MIRASOL
Ayoko sanang sumama kay Bing sa condo ni Señorito Yuan dahil hindi pa alam ni nanay ang tungkol doon. Umuwi kasi ito sa amin dahil monthly check up ng pamangkin ko. Natatakot lang akong tumanggi dahil mahigpit iyong utos ng binatang amo. Naiilang pa ako habang katabi ang lalaki sa kotse niya. Si Bing ay nasa kabilang sasakyan na minamaneho ni Kuya Samson. Gusto ko nga sanang itanong kung bakit kailangan pa na magkahiwalay kami pero naduduwag ako.
Seryoso ang mukha ni Señorito habang nagmamaneho. Palagi ko itong nahuhuling nasulyap sa akin kapag nasa kabila ang tingin ko. Lalo tuloy akong kinakabahan. Baka kasi may mapuna ito sa akin. Tapos ang lamig-lamig pa sa loob ng kotse. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang malamig na hanging iyon pero kanina pa ako nangingilabot. Nahihiya naman akong magsabi sa katabi. Baka makagalitan pa ako.
"Nagugutom ka ba?" biglang tanong ni Señorito kaya napabaling ako sa kanya.
"P-po?"
"I asked you kung nagugutom ka na? We can eat first bago dumeretso sa condo," sabi niya.
"Hindi po ako nagugutom," sagot ko saka nahihiyang idinagdag, "nilalamig po ako." Sabay yakap sa sarili.
"Ha?"
"Ang lamig po kasi sa sasakyan niyo, malayo pa po ba tayo?" tanong ko pa.
May inabot ito sa likod. Nakita ko na lang na ibinalabal nito ang jacket niya sa akin. Saka ito may pinihit sa tapat ko at nawala ang malamig na hangin doon.
"Okay na ba iyan? Don't worry, malapit na tayo sa condo."
Napatitig ako sa binata. Naguguluhan ako sa ipinapakita nito. Minsan ay parang nagmamalasakit ito at sobrang bait sa akin pero minsan naman ay nakakatakot ito at laging galit. Halata rin na suplado ang lalaki pero sa mga ginagawa nito ngayon ay masasabi kong may kabaitang taglay ang binatang amo. May topak lang talagang madalas.
MAGANDA at malaki pala ang condo ni Señorito. Ganoon pala ang condo unit. Para rin palang bahay. Sa ganoong edad ay may bahay na agad ang binata. Itim ang pinaka-kulay ng paligid at doble pa ang lamig ng loob niyon kaysa sa kotse o sa mansyon. Mabuti na lang at nakabalabal sa akin ang jacket niya.
"Bing, bumalik ka nga sa bahay. Naiwan ko pala ang notebook ko ro'n," biglang sabi nito kay Bing na noon ay kapapatong lang ng bag sa sofa.
"Po? Eh, gabi na señorito—"
"Basta kunin mo, naroon lang iyon. 'Wag kang pupunta rito hangga't 'di mo dala iyon!"
Masungit na naman! naisip ko habang nakamasid sa kanila.
"Opo, sige po."
Nahabol ko na lang ng tingin si Bing nang tuluyan itong lumabas ng condo. Hinanap ko si Kuya Samson pero mukhang hindi naman papasok doon ang lalaki. Ewan ko ba, pero bigla akong nakadama ng kaba sa pagsosolo naming iyon ng binata. Kaba o takot—basta hindi ko mapangalanang damdamin.
Umakyat sa taas ang binata at ako naman ay nag-isip kung ano ang dapat gawin. Alas-sais pa lang ng hapon at hindi pa pwedeng matulog. Wala naman akong nakitang kailangang ligpitin dahil malinis ang bahay. Nang bumaba si Señorito ay nakapangbahay na itong damit at short.
"Hindi ka ba magpapalit ng damit?" tanong nito sa akin.
"H-hindi na po, kakabihis ko lang nito kanina," magalang kong sagot. Nagkibit balikat ito saka dinampot ang cordless phone sa mini table at may kinausap. Um-order ito ng pagkain, iyon ang narinig ko at natuwa ako nang makarinig ng ice cream. Paborito ko iyon. Kaya lang ay baka sa kanya lang iyon. Iba nga pala ang aming pagkain. Ano kaya ang lulutuin ko sa hapunan?
"M-Magsasaing na po ako," paalam ko rito pero sinenyasan niya ako na huwag na.
"Um-order na ako ng hapunan natin kaya huwag ka nang magluto. Come here," utos pa nito. Lumapit naman ako at naupo sa katapat na upuan niya. "Dito ka maupo sa tabi ko," sabi niya na ikinatingin ko rito.
"P-po?"
"Mahina ba ang boses ko at hindi mo lagi marinig ang sinasabi ko?" pa-ismid nitong gagad sa akin. Napilitan tuloy akong lumipat ng upo sa tabi niya.
Nakahinga ako nang maluwag nang mawala ang pagsimangot niy. Inabot nito ang remote at binuhay ang television sa tapat namin. Lihim akong natuwa, paborito ko ang manood ng mga palabas sa tv. Mabuti na lang at nanonood din pala si señorito ng mga cartoon.
"I knew it, ganiyang palabas ang gusto mo. My sister also love that cartoon so much," boses nito pero nakatutok na ako sa pinapanood kaya hindi ko na siya napansin. "Tssk," narinig ko pang dagdag nito.
Ilang sandali pa ay pigil na ako sa katatawa. Sobrang ganda palang panoorin n'on sa malaking screen ng television. Para na akong nasa cinehan dahil ang ganda at ang laki ng tv ni Señorito. Masiyadong nasa palabas ang atensyon ko kaya hindi ko napansin na nakatulog na pala ang binata sa aking tabi. Napatingin ako sa kanya habang nakasandal sa upuan. Sa totoo lang ay parang artista si Señorito Yuan. Gwapo ito at pang-mayaman ang kutis. Masarap itong pagmasdan kapag nakapikit. Kay amo kasi ng mukha nito kapag ganoon.
Sa pagtitig kong iyon sa binata ay biglang bumilis ang t***k ng aking dibdib. Parang nanlambot ang aking tuhod pero masigla ang aking pakiramdam. Natigilan ako at nagtaka sa nangyayari sa akin. Nahawakan ko tuloy ang aking dibdib. Agad kong inalis ang titig kay Señorito at ibinalik sa palabas ang pansin. Kaya lang, biglang kumibo ang lalaki at muntik na akong mapatili nang dumausdos sa aking balikat ang ulo niya.
"S-Señorito . . ." tawag ko rito. Pero nanatiling tulog ang binata. Para akong nanigas sa pagkakaupo. Hindi ko magawang kumilos. Kung aalisin ko ang mukha niya sa balikat ko ay baka magalit ito kapag nagising. Kaya nanatili akong tuwid sa upuan.
"I like your smell, baby ka pa talaga," anas nito na ikinabigla ko. Gising ito?
Lumingon ako sa kanya nang alisin niya ang ulo sa balikat ko at tumitig sa akin.
"S-Señorito . . ." ulit kong bigkas nang dahan-dahan niyang haplusin ang kaliwa kong pisngi. Kababakasan ng hindi ko mapangalanang emosyon ang mukha nito nang magsalita.
"Noong bata pa ako, ayokong lumaki agad dahil gusto ko pang maging baby ng mommy ko. But when I met you . . . I almost pull the time to grow old, so I can make you my baby."
Natulala ako sa narinig. Anong sinasabi nito? Matalino ako at nakakaintindi ng ingles pero hindi ko maunawaan ang sinabi ni Señorito. Ngunit kahit ganoon ay kay bilis pa rin ng t***k ng aking puso.
Marahan nitong hinahaplos ang aking pisngi at bigla ay unti-unting bumaba ang kanyang mukha sa akin. Nanlaki ang mga mata ko, hindi ko malaman kung itutulak si Señorito o pipikit at maghihintay sa kanyang gagawin. Sabi ni Nanay, huwag daw akong didikit sa mga lalaki lalo at hindi ko kilala. Huwag daw akong magpapabastos at lalong-lalo na ay huwag daw akong magpapahalik dahil bata pa raw ako. Iyon ang alam kong gagawin ni Señorito habang bumababa ang mukha niya sa akin.
Hahalikan niya ako! Anong gagawin ko? Hindi pwede! Mapapalo ako ni nanay. Pero baka magalit ang lalaki kapag tinanggihan ko siya.
Halos maduling ako nang ilang hibla na lang ang agwat ng mga mukha namin. Pinili kong ipikit nang mariin ang mga mata. Halos nararamdaman ko na ang labi ni Señorito nang bigla ay tumunog ang doorbell. Doon ako nakakuha ng pagkakataon para itulak siya.
"A-ako na po ang magbubukas," kandautal kong sabi bago nagkakandarapang naglakad patungo sa pinto. Delivery food pala ang dumating.
Unang beses kaming nagkasabay kumain ng hapunan ni Señorito at unang beses akong nakakain ng ganoong kasarap mga pagkain. Ngunit hindi ko magawang ganahan. Naguguluhan ako sa ginawa ng binata. Natatakot, naiilang at kinakabahan ako sa pagsosolo naming iyon. Kahit gaano pa kasarap ang ice cream ay hindi ko ito malasahan lalo at nahuhuli ko ang panonood ng binata sa akin.
Kaya naman pagkatapos naming maghapunan ay mabilis kong hinugasan ang mga ginamit at nilinis ang kusina. Balak kong matulog nang maaga para makaiwas dito. Isa pa ay hindi ko gusto ang kakaibang pakiramdam kapag kaharap ang lalaki.
"W-Wala na po ba kayong i-uutos sa akin? Balak ko po kasing matulog agad—"
"Iniiwasan mo ba ako, Mirasol?" he asked.
"H-hindi po. Inaatok na po kasi ako saka bakit ko naman po gagawin iyon?"
Huminga ito nang malalim bago tumango. Agad akong umakyat sa silid na nakalaan sa amin ni Bing. Pinilit kong matulog at kalimutan ang mga naganap pero maging mailap sa akin ang antok nang gabing iyon. Paulit-ulit na bumabalik sa aking gunitaw ang paglalapit ng mga mukha namin kanina sa ibaba. Maging ang mabangong amoy ng binata at ang labi nito na halos dumikit sa akin at ang paghaplos nito sa pisngi ko—salit-salitan iyong nagsasalimbayan sa aking utak. Kaya hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog.
Antok na antok pa ako nang magising dahil sa malakas na pagyugyog sa aking balikat. Nang magmulat ako ay nakita ko si Bing na nakatunghay sa akin.
"Gumising ka na, uuwi na tayo sa mansyon ngayon," anito na ikinakunot ng noo ko.
"Ngayon po? Bakit ang bilis?" taka kong tanong. Alas-singko pa lang ng madaling araw ayon sa orasan na nasa table.
"Dumating na kasi sina Sir Paolo, biglaan ang pag-uwi nila kaya napa-aga ang balik natin."
Nabigla ako sa narinig. Nakauwi na pala ang pamilya ni Señorito sa Pilipinas. Makakausap na ni Nanay si Sir Paolo. Nakadama ako ng tuwa dahil doon. Agad akong nag-ayos ng sarili sa banyo.
Habang pauwi ay kami ni Bing ang magkasabay sa kotseng minamaneho ni kuya Samson. Mabuti na lang at hindi ko kasama si Señorito sa kotse niya. Pagdating sa mansyon ay kapansin-pansin ang pagiging seryoso ng binata. Minsan ay nahuhuli ko itong nasulyap sa aking gawi pero agad ding iiiwas ang tingin kapag nililingon ko.
Kabababa pa lang nito sa kotse ay bigla nang may sumalubong dito na halos kasing edad kong bata na may napakagandang mukha, maputing balat, at kulot na buhok.
"Kuya!" patiling bati ng dalagita sabay takbo at kandong kay Señorito. Hinalikan nito sa pisngi ang lalaki. Napansin ko na medyo hawig sila ng hitsura. Naalala ko na, ito ang kapatid ng binata na si Señorita Pauline.
