Chapter 9

2051 Words
PAOLO Naiwan akong malalim na nag-iisip habang nakatingin sa pintong nilabasan ng anak na panganay. Nagpupuyos ang aking kalooban sa kinalabasan ng pag-uusap na iyon. Mula nang magkaisip si Yuan ay sinabihan ko na ito ng mga plano ko para sa kanya. He is my heir at dapat lang na hasain ko siyang mabuti bago ipasa ang buong kompanya sa kaniya. Wala naman akong problema rito kung talino ang pag-uusapan dahil advance ang utak ng panganay ko. Ang gusto ko ay handang-handa na ito kapag namuno sa Villanueva Builders Company. Kung maari nga ay ayokong magkaroon ng nobya ang anak para hindi ito ma-distract sa pag-aaral pero hindi ko iyon maalis kay Yuan. Hindi ko na lang pinapansin kahit balita ko ay nag-uuwi ito ng babae sa condo unit niya. Hindi ito nagpapabaya sa pag-aaral, iyon na lang ang pakonswelo ko sa sarili. Minsan ko na itong pinuna. Sabi ko ay baka makabuntis siya nang napakaaga dahil sa ginagawa niya pero ang sutil kong anak ay sumagot lang na gumagamit daw ito ng condom. Asar na asar ako noon kay Yuan. Ayoko lang patulan dahil nagkakaingay sa bahay. Sa kabila niyon ay sinusunod naman nito ang mga plano ko about sa future niya. Alam nito na sa ibang bansa ko siya nais magpaka-dalubhasa, katulad ni Tristan noon. Sumang-ayon ito kaya nasabi ko sa sarili na walang problema kung sakali. Pero ngayon ay bigla itong nagbago ng desisyon. Ayokong isipin na babae ang dahilan. Pero ano pa ba ang maari? Ang tagal na naming plano tapos bigla niyang tatanggihan? Saka iba ang kutob ko sa anak. Hindi ko man masabi kung ano pero sigurado akong may nagbago rito. "Paolo, kakain na," dire-diretsong sabi ng asawa ko na walang katok-tatok na sumilip sa pinto ng opisina. "Nand'yan pa ba si Xyren?" sa halip ay tanong ko kay Yuna. "Oo, pero paalis na rin yata pagkakain, bakit?" taka nitong tanong na ulo lang ang nakasilip sa silid. "Pakitawag, sabihin mo ay pumunta muna rito," utos ko. "Eh, kakain na nga, mamaya na lang kaya iyan at gutom na ako?" katwiran nito. Napakamot ako sa ulo. Napilitan akong lumabas kasunod ni Yuna. Mamaya ko na lang kakausapin ang binata pagkatapos kumain. Akbay ang asawa na bumaba kami ng hagdan. Natanaw ko sa ibaba ang anak ni Flor na si Mirasol. Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan na makikita pa ang pamilya Almario pagkatapos kong bigyan ng pera ang babae. Kaya nabigla ako nang umuwi at malamang narito na ang mag-ina. Nagtataka rin ako kung bakit pinatuloy sila ni Yuan. Nakalimutan kong itanong iyon sa anak kanina. Alam kong hindi kagandahan ang ugali ng panganay namin. Suplado ito at walang amor sa mga katulong. Kaya dumagdag iyon sa aking isipin. Masiyado pang bata si Mirasol, halos ka-edad lang ni Pauline. Hindi magandang mangamuhan na agad ito sa ganoong edad. Hinihintay ko lang ang nanay niya para makausap nang personal. Paglapit namin sa dinning table ay nagkakaingay sina Xyren at Pauline sa kung anong pinag-uusapan. Si Yuan ay tahimik lang. Naupo na kaming mag-asawa sa tabi ng mga ito. Likas na madaldal sa hapag-kainan ang bunsong anak. Kahit ilang beses kong sawayin ay ganoon pa rin ang kinalakhan niya kaya nakasanayan ko na ang ingay sa lamesa kapag kumakain. Tumatahimik lang si Pauline kapag kaaway nito ang Mommy o kuya niya. Pero madalas na si Yuna ang kadaldalan nito, ngayon ay si Xyren ang kausap ng dalagita. "Hindi ko ibibigay sa'yo ang padala ni Trisha hangga't tinatawag mo akong kulot, hmmp!" nakalabing saad ni Pauline kay Xyren. "Ang daya naman nito, sige na, Pauline na ang itatawag ko sa iyo," sagot ng binata. "Talaga lang, ha? Kapag narinig pa kitang tinawag akong kulot, yari ka sa akin!" "Ano ba'ng ipinadala ni Trisha? Baka baduy na tshirt na naman, ha? Ayoko na n'on. Pakisabing magkaroon naman siya ng taste sa damit!" Malakas na bumungisngis ang bunso ko sa sinabi ni Xyren. Halos mangalansing pa ang kubyertos nito na ikinainis ko nang lihim. Pati si Yuna ay hindi nagpahuli sa pagtawa. Nang bigla ay mapasulyap ako sa panganay na anak. Usually, kapag ganoong asaran ay sumasali ito. Pero seryoso lang ang binata ko at napansin ko rin ang palagian nitong pagsulyap sa malayo. Actually, kanina ko pa napupuna na lagi itong nakatitig sa may tabi habang kumakain. Nagtaka ako roon kaya nilingon ko ang tinitingnan nito. Wala naman dahilan para mapatingin doon ang anak ko. Bukod sa mahabang sofa at malaking painting ay wala nang naroon. Maliban sa dalagitang si Mirasol na nagpupunas ng salaming dingding— I'm stunned. Napatingin ako nang mabilis sa anak. Nakatitig pa rin ito roon. Muli akong lumingon at natiyak ko na si Mirasol ang tinititigan ni Yuan. I felt something isn't right here? XYREN Sobra ang kaba ko nang sabihin ni Tito Lolo na kakausapin daw niya ako sa study room bago ako umuwi. Ang naisip ko kasi ay baka tungkol sa pag-aabogasya ko kaya niya ako nais makausap. Aba, tapos na kami roon, hindi ba? Pumayag na siya kaya wala nang bawian. Pero paano nga kung nagbago ito ng pasya? Ayokong mag-Architect or Engineer. Ayokong sumunod sa yapak ng mga lalaki sa pamilya. "Sit down," anito pagkapasok ko. "Lo, may kasalanan ba ako?" Pinangunahan ko na ito. Isa sa mga gusto ng daddy ni Yuan ay yung umaamin ng pagkakamali kaya nga paborito ako nito. Bago pa lang nito ipatawag ay alam ko na ang mali kong nagawa kaya bubuga pa lang ito ng apoy ay magso-sorry na ako at aamin. "May itatanong lang ako sa iyo. At ang gusto ko ay magsabi ka ng totoo," he said at mabilis ko itong tinanguan. "Yes naman po, ano ba 'yun?" confident ko pang tanong. "May alam ka bang babae na sineseryoso ni Yuan ngayon?" Nanigas ang labi ko pagkarinig ng tanong nito. Pakiramdam ko ay namutla ako dahil doon. Bakit naman iyon itatanong ni Lolo Paolo? Eh, kakauwi lang nito. Isa pa'y imposibleng may nagsumbong dito tungkol kay Mirasol dahil kami lang naman ni Patrick ang may alam ng tungkol doon. "B-Babae po?" maang-maangan kong saad na patanong. "Yup, gusto kong malaman kung sino ang pinagkaka-interesan niya ngayon. Kayo lang naman ang laging magkasama kaya alam kong alam mo kung mayroon man." Napahid ko ang pawis na namuo sa aking noo. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako naipit nang ganito. Dalawang hindi birong tao ang kinapapagitnaan ko. Kung sasabihin ko ang tungkol kay Mirasol ay tiyak na yari ako kay Yuan. Hindi niya ako mapapatawad at siguradong gaganti ito sa akin sa kahit na anong paraan. Pero kung magsisinungaling ako kay Tito Lolo ay baka ako naman ang maipit? Kung pwede nga lang mag-play dead tulad ng isang tuta ay ginawa ko na ng mga oras na iyon. "Xyren?" untag nito. Sh*t! Anong isasagot ko? Bakit kasi ako ang tinanong niya ng tungkol doon? Bakit hindi na lang si Patrick? "Ahmm, h-hindi ko po alam, eh. Kaka-break lang po nila ni Kendy last week," naisip kong isagot. "After Kendy? May bago na ba?" Oh my God! Napapapikit ako sa sobrang stressed. "H-hindi ko po alam, Tito Lolo." "Xyren?!" Bigla akong lumuhod sa lalaki. "Lolo Paolo, hindi ko po talaga alam. Kilala niyo ako, kung alam ko ay sasabihin ko naman sa inyo, eh." Bahala na! Mas kaya ko ang sermon nito kaysa kamuhian ni Yuan. Ayokong sa akin manggaling. Balang araw ay baka pagsisihan ko pa kung tatraydurin ko ang tiyuhin. MEGGAN Pinilit kong magsaya sa Bar na iyon kahit medyo bigo ako dahil wala na naman si Yuan. Kami lang nina Xyren, Patrick, Mico, at Angel ang naroon. Ilang sunod-sunod na beses nang hindi sumasama ang binata sa lakad namin. Dati naman ay lagi itong present. Miss ko na tuloy ang binata. "Kuha lang ako ng drink," paalam ko kay Angel na kasama kong sumasayaw sa gitna. Tumango ang kaibigan. Ako naman ay lumapit sa table namin kung nasaan sina Patrick at Xyren na seryoso sa pinag-uusapan. Hindi nila napansin na naroon na ako sa tabi nila dahil sa dami ng tao sa Bar ng gabing iyon. "Muntik na akong atakihin. Pinipilit nga ako ni Tito Lolo na umamin, pero sabi ko'y wala akong alam na babae ni Yuan," boses ni Xyren. Malakas ang tinig nito na humalo sa tugtugin sa Bar. Na-curious ako sa pinag-uusapan ng dalawa kaya nagpatuloy ako sa pakikinig. "Tama lang ang ginawa mo, Xy. Alam mo naman kung paano magalit si Yuan. Mukhang seryosong hintayin si Mirasol," sagot ni Patpat na sinundan ng malakas na pagtawa. Natigilan naman ako sa pakikinig. Mirasol? Parang pamilyar sa akin ang pangalan. "Oo, seryoso na nga ang loko. Ayaw na ngang mag-aral sa Canada para hindi malayo sa batang iyon." "Kinakabahan ako, Xyren. Baka mag-asawa agad si Yuan," sabi pa ni Patrick na ikinatahip ng aking dibdib. "Malamang! Kung paiiralin niya ang damdamin ay tiyak na kasalan na agad o kaya ay makulong siya sa pagpatol sa bata! Kilala mo naman iyon." Sabay pang tumawa ang dalawa at nag-high five. Natigil lang ang mga ito nang mapansin ako. "Meg, kanina ka pa ba?" kabadong tanong ni Xyren. "Medyo, bakit?" kunwari ay balewala kong sagot. "N-narinig mo ba ang pinag-uusapan namin?" Si Patpat. "Hindi, eh, ang lakas kasi ng music. Ano ba iyon?" "Wala, wala. Inom ka na lang diyan!" MIRASOL "Pauline, nagpa-staight ka?" Nagdidilig ako ng halaman sa hardin nang bigla ay may lumapit sa aking binatilyo na agad kong ikinalingon. Nagulat pa ito nang matitigan ako. "Sorry po, hindi po ako si Señorita," mabilis kong sabi rito. "Akala ko si Pauline. Sabi ko na, eh. Hindi 'yon magpapatuwid ng buhok. Anong pangalan mo?" pagkuwa'y tanong ng lalaki. "M-Mirasol po." "Ah, ako naman si Dale. Bestfriend ako ni Pauline. Diyan sa tapat ang bahay namin. Nabalitaan ko kasi na nakauwi na sila kaya nag-byahe agad ako pauwi para makita siya," dire-diretsong wika nito. Mukhang mabait ang binatilyo at friendly rin kaya nginitian ko siya. "Narito na nga po sila, nasa loob po ang Señorita," sagot ko. "Hindi mo ba itatanong kung saan ako galing? Galing akong Batangas. Doon ako nagbakasyon. Bago ka lang ba rito?" "Opo." sagot ko habang pigil ang mapangiti sa kadaldalan ng kaharap. "Tamang-tama, may makakalaro na rin ako bukod kay Pauline. Alam mo kasi, madaya 'yon sa game, eh. Tapos 'pag natatalo ko naman ay naiyak. Ikaw, mukhang mabait. Hindi mo ako dadayain," sabi pa nito na ikinatawa ko nang tuluyan. Ang daldal kasi nito tulad ni Señorita. Inalok na rin ako ng dalagita na maglaro pero tumanggi ako dahil hindi naman pwede. Nakakatuwa ang ugali nila. Pareho silang mabait pero isip-bata pa. Naupo pa sa naroong bench si Dale at pinanood ako sa pagdidilig. "Paborito ni Pauline ang bulaklak. Kaya lang, namamantal siya 'pag napapadikit diyan kaya hindi siya masyadong naglalagi sa hardin. Alam mo, sabay kami ng birthday. Minsan sabay rin kaming nagse-celebrate n'on. Magkaklase kami at malapit na kaming mag-highschool. Ikaw ba, ano'ng grade mo na?" Balak ko na sanang sumagot kaya lang ay bigla kong natanawan si Señorito Yuan na papalapit sa amin. "Dale?" kunot ang noong bigkas nito. "Hi, Kuya Yuan." "Ano'ng ginagawa mo rito? Nasa loob si Pauline, ah?" seryoso ang mukhang tanong ng binata. Kinakabahan naman ako na ipinagpatuloy ang pagdidilig. "Kinakausap ko lang si Mirasol, para may makalaro namang iba bukod kay Pauline—" "Hindi siya pwedeng makipaglaro! Kaya pumasok kana roon at kanina ka pa hinihintay ni Pauline." Kakamot-kamot sa ulo na sumunod ang binatilyo. Nang makaalis ito ay nilapitan ako ni Señorito Yuan na dahilan para bumilis ang tahip ng aking dibdib. Muling nanariwa sa aking gunita ang nangyari sa condo nito. "I just want to say that I'm a very territorial person. Seloso ako at ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay 'yung nilalapitan ang pag-aari ko!" Tigagal akong lumingon sa binata nang sabihin niya iyon. Muntik pa akong matumba dahil napakalapit lang pala nito sa akin. Mabuti na lang at nakahawak ako sa braso ng lalaki. "Señorito, ano pong sinasabi n'yo?" maang kong tanong. "I told you to stay away from boys!" "Ho?" May sasabihin pa sana ito pero nakita namin ang pagdating ng kotse ng daddy niya. "Huwag mo akong baliwin, Mirasol!" tila may pagbabanta sa tinig niya nang sabihin iyon bago ako nilayuan. Naiwan akong gulong-gulo sa mga narinig. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD