Chapter 10: SHOPPING MALL WITH MY C-WORKERS

602 Words
Kinabukasan, paggising ko, agad akong tumingin sa orasan na nasa ibabaw ng maliit na mesa. 10:00 ng umaga na, kaya't dali-dali akong bumaba mula sa kama at pumasok sa banyo. Matapos kong ayusin ang sarili ko, agad-agad akong pumunta sa kusina para maghanda ng almusal. Pagkatapos kong kumain, agad akong naglinis ng aking kwarto at ng buong apartment. Wala akong pasok ngayon dahil day off ko, kaya pupunta ako sa mall pagkatapos dito. Nakakaburyo kasi kapag nandito lang ako sa condo, wala naman akong gagawin dito kundi matulog at manood ng telebisyon. Agad akong nagpalit ng damit at nag-ayos ng sarili. Tamang-tama, birthday party ni Major Morales mamayang gabi, kaya bibili na rin ako ng regalo para sa kanya. May oras pa naman ako para mag-shopping. Agad kong kinuha ang aking susi at pumunta sa parking area kung saan nakaparada ang aking itim na motorsiklo. Agad kong pinasok at pinandar ito, at nagtungo sa isang mall dito sa Maynila. Pagdating ko sa mall, agad kong nakita sina Carol, Tara, at Michelle na nakaupo sa isang coffee shop. "Ayan na si Arabella," mabilis na sabi ni Tara habang papalapit ako sa kanila. "Ang tagal mo, Ara. Kaagad tinanong ni Carol sa akin. Ilang oras na kami dito naghihintay sayo." "I'm sorry, Carol, kung na-late ako sa usapan," mabilis kong sagot sa kanya. "May ginawa pa kasi ako kaya medyo natagalan." Kaagad kaming nagdiretso sa isang dress shop. Habang namimili kami ng mga gamit, bigla akong napalingon kay Carol nang magsalita siya. "Ara, isukat mo nga 'to," sabi niya habang hawak niya ang pulang damit. Napakunot ang noo ko nang tingnan niya ako mula ulo hanggang talampakan. Agad siyang lumapit at hinarap sa akin ang damit. Habang sinusukat niya ito, nabigla ako nang bigla niyang ibinigay at itinulak sa loob ng dressing room. "Wait, wag mo naman ako itulak," reklamo ko sa kanya, pabiro. Agad akong pumasok sa loob ng dressing room at sinukat ang damit. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. "Sobrang sexy naman 'to. Kitang-kita ang aking dibdib. Hmm, pwede naman siya. Hindi masyadong malaswa tingnan." Lumabas ako kaagad mula sa dressing room at gulat na tinignan nila ako na tutok sa akin. Halos hindi na kumikislap ang mga mata nila. "H-hello, girls," mabilis kong bigkas sa kanila. "Okay lang ba kayo? Parang nakakita kayo ng multo diyan. Hindi ba bagay sa akin ang damit?" Umiiling sila sa akin. Nang bigla tumayo at magsalita si Michelle, "You're so beautiful, Ara. The red dress suits you." Habang paikot siya sa akin, sabi niya, "Babaeng-babae ka tingnan. Paminsan-minsan kasi magsuot ka din ng ganito, hindi yung lagi jeans at jacket. Paano ka ba makakahanap ng mapapangasawa mo niyan?" Aray, nag-salita ang boyfriend ko. Matapos ang pag-shopping namin, agad akong dumiretso sa aking condo. Hindi ko namalayan na gabi na pala. Agad-agad kong inilapag ang mga damit na binili ko sa ibabaw ng kama. Tapos, dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo. Kaagad kong inayos ang sarili ko at agad kong sinuot ang damit na binili ni Carol para sa akin. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Lumalabas ang kahusayan ng aking katawan, na nagtatangkang itago ang baywang ko hanggang sa ibaba ng aking tuhod. Nakabukas nang kaunti ang cleavage sa dibdib ko. Agad kong pinusod ang aking mataas na buhok habang hinahayaan ang mga baby hair na maghahangad sa aking tainga at batok. Naglagay din ako ng kaunting foundation at light lipstick habang suot ang necklace na pinares ko sa aking damit. Tapos, magkapares na sandal na may 2 inches ang takong. Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin bago umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD