Chapter 11

2092 Words
MEGGAN Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Tita Yuna matapos kong sabihin ang tungkol kay Mirasol. Kailangan na agad masira ang dalagitang iyon sa ina ni Yuan. Ngayon pa lang ay kikilos na ako. Hindi ako papayag na hindi maging Villanueva balang araw. Bata pa lang ay iyon na ang pangarap ko. Ang maging asawa ni Paul Yuan. Nagsimula sa crush hanggang mauwi sa matinding pagkagusto sa lalaki. Umasa ako na sa akin rin makakasal ang binata. At sino lang ba ang Mirasol na iyon? Isang anak-mahirap na ni hindi ko alam kung saan nagmula at basta na lang sumulpot sa buhay ni Yuan. "M-Meggan, hija, s-sigurado ka ba sa sinasabi mo?" bakas ng pagkatigagal na tanong ng ginang. "Opo, Tita. Narinig ko po kina Patrick at Xyren. Inaakit ng Mirasol na iyan ang anak niyo, kaya ayaw na ni Yuan na mag-aral sa Canada!" Hinawakan ko pa ang tulalang babae sa dalawang kamay. "Masisira ang buhay ni Yuan dahil sa kanya. Kaya sinasabi ko po ito ngayon pa lang sa inyo para magawan niyo agad ni Tito ng aksiyon." Sukat sa narinig ay biglang nanlaki ang mga mata nito at kinabakasan ko ito ng takot. Agad niya akong hinila sa sulok. "Meggan, hindi ko alam kung totoo ang sinasabi mo, pero alam ko naman na hindi ka magsisinungaling sa akin," she said saka pinisil ang isa kong palad. "Pero sana ay sa atin na lang munang dalawa ang tungkol dito. Huwag mong sasabihin sa daddy nila, ha?" Natigilan ako sa sinabi ni Tita Yuna. Hindi kasi ganoon ang ini-expect ko na magiging reaksyon niya kaya umapila ako. "Pero paano po si Mirasol? H-hindi po sila pwedeng magsama sa iisang bahay ni Yuan." "Ako na muna ang aayos nito, okay? Pero salamat sa concern mo." Lihim akong nabigo sa narinig. Pero inaasahan ko na gagawa ng paraan si Tita Yuna para mapalayas sa mansion ang dalagita pati na rin ang nanay nito. Kung hindi iyon gagawin ng babae ay mapipilitan akong dumiretso kay Tito Paolo. YUNA PAGKATAPOS naming mag-usap ni Meggan ay naging balisa na ako sa bahay. Pagkaalis ng dalaga ay wala na akong ginawa kung hindi pagmasdan ang dalagitang si Mirasol. Ang hirap paniwalaan ng sinabi ni Meggan. Napaka-inosenteng tingnan ng dalagita at wala naman akong nakikitang kakaiba sa kilos nito. Tutok ito sa pagtulong sa gawaing bahay. Pero ganoon pa man ay kailangan ko pa rin siyang bantayan. Ano ang malay ko kung totoo ang ginagawa nitong pang-aakit sa panganay ko? Hindi pa namin alam kung ano ang tunay na ugali nito. Bigla tuloy akong kinilabutan. Paano kung totoo ngang inaakit nito si Yuan? Sobrang bata pa niya para magawa iyon. At kilala ko ang binata namin, may pagka-PG ito sa babae. Patunay na kahit pagbawalan siya ni Paolo na mag-nobya ay hindi ito sumunod. Halos magka-edaran lang sina Mirasol at Pauline. Grabe! Isipin ko pa lang na haharot nang ganito kaaga si Pauline ay para na akong aatakihin sa puso. Ngunit ayokong basta na lang manghusga. Bilang ina ay dapat na maging patas ako. Pwede rin kasi na si Yuan ang humaharot sa dalagita ni Flor. Tssk . . . Kinakabahan tuloy ako. Baka makatunog ang daddy niya ay talagang magkakagulo. Eleven years old na bata ang pinag-uusapan dito. Kaya hangga't maaga ay lulutasin ko nang ayos ang problema—kung mayroon man. "Hi, Mom, ano'ng merienda?" Napapitlag ako nang biglang lumapit si Yuan at halikan ang isa kong pisngi. Galing ito sa itaas mula sa maghapong nagkukulong sa kwarto niya. Tapos ay bababa na sobrang sigla? Ang ngiti nito ay napaka-kakaiba. Lalo tuloy akong kinutuban pero hindi ako nagpahalata. "Nagpaluto ako ng sotanghon. Tawagin mo na ang kapatid mo para sabay-sabay na tayo," tugon ko rito. "Sotanghon?" Kinabakasan ng iritasyon ang mukha ni Yuan. "My, naman? Mula nang umuwi kayo ay balik na naman sa bihon ang meryenda rito. Pag hindi pansit o palabok ay sotanghon naman ngayon! Tssk," umiling-iling pa si Yuan. Ako naman ay kumamot sa ulo. Kasalanan ko ba na magkaiba sila ng hilig kainin ni Pauline? Paborito kasi ng bunso kong anak ang mga pampahaba ng buhay samantalang ito ay 'yung pampa-tigok ang gusto na laging kainin. Ako ay kahit ano kinakain. Nakalimutan kong magpaluto ng ibang merienda sa maid. Nakalimutan kong may anak nga pala akong maarte! "Saglit lang at magpapaluto ako ng sa iyo. Alam mo namang paborito iyon ng kapatid mo," sabi ko na lang para walang talo. Kaya nang mag-merienda na kaming tatlo ay si Yuan lang ang naka-simangot. Hindi pa kasi luto ang bake macaroni niya. Habang ngumunguya ay patingin-tingin ako sa anak na panganay bago kay Mirasol na nakabantay sa amin katabi sina Bing at Salome. "Ang sarap naman ng sotanghon ngayon," namumuwalan na komento ni Pauline kaya naagaw nito ang atensyon ko. Pagkuwan ay napatungo ako sa kinakain. Kasi naman, abala ako sa kuya niya na tahimik na naghihintay ng merienda niya. Hindi ko tuloy masiyadong nalasahan ang sarap ng kinakain namin. Napasubo ako nang wala sa oras. At tama nga ang bunso ko, masarap ang luto ngayon. "Masarap nga. Sinong nagluto nito, Bing?" natutuwa ko pang tanong sa maid. May tagaluto sa bahay na iyon pero minsan ay paiba-iba sila ng nakatokang gawain. "Si Mirasol po ang nagluto niyan. Marami po kasi kaming nilinis kanina kaya siya muna ang pinakisuyuan kong magluto." sagot ni Bing. Sa narinig ay napatitig ako kay Yuan at ang masungit kong anak ay biglang natigilan. Sumulyap ito sa nahihiyang dalagita bago binalingan ang mga kasambahay na naroon. "'Kuha niyo nga ako ng sotanghon, dali!" agad nitong utos na ikina-nganga naming lahat. "Kuya? Akala ko ba ayaw mo nito?" takang bulalas ni Pauline. "Sinong nagsabi? It's one of my favorite, tssk!" malakas nitong sagot sa kapatid sabay sulyap sa anak ni Flor. Muntik na tuloy akong masamid sa kinakain. "Pero, Señorito . . . Marami po iyong lahok na gulay. May mustasa pa na inilagay si Mirasol, eh, 'di ba po ayaw na ayaw niyo ng lasa ng mustasa?" nag-aalangang wika ni Salome pero matalim na itong tinitigan ng binata ko. "Ikuha niyo na lang iyan, dali! 