"Hello, brat!" natatawa nitong tugon
"Na-miss ka namin. Bakit kasi hindi ka sumunod?"
"Naging busy lang ako rito," anito. Tumingin pa si Señorito Yuan sa akin bago pumasok ng bahay kalong ang kapatid na naglalambing. Ang sweet nila sa isat-isa. May mga kuya rin ako pero hindi kami ganoon ka-sweet ng mga kapatid ko.
Noon ko lang nakita ang mommy at daddy nila na sina Sir Paolo at Ma'am Yuna. Malaki ang pagkakahawig ni Señorito sa ama nito. Pareho rin silang nakakatakot. Ang mommy naman niya ay mukhang mabait at laging nakangiti kaya hindi ako nakadama ng pagkailang nang ipakilala ni Bing dito kanina.
"Nasaan si Flor?" tanong ni Sir Paolo nang kausapin si Bing.
"Nagpaalam po, eh. May emergency yata sa bahay nila."
Tahimik lang ako sa isang tabi habang lihim na nakikinig sa usapan ng matatanda.
"Paolo, baka naman makasuhan tayo niyan. Ang bata pa ni Mirasol tapos nagta-trabaho na rito?" boses ni Ma'am Yuna. Nag-alala tuloy ako roon. Bakit kasi hindi ko nakuha ang numero ng Cp ni Tonio para makausap si Nanay. Ito lang kasi ang mayroon n'on.
"Bakit ka nagdesisyon nang wala kami rito, ha, Bing?"
"Po? Naku, hindi po ako ang tumanggap sa kanila. Ang sabi ko nga po ay bumalik na lang kapag nakauwi na kayo, si Señorito po ang nagpatuloy," paliwanag ni Bing. Lalo akong kinabahan.
"Si Yuan? Bakit naman iyon makikialam?" nasabi ng mommy nito.
"Siya na lang po ang tanungin niyo, Ma'am."
"Okay, hihintayin ko si Flor para makausap nang personal," pagtatapos ni Sir Paolo.
YUAN
Ikatatlong araw na nina Daddy sa mansyon mula nang umuwi galing Canada. Siguro naman ay maaari ko na itong kausapin tungkol sa plano ko. Ngayon na sigurado na ako sa nararamdaman ko kay Mirasol ay kailangan kong magplano para sa aming dalawa. And I need my dad's support.
"Ano namang pag-uusapan natin, Yuan? Kung tungkol sa school niyo ni Patrick ay huwag mo nang alalahanin iyon. Naayos ko na ang lahat pati ang bahay na pwede n'yong tirhan habang naroon. Kapag may naging problema ay tumawag ka sa akin o di kaya ay pumunta ka kina Tristan. Alam mo naman kung saan sila nakatira, 'di ba? Doon din ang school ni Trisha—"
"Dad, ayoko nang mag-college sa ibang bansa," putol ko sa sinasabi ni Daddy. Natigilan ito saka kunot ang noong tumitig sa akin.
"Again?"
"Dito na lang ako mag-aaral, Dad. Ganoon din naman iyon."
Muli itong natigilan saka ako tinitigan sa mga mata. Matagal bago ito nakahuma.
"Son, do you remember what you told me? Sabi mo ay sa ibang bansa mo gustong mag-kolehiyo at halos maliitin mo pa ang mga University rito na ini-alok ko sa iyo. So bakit ngayon ay saka mo sasabihin iyan kung kailan nakahanda na ang lahat?" mariing tanong ng ama.
"I just change my mind. Ayoko na roon, mas gusto ko na rito," balewala kong saad. Huminga ito mang malalim saka napakamot sa ulo.
"I thought my usapan tayo? Saka paano si Patrick?"
"Eh, 'di tumuloy siya, basta dito ako. Please, Dad? Gagalingan ko para maging CEO ng kompanya natin. Baka nga mas magaling pa ako sa'yo pag-upo ko roon, eh—"
"Sana mapanindigan mo 'yang kayabangan mo!"
"I'm just telling the truth—"
"Yuan, pag-isipan mong mabuti ang mga desisyon mo sa buhay."
****