MEGGAN
Sinadya kong magtungo sa mansion nina Yuan nang araw na iyon. May nais akong tiyakin sa mga narinig ko kina Xyren at Patrick noong nakaraan sa Bar.
"Meggan!" magiliw na bati sa akin ng mommy ng binata. Ito ang nagbukas ng main door at pagkakita sa akin ay agad akong niyakap ni Tita Yuna.
"Hello po, Tita. Nalaman ko po na nakauwi na kayo kaya dumaan ako para sana mangamusta," nakangiti kong bati saka inabot dito ang special kare-kare na pinaluto ko pa sa cook namin. Alam kong paborito iyon ni Tita.
"Wow, salamat dito. Halika, tuloy ka," masayang anito saka ako iginiya papasok.
Lihim kong iginala ang paningin at sakto naman na lumabas mula sa kusina ang isang dalagita na natatandaan ko na nagsilbi na sa amin noong nag-swimming kami rito. Kung hindi ako nagkakamali ay Mirasol ang pangalan nito. Nais kong malaman kung ito ba ang Mirasol na sinasabi nina Xyren na pinagkakaintresan ni Yuan.
"Mirasol, halika saglit," tawag ni Tita Yuna sa babae. Kimi itong lumapit sa amin.
Bukod sa maamo nitong mukha ay wala na akong makitang espesyal sa hitsura ni Mirasol. Imposibleng ito ang nagugustuhan ni Yuan. Kilala ko siya, he likes sexy and sophisticated girl. Baka nagkakamali lang ako ng hinala. Pero may iba pa bang Mirasol na kilala ni Yuan?
"Bakit po, Ma'am?" nahihiya nitong tanong.
"Pakikuha ng juice si Meggan, tatawagin ko lang si Yuan sa itaas, ha?" saad ni Tita saka ako nanunuksong tinitigan. "Dito ka muna,?" paalam pa nito sa akin.
Noon pa man ay close na kami ng ina ng binata. Likas naman kasi itong mabuti sa lahat. Masasabi ko pa na mas nasubaybayan nito ang paglaki namin kaysa sa aming mga magulang na laging nasa labas ng bansa at panay ang pagpaparami ng salapi. Solo akong anak, hindi tulad ni Angel na may kapatid kaya malungkot ako tuwing nasa bahay namin. Mabuti na lang at nariyan ang mga kaibigan.
Mula pa man noon ay tinutukso na kami ni Tita Yuna sa isat-isa ni Yuan. Kaya lang ay tinatawanan lang iyon ng binata. At ako ay lihim na nasasaktan sa katotohanang hanggang kaibigan lang ang tingin nito sa akin—samantalang noon pa man ay alam na nito ang damdamin ko sa kanya.
Tahimik akong naghintay sa sala. Dumating si Mirasol at inihain sa akin ang orange juice. Nagpasalamat ako rito. Paalis na ito nang bigla kong tawagin.
"Ilang taon kana?" tanong ko sa dalagita.
"Eleven po," kimi naman nitong sagot.
Eleven? Gosh! Imposible talaga! Halos kasing edad lang ni Pauline.
Sabay pa kaming tumingala ni Mirasol nang dumating ang mag-ina. Habang pababa ang mga ito ng hagdanan ay kay Yuan ako nakatitig. Itinatanggi ng utak ko na itong anak-mahirap na ito ang tinutukoy nina Patrick na pinagkaka-intresan ngayon ng binata. Pero habang nakatitig ako sa lalaki ay biglang kumirot ang aking dibdib sa napansin. Kahit pilit nitong ibaling sa akin ang paningin ay napansin ko na pasulyap-sulyap ito kay Mirasol. Hanggang makuha ng dalagita ang buong atensyon ng binata.
"Oh, 'di ba? Sabi mo sa iyo, anak, may maganda kang bisita, eh," nakangising sabi ni Tita nang makalapit ang mga ito. Agad namang lumayo si Mirasol pero habol ito ng tingin ni Yuan.
"Hi, Yuan," bati ko para makuha ang pansin niya.
"Hello, Meggan. Ang aga mo naman yata? May usapan ba kayo na paparito?" patamad nitong saad na ang tinutukoy ay ang mga kaibigan namin.
"H-hindi, wala. Mangangamusta lang sana."
"Yuan, syempre miss kana ni Meggan. Nagtatanong ka pa riyan? Manhid mo talaga!" asik dito ng mommy niya kaya namula ang pisngi ko.
"Mom, ikaw naman yata ang ipinunta ni Meggan, ginising mo pa ako!"
"Yuan! Ikaw talaga!!" gigil ditong kastigo ni Tita saka ngumiti sa akin. "Iwan ko na muna kayo, ha? Magpapahanda ako ng merienda. Dito kana rin magtanghalian, Meggan."
"Salamat po."
Bago lumayo ay pinandilatan pa nito si Yuan na kakamot-kamot sa ulo. Nang maiwan ay umupo na kami ng binata.
"Huwag mong pansinin si Mommy, may pagka-epal iyon."
"Wala iyon, don't worry," kunwari ay nakangiti kong sagot. "Bakit hindi kana sumasama sa mga lakad? Nakakapanibago lang kasi," dagdag ko pa.
"Busy lang, malapit na ang schooling kaya nagre-review ako." Napatingin ito sa gawi ng kusina nang lumabas ulit doon si Mirasol at tinulungan si Tita Yuna sa ginagawa. May paghimas pa ng baba si Yuan habang nakamasid sa dalagita. Lihim akong nasaktan. Ako ang kaharap niya pero nasa iba ang atensyon nito.
Pinilit ko pa ring ipakita na masaya ako kahit nagsisimula na akong makadama ng panghihimagsik.
"Tungkol nga pala sa college. Baka next year ay makasunod ako sa inyo ni Patrick sa Canada. Nakausap ko si Dad at—"
"Hindi na ako aalis. Dito na ako magko-college."
Natigilan ako sa sinabi niya. Anong ibig nitong sabihin? Hindi ba at iyon ang matagal na nilang plano? Kaya nga pinilit ko ang ama na sa Canada rin ako pag-aralin para hindi siya mapalayo sa akin? Bakit biglang nagbago ang desisyon nito kung kailan malapit na ang pasukan? Tatlong beses akong lumunok bago tiningnan ang dalagita na tinititigan niya.
Yuan, don't tell me na dahil sa Mirasol na iyan kaya ayaw mo nang umalis?
"Akala ko ba'y doon mo gustong mag-aral? A-ang bilis naman yatang magbago ng isip mo?" maingat kong komento.
Ayaw nito ng matanong at iyong parang pinanghihimasukan siya kaya sinimplihan ko lang ang tinig kahit naghuhumiyaw ang aking kalooban.
"Ganoon talaga, eh. Nakausap ko na si Daddy tungkol doon."
"P-pumayag siya?"
"Bakit naman hindi?"
Tumango na lang ako sa kabila ng hindi maipaliwanag na nararamdaman.
Anong karapatan ng Mirasol na ito na kunin ang atensyon ni Yuan? Malamang na inakit nito ang binata. Sa batang edad ay marunong na itong manghalina ng lalaki. Pero nakakapagtaka lang talaga dahil hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa binata. Ang masakit lang ay noon ko lang nakita si Yuan na ganoon katutok sa isang tao. Lahat ng naging nobya niya ay kilala ko at masasabi kong ni isa man doon ay wala siyang sineryoso. Ngunit iba ang kay Mirasol. Iba ang kutob ko. And I think I need to do something to stop this immediately.
Akin si Yuan. Balang araw, umaasa ako na ipagkakasundo kami ng mga magulang niya. Kaya nga hinahayaan ko lang ito sa paglalaro. Dahil alam kong ako lang ang papaboran nina Tito at Tita na maging asawa niya someday. Hindi ang pobreng si Mirasol o kahit na sino pa. Ako lang!
MIRASOL
Nakakailang tumingin si Señorita Meggan. Kanina pa ito tila nagmamasid sa kilos ko. Dumagdag pa si Señorito na alam kong nakatutok sa akin ang atensyon. Hindi ko tuloy ma-control ang panginginig ng kamay habang nagsisilbi sa kanila sa hapag-kainan. Apat lang silang magkakasabay kumain dahil balik na agad sa trabaho si Sir Paolo. Tinig ni Señorita Pauline lang ang pumupuno sa mesa at paminsan-minsan ay sinasaway ng ina nila.
"Pauline, 'di ba sabi ko sa iyo'y mag-aral ka ng table manners? Pati pagsasalita mo habang kumakain ay nakaka-distract!" masungit na puna rito ni Señorito Yuan.
"Si Mommy nga rin maingay, bakit 'di mo pinupuna?" nakalabing tugon ng dalagita. Gusto ko tuloy mapangiti kaya lang ay ipinagsasalin ko ng juice ang binata kaya pinigilan ko iyon.
"Yuan, masyado ka namang seryoso sa kapatid mo, bata pa kasi 'yan pero kapag nagdalaga na si Pauline ay matututo rin siya. Right, Pauline?" ani Señorita Meggan na hinawakan pa sa kamay ang lalaki bago sumulyap sa akin nang mabilis.
"Tama, Ate Meggan."
Hindi ko na halos narinig ang sagot na iyon ng senyorita dahil ang pansin ko ay nasa kamay nitong nakahawak sa kamay ng binata. Hindi ko maipaliwanag kung ano iyong bigla kong naramdaman. Para bang nainis ako roon na hindi ko maintindihan kung bakit.
"Masungit kasi si Yuan, sana mapatino mo siya, Meggan," baling naman ni Ma'am Yuna dito.
Nakita kong inalis ni Señorito ang kamay niya sa ilalim ng palad ng dalaga saka kinuha ang baso ng juice at ininom. Lumapit naman ako kay Señorita Meggan para ito naman ang salinan.
"Kung ano-anong sinasabi mo, Mommy. Friends lang kami. And beside may iba akong gusto . . ." wika ni Señorito na ikinalingon ko sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata ko nang masalubong ang matiim nitong titig. Nakatingin din pala ito sa akin. Biglang bumilis ang t***k ng dibdib ko at dahil nakatingin ako sa kanya ay hindi ko napansin na puno na pala ang baso ng juice. Napatili si Señorita Meggan nang mabasa niyon. Agad itong tumayo habang nanlilisik ang mga mata sa akin.
"Oh my—what the hell? Ang tanga-tanga mo!" nanggagalaiting asik ng dalaga sa akin na ikinagulat ng mga tao roon lalo na ni Ma'am Yuna.
"Sorry po, Señorita," nakayuko ang ulo na hingi ko ng paumanhin. Tila naman bigla itong natauhan. Huminga ito nang malalim saka ngumiti sa akin.
"I'm sorry rin. Nabigla lang ako. Ang lamig kasi ng juice," anito saka bumaling sa ina ng dalawa. "I'm sorry, Tita, kung nakapagsalita ako ng masama, my apology."
"Ah . . . Okay lang, Meggan. Kasi naman, ang lamig ng juice. Halika, sasamahan kita sa itaas, magpalit ka muna roon at ipaaayos ko kay Bing ang damit mo," sabi ni Ma'am Yuna nang mahimasmasan.
Iiling-iling lang si Señorito nang makaalis ang dalawa. Nahihiya tuloy ako pero lumapit pa rin ako sa kapatid niya para ito naman ang salinan ng juice.
"Tinititigan mo kasi siya, Kuya, kaya natapunan niya ng juice si Ate Meggan," biglang wika ni Señorita Pauline na ikinatigagal ko.
"Shut up! Kiddo!"
MEGGAN
Nginitian ko si Tita Yuna habang nakaharap kami sa malaking salamin sa silid ni Pauline. Sakto na may maliit itong damit na kumasya sa akin. Sabagay, maliit na babae ang ina ni Yuan pero magaling itong pumili ng mga damit. Mahilig kasi silang mag-shopping ni Pauline.
Gustong-gusto ko na maging mommy rin ang ina ni Yuan. Mabait ito at maalaga sa pamilya hindi tulad ng sarili kong ina. Kapag ikinasal kami ay matutupad din iyon.
"Ang ganda-ganda mo talaga, Meggan. Naalala ko noong mga bata pa kayo—cute na cute ako sa inyo ni Angel," wika ng babae sa akin na ikinangiti ko.
"Salamat po, Tita. Kayo rin po maganda, lalo na si Pauline." Hinaplos-haplos pa ng babae ang buhok ko saka ito huminga nang malalim.
"Kung pwede nga lang na maging kayo ni Yuan—naku, baka kiligin ako sa inyong dalawa. Ang cute kaya ng childhood sweetheart. Kaya lang . . . Mukhang malabo. Narinig mo naman ang sinabi ng damuho? In love na naman! Bukas ay iba na namang babae, tssk."
Napatitig ako sa babae sa harap ng salamin. Pagkatapos ay humarap ako rito. "T-Tita, gusto niyo po ba talaga ako para kay Yuan?" naniniyak kong tanong.
"Oo naman, kaya lang nasasa-inyo pa rin iyon ng anak ko. Kilala mo naman ang kaibigan mong iyon, ayaw nang pinapakialaman, "
"Tita, alam niyo naman po na noon ko pa gusto ang anak niyo, 'di ba? Sana po kapag pwede nang mag-asawa si Yuan ay ako ang piliin niyo ni Tito na ipakasal sa kanya."
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Tita Yuna nang marinig ang sinabi ko. Nakadama tuloy ako ng pag-aalala.
"Meggan, tungkol sa bagay na iyan ay si Yuan ang magpapasiya. Of course naka-guide kami ni Paolo pero ayokong ipilit sa mga anak ko kung sino ang dapat nilang pakasalan."
Natigilan ako sa narinig ngunit hindi ako pinanghinaan ng loob. Hinawakan ko ang dalawang kamay ng babae.
"Tita, di ba po si Tito Paolo ang pipili ng magiging asawa nina Yuan at Pauline? Kaya masaya po ako dahil boto kayo sa akin," wika ko pa na ikinailang ng ginang.
"Saan mo naman narinig iyan? Naku, halika na nga sa ibaba. Kumain na tayo," nakangiti nitong tugon na paiwas.
I need to take her side para sa darating na araw ay maging kakampi ko pa rin ito.
"Tita, may gusto sana akong sabihin sa iyo," bigla kong sabi rito na ikinatigil niya.
****