XYREN
Palaisipan sa akin ang naging pag-uusap namin ni Yuan. Obvious naman na sarili niya ang ikinonsulta nito sa akin. Ang kailangan ko lang malaman ay kung sino ang involved na babae? Gaano ka-bata para pag-isipan nitong 'wag salingin? Knowing my youngest Uncle, alam ko kung gaano ito kalikot sa babae pero mabilis itong magsawa lalo na kapag clingy ang ka-relasyon niya. But that's seem a bit different. Parang sobrang seryoso nito at noon ko lang siya nakitang humingi ng advice nang dahil lang sa isang babae.
Kailangan kong alamin kung sino ang tinutukoy niya. Kaya naman agad akong nagtungo sa bahay nina Patrick. Dire-diretso ako sa kwarto ng binata at naabutan ko itong nagsusuot ng sapatos.
"Hoy, kupal, bakit ka nandito?" tanong nito nang makita ako.
"May itatanong lang ako sa'yo, Stick-O," tugon ko gamit ang bansag namin sa lalaki. Patpat is stick in english kaya iyon ang tawag namin sa kanya noong maliliit pa kami.
"Ano naman iyon?"
"Curious ako kay Yuan, may alam ka bang babaeng pinagkaka-interesan no'n?"
"H-Ha? W-Wala, wala naman. Bakit?"
Tssk, kilala ko ang Patpat na ito. Reaksyon pa lang ng baba niyang nanginginig ay alam ko nang may sekreto siya.
"Sigurado ka?" matiim ang tingin na tanong ko pa rito.
"O-Oo naman, wala naman siyang naiikwento sa akin," sagot niya saka umiwas ng tingin.
Napailing ako. Pagkatapos niyang mag-sintas ng sapatos ay tumayo ito sa harap ng salamin.
"Patrick, alam ba ni Yuan kung bakit sa dinami-dami ng school sa Vancouver ay mas pinili mo ang school na malapit kay Trisha?"
Nginisian ko ang lalaki nang gulat itong lumingon sa akin.
"Gago ka, Xyren! Huwag kang epal! Eh, ano naman kung sabihin mo kay Yuan?" naghahamon nitong wika.
Kaya tumayo ako at hinarap ito. "Hindi lang kay Yuan, sasabihin ko rin sa Daddy niya para mabantayan ang pinsan—"
"Bwisit ka talaga!"
MIRASOL
Ano kaya ang nakain ni Señorito? Pagkapasok ko pa lang sa kwarto niya para maglinis ay nakita ko agad ang malamlam niyang mukha, saka ito nakangiting lumapit sa akin.
"May ibibigay ako sa'yo," aniya na ipinagtaka ko.
"A-Ano po iyon?"
"Come here," masuyo pa nitong utos. Nakita ko na tinangka niya akong hawakan pero tila nagbago ito ng isip. Sa halip ay nagpatiuna ito patungo sa kinaroroonan ng mini kitchen niya sa kwartong iyon.
Binuksan nito ang personal fridge na naroon saka kumuha ng chocolate. Nabigla ako nang i-abot niya ito sa akin.
"For you, I know you'l like it. Mas masarap iyan kesa sa biscuit," saad pa niya na ikinatungo ko. Bakit kailangan pa niyang ipaalala ang nakakahiyang bagay na iyon?
Hindi ko tinanggap ang ini-a-abot niya. "Señorito, tungkol po roon sa biscuit...sorry po talaga. Gusto ko lang pong tikman iyon kasi parang ang sarap ng amoy, eh."
"Okay na iyon. Basta kapag may gusto kang kainin ay sabihin mo sa akin at bibigyan kita." sabi niya na ikinamaang ko na naman. "Oh, kunin mo na," untag pa ng binata sa akin.
"P-Pero, Señorito, hindi ko po matatanggap iyan. Mapapagalitan ako ni Bing—"
"Ako ang nagbigay 'di ba? Kaya 'wag kang mag-alala."
Marahan akong umiling. Kahit natatakam ako sa ibinibigay ng binata ay pinigilan ko ang sarili na kunin iyon. Makikita ng mga kasambahay at baka mapasama pa ako.
"Huwag na po, hindi na kailangan." tanggi ko.
Sa sinabi ko ay nawala ang ngiti sa kanyang labi. Lihim tuloy akong kinabahan. Huminga siya nang malalim saka ipinatong ang tsokolate sa table.
"Galit ka ba sa akin dahil sa nangyari kagabi?" maya-maya'y tanong niya sa akin.
"H-Hindi po," mabilis kong kaila. Kahit ramdam ko pa ang pananakit ng mukha.
"Tssk, alam kong galit ka sa'kin, and I'm sorry."
Umangat ang mukha ko saka tinitigan ito sa kanyang mga mata. Tama ba ang narinig ko? Nagso-sorry sa akin si Señorito Yuan? Pero agad din akong umiwas ng tingin nang masalubong ang matiim nitong titig. Ewan ko ba pero hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.
"Sorry din po," mahina kong usal.
"Let's forget that, okay? Mabait naman ako, Mirasol. Basta maging tapat at masunurin ka lang sa akin ay wala tayong magiging problema," dagdag ng binata na muli kong ipinagtaka.
"A-Ano pong ibig n'yong sabihin?"
"You will stay here at mag-aaral ka kahit saang school mo gusto. Kakausapin ko si Daddy pagdating nila, well, may pera naman ako pero pangit tingnan kung ako ang magpapa-aral sa'yo kaya si Daddy na lang. But you need to be true to me!" seryoso ang mukhang wika nito na bakas ang awtoridad sa tinig.
"Po?" naguguluhan kong reaksyon.
"Hindi ka aalis sa bahay na ito. Kapag nag-aral kana ay bawal kang magpaligaw lalo na ang makipag-boyfriend. Ayoko rin na nakikihalubilo ka sa ibang lalaki, unless magpapaalam ka sa akin pero hindi rin naman ako papayag at—"
"Saglit lang po, Señorito Yuan. Naguguluhan po ako," putol ko sa sinasabi nito.
"Tssk, di ba gusto mong makapag-aral kaya ka sumama sa nanay mo rito?" Tumango ako. "Pwes, sundin mo ang mga bilin ko dahil hindi mangyayari iyon kapag sinuway mo ako! Now eat this chocolate!" ang tila naiinis pa nitong utos.
Hindi ko pa rin ito maunawaan, pero sumiksik sa aking utak ang tungkol sa pag-aaral. Bigla akong na-excite. Iyon kasi ang pangarap ko—hindi lang ako kun'di pati ni Nanay at nina ate Moneth. Sa totoo lang ay madali lang naman ang nais ni Señorito. Wala naman kasi akong planong makipag-relasyon habang nag-aaral bukod sa masyado pa akong bata para isipin iyon. Ayokong tumulad sa ibang mga babae sa lugar namin na maaagang nag-nobyo. Ang ending ay mga hindi nakatapos dahil nabuntis agad. Tulad na lang halimbawa ng ate ko. Kaya panatag ako na magagawa kong sundin ang nais ni Señorito. Pero 'yung pati makipag-usap sa lalaki ay bawal din? Paano kung may mga maging kaibigan akong lalaki? Parang ang hirap naman ng gusto niya. Pero saka ko na lang siguro po-problemahin. Ang mahalaga ay sigurado na akong makakapag-aral.
Kinain ko ang bigay nitong tsokolate habang nakamasid ang binata sa akin. Hindi ko napigilang ngumiti nang masarapan. Ilang ulit kong tiningnan ang kinakain. Talagang masarap!napansin ko ang matiim na titig ni Señorito Yuan sa bibig ko kaya nailang akong kumagat ng tsokolate.
"Masarap 'di ba?" malat ang tinig na tanong nito. Tumango lang ako saka ngumiti sa kanya. Nasabi ko sa sarili na mabait naman pala ito. Baka tinotopak lang talaga minsan.
YUAN
Lumipas ang ilang araw na laging ganoon. Si Mirasol ang naglilinis ng kwarto ko at binibigyan ko siya ng masasarap na pagkain na alam kong magugustuhan niya. Natuwa ako dahil mukhang kampante naman ang dalagita kapag kasama ako. 'Yun nga lang nararamdaman ko na nangingilag pa rin ito sa akin. Para pa ngang natatakot lang ang dalagita kaya napipilitang kainin ang mga ibinibigay ko. Naiinis ako pero wala akong magawa. Kailangan kong maging mabait sa harap nito.
Maging ang pagkwekwento nito ay limitado. Gusto ko kasing makilala nang lubos si Mirasol ngunit tila umiiwas ang babae na magkwento ng ilang personal na bagay tungkol sa buhay niya.
"Mahilig ka bang mamasyal?" minsan ay tanong ko rito pagkatapos niyang maglinis ng silid. Nakaupo kami sa couch nang magkaharap.
"M-Medyo lang po."
Ayun na naman ang maiksi nitong sagot. Alam ba niya kung gaano kahirap magbait-baitan para lang gumanda ang image ko sa kanya? Kahapon ay may nabasag na figurine ang isang maid pero dahil naroon si Mirasol ay sinabi ko na lang na mag-ingat ito sa susunod. Alam kong sobrang nagtaka ang mga kasambahay pero hinayaan ko na lang. Only for her. Tapos ganito pa rin siya? Kung kumilos ay parang nananakmal ng tao ang kausap niya. Tssk, pasalamat nga siya at nakokontento pa ako sa usap-usap lang na ganito.
"Ano ba ang mga hilig mo?" tanong ko ulit.
"Mag-aral lang po."
"'Yun lang? Wala bang iba? Halimbawa kumanta o sumayaw? Wala kang ibang hobbies?"
"Uhmmm...wala po, eh. Pero lagi akong nakikipaglaro ng chinese garter sa amin—"
"Mirasol, dalaga kana! Hindi ka na dapat naglalaro ng mga ganoon!" inis kong putol sa sinasabi nito.
Alam ko iyong ganoong laro dahil sa kapatid ko. Minsan na niya kaming pinaghawak ng garter ni Patpat noong magkaaway sila ni Dale, dahil wala itong makalaro ay kami ay inabala.
"Bata pa po ako, sabi ni nanay," giit pa nito na lalo kong ikinainis.
Wala na sanang problema sa set up naming dalawa. Kaya lang, minsang dumalaw sa bahay sina Xyren at Patrick ay nairita ako nang makita ang magiliw na pakikipagkwentuhan sa kanila ng dalagita. At bakit hindi ito nagkulong sa silid nila? Hindi ba't usapan namin iyon?
"Oh, nandito na pala si Yuan, eh. Sabi ko sa'yo, Mirasol, hindi 'yan magagalit kahit makipag-usap ka sa amin. 'Di ba, Yuan?" tila nang-aasar pang baling sa akin ng pamangkin.
Matalim na sulyap ang iginanti ko kay Xyren. Ang loko ay tumawa pa saka nakipag-high five kay Patrick. What the hell was that?
"Doon ka na nga sa loob!" mariin kong bulong sa dalagita na nawala ang ngiti sa labi. Pero wala akong pakialam kung masungitan ko siya! Ganda-ganda ng ngiti niya sa mga g*go tapos kapag ako ang kausap niya'y parang may glue sa labi ang ngiti? She's so unfair!
Nang maiwan kaming apat sa veranda ay hinarap ko ang mga bwisita. Kumunot ang noo ko pagkakita sa maleta ni Xyren.
"Bakit ka may maleta?" sita ko sa lalaki.
"Tumawag ako kay Tito Lolo, nagpaalam ako na dito muna mag-i-stay—"
"Hindi pwede!" eksaherado kong sabi sabay tayo.
"Woah, OA mo, ah?"
"Yuan, nang-aasar talaga 'yang si Xy. 'Wag kang maniniwala sa kanya. Pinilit lang niya akong umamin tungkol kay Mirasol," sumbong naman ni Patrick na parang iiyak pa.
Matalim kong tinitigan ang pamangkin. Nakangisi pa ang lalaki sa akin.
"Huwag kang mag-alala, Yuan. Hindi ko ipagkakalat ang sekreto mo. Kaya lang..." pambibitin pa ng lalaki.
"I don't care about your concern, Xyren. Alalahanin mong mas marami kang kalokohan sa akin kaya wag mo akong pangungunahan," banta ko rito.
"Tsk, wala naman akong pakialam sa'yo. Mas may pakialam ako doon sa bata. Hoy, nagda-diaper pa yata yang ginugusto mo!"
"T***ntado!"
Susuntukin ko na sana si Xyren pero umawat sa amin si Patrick.
"Relax, Uncle Kupal. Pakibuksan na nga ang guest room na pwede kong tuluyan. Inaantok na kasi ako, eh!" nang-iinis pa itong nag-inat ng dalawang braso saka umalis doon dala ang maleta.
"Yuan, parang kontrabida si Xyren sa lovelife natin," wika ni Patrick nang kami na lang ang naroon.
"Umayos siya! Darating ang araw na lovelife naman niya ang pagbabantaan ko, tskk!"
"Oo, tama 'yun! Nakakainis ang mukha, eh."
Tumayo na rin ako para puntahan si Mirasol. Kinatok ko ito sa silid nilang mag-ina. Nang makitang solo lang siya roon ay bigla akong pumasok.
"S-Señorito—"
"Call me, Yuan. And how many times do I need to tell you na huwag na huwag kang lalapit sa ibang lalaki? 'Di ba may usapan na tayo?" bulyaw ko sa dalagita na natakot sa sigaw ko.
"S-Sabi po kasi si Xyren ayos lang daw sa inyo na kausapin ko sila—"
"What? Stop calling him Xyren! He is your Señorito. Ako lang ang dapat mong tawagin sa pangalan ko, maliwanag?"
Takot itong tumango.
Wala na, 'yung effort ko na magpa-good image kay Mirasol ay naglahong parang bula dahil sa pagseselos ko na wala namang dahilan. Nakakainis talaga! Babaguhin ko na lang siguro ang strategy ko.
Inis kong dinukot sa bulsa ang special milk candy na binili ko para sa dalagita. Iniabot ko iyon sa pagalhang na paraan.
"Oh, ayan! masarap 'yan!" nakasimangot ko pang sabi.
Nanginginig ang kamay ni Mirasol nang kunin iyon sa akin. Bigla kong hinawakan ang kamay niya at hinila ito palapit.
"S-Señorito—Yuan..." taranta nitong bigkas.
"Isang-isa ka na lang talaga sa'kin, Mirasol!" gigil kong sabi saka tinitigan ang maamo niyang mukha partikular ang labi nito. Napalunok ako at tila napasong binitiwan ko siya.
Para akong hinahabol nang demonyo nang umalis sa silid na iyon.
DOON nga pansamantalang nanirahan si Xyren. Tuloy ay hindi ko mapag-stay nang matagal sa silid ko si Mirasol dahil baka kung ano ang isipin nito. Lalo ko tuloy nami-miss ang dalagita. Nakakainis dahil parang ako lang ang nakakadama ng ganoon. Samantalang ito ay mas masigla pa yata na nakalayo sa akin.
Hanggang isang araw, hindi ko na matiis ang nararamdaman. Umalis pansamantala ang nanay niya at naiwan si Mirasol sa mansyon. Kailangan yatang ipagamot ang pamangkin niya na may sakit.
"Bing!" tawag ko sa maid.
"Po?"
"Maggayak ka! Kailangan ko ng maid sa condo. Isama mo rin si Mirasol para may katulong ka roon!" sabi ko. Balak ko talaga iyon. Hindi ko naman pwedeng isamang mag-isa ang dalagita dahil tiyak na magdududa ang mga tsismosang kasambahay.
Namataan ko ang makahulugang ngisi ni Xyren na kumakain sa ibaba. Inirapan ko lang ito at hindi na pinansin.
"Yuan, pasama naman!" ang natatawa pa nitong pahabol. Binigyan ko lang siya ng 'f*ck you' sign.
***