'Wag niyo nang tanungin!" utos ko sa kanila at mukhang susumpungin pa yata ang anak ko. Todo hagikgik naman si Pauline kaya sinaway ko ito ng tingin. Sabay na isi-nerve sa harapan ni Yuan ang sotanghon at ang kaluluto pa lang na baked macaroni na mainit pa at hindi pa naii-fridge. "Itabi niyo na ito. Sotanghon lang ang kakainin ko ngayon!" anito sabay usog sa baked mac. Muntik na naman akong masamid. "Anak, may sakit ka ba?" Sinalat ko pa ang noo nito. "Ayan ka na naman, Mommy, eh?" inis na reaksyon ni Yuan. Nagkakatinginan na lang kami ni Pauline habang pinapanood ang pagkain ni Yuan ng sotanghon. Kapansin-pansin din ang maya't maya nitong pagsulyap kay Mirasol habang kumakain. At nang wala nang nakatingin ay kitang-kita ko ang pag-kindat ng binata sa dalagitang anak ni Flor. Oh my God! Si Yuan ang nanglalandi sa bata! YUAN NAISIP ko na kailangan ko nang pag-aralang kumain ng gulay. Mukha kasing mahilig magluto niyon si Mirasol. Tinanong ko kasi nang palihim si Bing at sinabi nito na madalas ay si Mirasol ang nagluluto ng pansit at gulay sa bahay. Kung nalaman ko lang agad ay 'di sana naipakita ko rito na masarap ang luto niya. Well, totoo namang masarap. Hindi naman pala masama ang lasa ng ibang gulay. Mula ngayon ay paborito ko na ang ginisang sotanghon. Nang mabatid na wala nang tao sa paligid ay pasikreto kong sinundan si Mirasol sa may kusina. "Hi," bati ko rito. "S-Señorito?" agad naman itong yumuko bilang pagbati. Nangingilag na naman ang dalagita. Kung bakit kasi nasinghalan ko pa nung nakaraan sa may hardin. Paano'y nakakaselos si Dale. Oo nga at mga isip bata pa sila, kaya lang ay hindi ko maiwasang hindi manibugho kapag may nginingitian itong lalaki—bata man o matanda. Baka nga kahit daddy ko ay pagselosan ko rin. Tssk . . . Naghahanap lang ako ng tamang tiyempo para sabihin kay Daddy ang plano ko para sa dalagita. Ayoko kasi na mabigla ito. Ipapakita ko muna sa ama na malinis ang intensyon ko kay Mirasol. Nang sa ganoon ay suportahan niya ako. "Masarap ka palang magluto. Ang dami kong nakain na sotanghon, hehehe . . ." Tumawa pa akong pilit. Nagmukha tuloy peke. "Salamat po, Señorito. Ginaya ko lang po ang pagluluto ni Nanay." "Good. Isa 'yan sa gusto ko sa babae," hindi ko napigilang ipasaring. Naku naman! Anong alam ng isang ito sa pagpapalipad hangin ko? "Po?" kumunot tuloy ang noo. "W-wala, ang ibig kong sabihin ay maswerte ang mapapangasawa mo balang araw." Ngumiti si Mirasol at parang may sumuntok sa dibdib ko nang mga oras na iyon, bigla na lang itong kumabog ng sobrang malakas. "Sabi po kasi ni Nanay, ang babae raw ay dapat magaling sa bahay para hindi nakakahiya sa mapapangasawa." Ganoon? Napaisip tuloy ako. Dapat pala ay mahiya si Mommy kay Daddy. Gusto ko pa sanang makakwentuhan ang dalagita. Kaya lang ay baka may makakita sa amin. Knowing how 'tsismosa' all our maids. "Okay, I expecting that you'll be a great housewife someday," wika ko bago ito nilayuan. Paglabas ko sa kusina ay muntik na akong mapalundag nang makita si Pauline na tila kanina pa nakikinig sa amin. "What are you doing?" asik ko sa kapatid. "Narinig ko kayo, kuya!" anito sabay hikbi. "Ibig bang sabihin, nakakahiya rin ako sa mapapangasawa ko someday?" tanong pa nito na ikinakunot ng aking noo. Nang maunawaan ang sinabi ng bunsong kapatid ay pinisil ko ang magkabila nitong pisngi. "Kaya mag-aral ka sa gawaing bahay kung ayaw mong isoli ng magiging asawa mo kina Daddy!" natatawa kong pakli saka ito binuhat para i-akyat sa itaas. "Bakit si Mommy narito pa rin? 'Di pa siya sinoli ni Daddy?" Napahalakhak ako sa narinig. Akalain mong pareho kami ng naisip ng kapatid? MEGGAN TAMA nga ang sapantaha ko. Hindi man lang napaalis sa mansyon ang Mirasol na iyon. Inis na inis ako nang bumisita roon at makitang nasa bahay pa rin ng mga Villanueva ang dalagita. "Tita, bakit hindi niyo pa pinapalayas ang dalagitang iyon?" tanong ko sa ina ni Yuan. "Naku! Eh, Meggan. Kasi, hinihintay pa namin si Flor na makabalik dito. Isa pa, naisip ko na baka nagkakamali lang sina Xyren ng sinabi. Mukha naman kasing matinong bata si Mirasol, eh." Lihim akong nakadama ng himagsik dahil sa narinig. Hindi na ako nagpilit pa at agad na ring umalis doon. Inutusan ko ang driver na si Bruno na ideretso sa Villanueva Builders ang sasakyan. Masiyadong maawain si Tita Yuna o mas tamang sabihin na kinukunsinti nito ang anak. Kaya kay Tito Paolo ako lalapit. Sa gagawin ko ay tiyak na huling araw na ni Mirasol sa mansion. YUAN Isang araw ay napilitan akong sumama kina Xyren at Patrick nang sunduin nila ako sa bahay para magtungo sa Bar. Ayoko nga sana kaya lang ay panay ang tukso sa akin ng mga ito kaya napapayag nila ako. Naroon na raw sina Meggan at Mico. Ni hindi na nga ako nakapagdala ng kotse dahil sa kamamadali nila. "Bakit dito tayo pumunta?" maang kong tanong nang tumigil ang sasakyan ni Xyren sa tapat ng isang pribadong clinic. Nabasa ko sa signage na isa iyong psychiatrist clinic. "Kailangan ka nang matingnan ng isang dalubhasa," seryoso ang mukhang sabi ni Xyren. "What the hell are you talking about?" galit kong reaksyon. "Yuan, napag-isipan kasi namin na ipa-konsulta ka kay Doctora. Mukha kasing may problema ka, eh!" saad naman ni Patrick na nasa likurang bahagi ng kotse. "Mga g*go!" pakli ko. "Hindi ka kasi normal! You're eighteen tapos nagkakagusto ka sa eleven years old?" wika pa ni Xyren. Sabay pa silang nag-apiran ng kamay ni Patpat. "Gusto ninyong umuwing bangasan?" nanggagalaiti kong sabi. Tumawa ang mga ito saka bumaba sa kotse. Ako ay nanatili sa loob habang namumula ang mukha sa galit. "Tara na?" untag sa akin ni Patrick nang buksan ang pinto ng kotse sa tapat ko. "Hindi ako nakikipaglokohan, Stick-O. Ikaw ang nangangailangan ng phsychiatrist! Baliw!" malakas silang humalakhak ni Xyren. Asar na asar ako sa dalawa. Gusto ko na silang upakan dahil sa sobrang gigil. "Sa thirdfloor ang Bar! Tang*ngot nito!" tatawa-tawa pang ani ni Patrick. Lalo tuloy akong nabwisit. Pagkababa ko ay binigyan ko sila ng tig-isang kutos. "Ang bobo mo, kupal. Hindi mo ba kita?" sabi pa ni Xyren. Malay ko bang nasa itaas ang Bar? Ang weird naman ng building na iyon. Phsychiatrist clinic sa ibaba at Bar sa itaas? Ang bobo lang! ***

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD