Chapter 09: HE KILLED WITHOUT A DOUBT

253 Words
Natapos ang aming matagumpay na misyon, kaagad akong umuwi sa aking condo para makapagpahinga. Buong gabi kaming nasa daan, naghabulan. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod at pananakit ng buong katawan. Pagdating ko sa condo, agad kong binuksan at diretso akong pumunta sa kwarto para maghanda ng aking maisusuot na damit pangtulog. Binuksan ko ang cabinet at kumuha ng isang pares ng damit. Agad ko itong nilapag sa ibabaw ng kama. Kinuha ko ang puting tuwalya mula sa cabinet at agad na pumunta sa banyo. Agad kong hinubad ang aking damit at binuksan ang shower. Habang naliligo ako, biglang pumasok sa kukuti ko ang isang lalaki na nakabalot ng itim na bandana. Sino ang nasa likod ng itim na maskara? Bakit niya kailangang protektahan ako mula sa kanyang kasama? Walang duda na siya ay pumapatay. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa pangyayari sa bar. Bigla akong naibalik sa katotohanan nang marinig ko ang tunog ng aking cellphone. Agad-agad akong lumabas ng banyo pagkatapos kong maligo at pumunta sa mesa. Agad kong kinuha ang cellphone at tiningnan ang screen. Sino ba 'to ang tumawag? Hindi pamilyar sa akin ang numero na 'to! Hindi ko na pinansin kung sino ang tumawag. Binalik ko ulit ang cellphone sa ibabaw ng lamesa at saka hinayaang mag-ring. Napahakbang ako nang bigla namang nagbigay ng mensahe. Agad ko ulit kinuha at saka tiningnan ang cellphone ko. Binasa ko sa labas ng screen, "H-hello! How are you?" Bigla na ngumot ang noo ko habang nakatitig sa cellphone ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD