Excited na ako, Ms. G. Finally, makauwi na rin tayo sa Pilipinas. Tiningnan ko si Alice habang nag-eempake ng kanyang mga gamit na dadalhin para bukas.
Finally, makauwi na rin kami matapos ang tatlong taon na nanalagi kami dito sa New York.
"Ms. G, hindi ka rin ba makatulog?" sambit ni Alice na bigla itong sumulpot sa aking harapan. "Ano ka ba, Alice? Bakit bigla-bigla ka na lang sumusulpot diyan?"
Singhal ko sa kanya ng diretsohan. "Ay sorry, Ms. G. Kung ginulat kita. Hindi kasi ako makatulog." Naibaling ko sa kanyang cellphone ang tingin ko nang marinig ang sunod-sunod na mga text mula sa cellphone niya.
"Hmm, sino ba 'yan ang ka-text mo diyan, Alice, ng ganitong oras ng gabi?" pag-usisa ko sa kanya. Bigla napapikit ang dalawang mata ko nang makita ko siya na may malapad na ngisi mula sa kanyang labi.
Parang pinasukan ng kuryente ang kanyang katawan sa kilig.
Alice, puwede ba hinaan mo naman ang halakhak mo diyan? Mas lalo akong hindi makatulog sayo. Pumasok ka na nga sa kuwarto mo, sabi ko.
Kaagad naman niya sinunod ang sinabi ko sa kanya. Kita mo 'to! Kahit nasa kabilang kuwarto na siya, abot pa dito ang halakhak niya.
Sino ba 'yan ang kausap niya sa cellphone ng ganitong oras ng gabi? Agad kong kinuha ang unan na nasa aking gilid habang palimbag-limbag sa ibabaw ng kama.
Madaling araw na ito, parin ako naka-dilat ang dalawa kong mga mata. Excited na ako makabalik sa Pilipinas, nang bigla pumasok sa kukurti ko si Diego. That man, I want to face him.
Akala ko ba kakampi ko siya. Hindi ako makapaniwala na magagawa ni Diego ito sa akin. Napailiing ako sa aking ulo. Bakit ba hindi ko siya makalimutan? Habang tumatagal, mas lalo akong nanabik sa kanya.
Arabella, kalimutan mo na ang lalaking 'yon, okay? Hindi puwede magpatuloy ang nararamdaman mo para sa kanya. He is your enemy, saad ko sa aking sarili.
Hindi ko namalayan na mag-4 o'clock na ng umaga. Ito pa rin ako, nakadilat ang aking dalawang mata.
"Ms. G., are you okay?" tanong niya ng diretsahan.
"Yes, Alice. Mukhang hindi ka yata nakatulog buong gabi. Tingnan mo, halatang-halata sayo na wala ka talagang tulog. Ano ba ang iniisip mo, Ms. G?"
"Wala naman, Alice. Mabuti pa, bilisan na natin kumain. Maya-maya darating na ang helicopter na susundo sa'tin."
Kaagad kaming umalis ni Alice matapos naming kumain at saka naayos ang aming mga dadalhin.
Habang nakasakay kami sa maliit na helicopter, hindi ako mapakali. Excited ako at kinakabahan sa aking pagbabalik.
"Kumusta ka na, iha?" agad sambit ni Mama Katrina sa'kin habang papasok kami sa loob ng mansion.
"Ma! Mabuti naman po," agad kong sagot sa kanya.
"Welcome back, Gabriella iha!" kasabay na niyakap niya ako ng mahigpit. Kaagad ko naman ginantihan ang kanyang mga yakap sa'kin.
"Bukas na bukas din, kailangan mong sumabak sa training, Gabriella," gulat ako na napalaki ang aking dalawang mga mata. "Kakarating lang namin, eh! Hindi pa nga ako tuluyang nakapasok sa loob o umupo man lang, ito kaagad ang maririnig kong training."
Ano 'to! Parang mas malala pa yata ito nang nasa serbisyo pa ako at nag-t-training. Napatango na lang ako sa kanya.
Yunxi, Alice, bukas dadalhin niyo si Gabriella sa ating beach resort. Alam niyo na ang gagawin niyo sa kanya.
Yes, Madam Karina. Bigla akong naramdaman ng kaba. Hindi ko alam kung anong training na naman ito ang ipapagawa sa akin. Napa-buntong hininga ako habang tinitingnan sila.
Kinabukasan, maaga akong gumising at agad inayos ang aking dadalhin na mga gamit. Ang sabi ni Mama, sa beach resort kami pupunta. Matapos ang training, maliligo kami sa beach. Excited na ako. Agad kong nilagay ang aking two-piece na bikini sa bag na kulay puti.
Pagdating namin sa aming pupuntahan, napanganga ako sa sobrang ganda ng tanawin. At blue na blue talaga ang tubig habang napakalakas na mga alon ang aking makikita mula sa dagat.
"Alice, bakit wala akong makikita dito na mga tao na maliligo?" tanong ko. "Ms. G, this resort ay private po." Huh! Ganun ba, Alice? Grabe, sobrang napaka-yaman naman pala ni Mama Karina no!
"Hindi lang 'yan ang mga properties niya, Ms. G. Madami pa 'yan," sabi ni Alice. Habang nag-uusap kami, bigla akong napalingon nang tumawag si Yunxi habang nakatayo sa gilid ng maliit na helicopter.
"Teka lang, hindi niyo pa sinabi sa akin ang mga gagawin ko, Yunxi, Alice," nagkatinginan ang dalawa at agad na tiningnan ako nang diretsuhan na may malapad na ngisi.
"Teka lang... Mukhang abot ko na ang ipapagawa niyo sa akin, Alice. Wag mong sabihin na lilipad ako sa kalawakan na 'yan," you're right,
Ms. Gabriella, agad sagot ni Yunxi sa akin, ano 'to, military training? Napakatalino mo talaga, Ms. G. Agad sagot ni Alice, kaagad na sumakay ang dalawa sa loob ng helicopter kaya napasakay na rin ako sa helicopter.
Habang nasa taas kami ng himpapawid, napatingin ako sa ibaba. Sobrang nakakatakot naman ito! Hamak na sobrang taas talaga ng helicopter mula sa dagat.
Jusko! Parang dito na yata ako mamatay sa training na 'to. Saan ba ang giyera natin, Alice? Pagbibiro ko sa kanya,
Napangisi lang siya na may kasamang pag-aalinlangan. Bigla akong napatingin sa kanya nang kinuha niya ang lubid.
Ms. G., tumalikod ka na. Agad ko siyang sinunod at kaagad na nilagyan ng lubid ang dalawang kamay ko sa likuran,
At agad naman kinuha ang itim na panyo saka nilagay sa aking dalawang mata.
Ms. G., kailangan mo maiahon sa tubig na 'yan within 30 seconds. Mas lalo napalakas ang kaba sa sarili kong puso habang pinapakinggang ang mga alon sa tubig sa sobrang lakas ng pagbulwak nito.
Are you ready, Ms. Gabriella? Tanong ni Yunxi sa akin nang diretsohan. Huminga muna ako ng malalim saka ko siya sinagot,
Habang nagbibilang si Alice, Jusko, ano pa naman 'tong training na 'to, bakit may ganito? Nung nasa serbisyo pa ako, may nilalagay pa kami sa aming mga katawan,
Pero ito, wala talaga, as in walang-wala talaga, at ginapos pa talaga ang aking dalawang kamay, at ang saklap pa, pati ang aking mga mata tinakpan din ng tela,
Pagbubulong ko sa aking sarili, biglang lumapad ang tainga ko na naninindig sa takot ng pumatong na ito sa Ono ang pagbibilang ni Alice.
Pinikit ko ang dalawang mata ko na naghihintay na lang na itutulak ako mula sa helicopter na ito!
Ilang segundo lang ay naitulak ako mula sa aking likuran, at agad na nahulog mula sa himpapawid at agad na bumagsak sa tubig.
Shit, pakiramdam ko ito na talaga ang katapusan ko ngayon. Ugh, ahh, ugh, ahh, habang nagpapalitaw-baba ako na nilalangoy ang malawak na karagatan na ito.
Dali-dali kong tinatanggal ang lubid na nakagapos sa aking dalawang kamay. s**t, ang higpit naman nito pagkagapos ni Alice sa akin.
Ano ba ang balak nila sa akin? Papatayin nila ako dito? Ang hirap naman nito. Kaagad ko kinuha ang hairpins na nasa aking sapatos na nilagay ko.
Buti na lang lagi ko ito dala at hindi alam ni Alice ang tungkol dito. Naku, kung magkataon ay pati itong pag-asa ko sa hairpins ay kukunin niya pa ito.
Dali-dali kong inabot mula sa sapatos ko. Saka agad na tinatanggal gamit ang aking hairpins na may laman itong kutsilyo.
Saka naman tinanggal ang tela na nakapalibot sa aking dalawang mata at mabilis na iniahon sa tubig ang aking sarili.
"Ms. Gabriella... are you okay?" agad na tanong ni Yunxi sa akin, kasabay na inabot ang isa niyang kamay.
"Good job, Ms. Gabriella. Isang minuto na lang ay matatapos ang 30 seconds." Napalaki ang ngiti ko na nagawa ko at na-kayanan ang training na ito!
Congratulations, Ms. G. Pag! Bati ni Alice sa akin. Grabe, akala ko ba hindi mo ito makakaya ang ganitong training. Talagang naniniwala na ako sa'yo, Ms. G.
Naniniwala ka sa ano, Alice? Ang hindi ko maintindihan ay bakit may ganitong training ako. Para saan ba ito? Parang sasabak tayo sa malaking gera na maghuhuli ng mga kalaban sa bukid. Mas malala pa ito kaysa nasa serbisyo ako. Iwan ko nga din kay Madam Karina, Ms. G. Sanayin mo na ang iyong sarili, Ms. Gabriella. Sagot ni Yunxi na bigla itong nakisawsaw sa usapan namin ni Alice.