Agad kong nilingon ang mga kasama ko habang nakatutok ang kanilang baril sa lalaking nakabalot ng bandana sa mukha.
Habang ina-atras niya ang sarili, agad siyang tumakbo palayo. Kaagad siya hinabol ng mga kasama ko papunta sa hagdanan.
Kaagad akong sumunod sa kanila. Nadatnan ko ang lalaki na mabilis tumatakbo at agad tinalon ang pangalawang palapag ng bar, saka nagtungo sa labasan.
Agad-agad din akong tumalon at tumakbo patungo sa labasan ng bar. Agad ko siyang nahagip ng aking mata na sumasakay sa puting sasakyan.
Kinuha ko agad ang sasakyan na dala ko na kulay itim, at agad pinasok ang susi, saka ini-start. Mabilis naman umandar ang sasakyan.
Agad-agad ko siyang sinundan habang napatakbo ng mabilis. Halos lilipad na ang sasakyan bago ko siya maabutan.
Mula dito sa akin, nakita ko siya na lumiko sa kanan, at agad ko siyang sinundan habang nakasunod ako sa kanyang likuran.
Bigla akong napatingin sa side mirror ng sasakyan dahil may nagpapaputok sa likuran. Agad kong kinuha ang .45 caliber na baril na nakalagay sa upuan.
Tumingin ulit ako sa side mirror habang nagpapaulan ng kani-kanilang mga bala. Mas lalo ko pang binilisan ang pagpatakbo ng sasakyan habang gumaganti ako ng putok sa kanila. Nahagip ko sa aking tingin na may tatlong sasakyan ang nakasunod sa akin, at isang naka-motorcycle.
"Are you okay, Lieutenant?" mabilis na sambit ni Michelle sa akin. Tumango ako sa kanya at saka binalik ang aking atensyon sa harapan habang nakasunod ang mga kalaban sa likuran at patuloy na nagpapaputok ng kanilang mga baril. Agad akong gumanti sa kanila.
Nahagip ko ng aking mata! Nakita ko na kaliwa't kanan ang pagpapatakbo ni Michelle sa kanyang motorsiklo habang pinapaulanan siya ng mga bala. Todo-iwas naman si Michelle para hindi siya matamaan ng mga bala na nagliliparan patungo sa kanya.
Nakita ko si Michelle na nahihirapan dahil sa sunod-sunod na pagbabaril sa kanya. Agad kong binilisan ang pagda-drive habang nagpapaputok ako ng aking baril sa mga kalaban.
Hindi ko na alam kung ilang oras na kami dito sa daan. Laking gulat ko nang may bumangga sa gilid na minamaneho kong sasakyan. s**t, muntik na akong mabangga ng inararo niya bigla ang dala kong sasakyan.
Agad kong binilisan ang pagpatakbo habang kinukuha ko ang aking Armalite Rifle. At saka, pinaharap ko ito sa kanila habang pinapaputok sila ng sunod-sunod. Hanggang sa matamaan at sumabog ang mga ito.