Arte. Lagyan ko ’to ng lason makikita mo talaga.” Bulong ko sa sarili ko habang gumagawa ng fresh juice niya. Nagmadali ulit ako pabalik sa opisina niya. Ang sakit na ng mga paa ko dahil sa naka-takong din ako. Nakakapagsisi. Sana nagsuot na lang ako ng flat shoes e! “Ito na po sir—” natigilan akong bigla nang pagkapasok ko sa opisina niya ay nandoon si ma’am Mirah at pinagtitimpla niya ng pineapple juice si sir. Napatingin ako sa sulok ng opisina... may mini bar naman pala roon, bakit kailangan sa pantry room pa ako pumunta? “Oh Debbie? Bakit sa pantry ka pa nagpunta?” takang tanong sa ’kin ni ma’am Mirah. “A, h-hindi ko po alam e!” sagot ko na lang. “You should ask first bago ka kumilos.” Anito habang nakatuon ang atensyon sa ginagawa niya. Lihim lamang akong napabuntong-hininga nang malalim dahil sa labis na inis. “MAUUNA na akong umuwi huh! Mag-iingat ka.” Paalam sa ’kin ni ma’am Mirah nang mag gabi na. Eight thirty daw ang uwi ng big boss kaya kailangan ko pang maghintay sa kaniya. Bale, overtime ako ng tatlo’t kalahating oras. Wala naman na akong ginagawa at nakaupo na lang ako sa harap ng lamesa ko kaya okay lang. Baby nasa labas na ako! Nakatanggap ako ng text mula kay Markus. Susunduin niya pala ako ngayon. Mayamaya pa ay nakita ko namang lumabas na ng opisina niya si sir. Ano nga ulit ang pangalan nito? Mabilis kong kinuha sa loob ng bag ko ang calling card na inabot niya sa ’kin noong nakaraan. “Cross Buenavista!” mahinang sambit ko sa pangalan niya. “Guwapo sana ang pangalan kaso ang panget ng ugali mo.” Bulong ko pa. Umayos na ako ng upo nang makita ko siyang papalapit na sa puwesto ko. Hanggang sa lumagpas na siya. Parang hindi manlang ako nakita. “Tss! Mapatid ka sana.” Bulong ko pa ulit. Inis na tumayo na rin ako sa upuan ko at sumunod sa kaniya, hanggang sa pareho na kaming nakasakay sa elevator. “Hey baby!” tawag sa akin ni Markus nang makalabas na ako ng building. “Kanina ka pa?” tanong ko nang makalapit ako sa kaniya. “Nope!” sagot nito. “So how’s your day?” nakangiting tanong nito. “Nakakapagod... pero okay lang.” “Markus!” Pareho pa kaming napalingon nang marinig namin ang boses na ’yon. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko nang magbaling akong muli ng paningin kay Markus. Magkakilala sila? “Wait lang Debbie.” Paalam nito sa ’kin ’tsaka nagmamadaling lumapit kay Sir Cross. Nagtataka naman akong nakatingin sa kanila habang nag-uusap sila sa ’di kalayuan. Minsan pa silang napapatingin sa direksyon ko habang seryosong nag-uusap. “Magkakilala kayo?” takang tanong ko sa kaniya nang bumalik na siya sa puwesto ko. He heaved a deep sigh. “A, yeah! Actually, he’s my brother.” Laglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Ano raw? Brother? Paanong nangyari? “Huh?” ulit na tanong ko sa kaniya. “Remember noong naikuwento ko sa ’yo na may asawa si mama noon?” tanong niya. Oo naalala ko, noong high school kami lagi niyang kinukuwento ’yon sa ’kin. “Kabit si mama noon ng papa ni kuya Cross, and ako ang bunga ng pagkakamali nila that’s why we became brothers.” Bale-walang pagpapaliwanag niya sa ’kin ’tsaka nag-iwas ng tingin. Kaya pala kanina habang tinititigan ko si Sir Cross parang may pagkakahawig sila ni Markus. “Kaya pala!” sabi ko na napapatango pa. “Huwag na natin pag-usapan ’yon. Let’s go, uwi na tayo.” Saad niya ’tsaka ako sinuotan ng helmet niya. Naging tahimik naman ito sa byahe namin ’di katulad sa nakagawian na maingay siya. Maraming kuwento. Pero ngayon, hindi ko na lang din siya kinulit. Hanggang sa makarating na kami sa bahay. “Salamat ulit, Marky!" nakangiting sabi ko sa kaniya. “Welcome.” Sabi niya. “Siya nga pala, ’di kita maihahatid bukas kasi may lakad ako e. Okay lang ba mag-commute ka na muna?” nakangiting saad niya at napakamot pa sa ulo niya. “Oo naman. Okay lang sa ’kin. Sige na para makapagpahinga ka na rin. Thank you ulit Marky. Bye!" kumaway pa ako sa kaniya bago pumasok sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD