CHAPTER 15 AND 16

5362 Words

#IHaveALover CHAPTER 15     Nakahiga sa kama si Primo, nakatitig ang kanyang mga mata sa kisame ng kwarto. Madilim sa loob pero sa tulong ng liwanag na tumatagos sa bintana at nanggagaling sa bilog na buwan na pinapalibutan ng mga nagkikislapang bituin ay kahit papaano ay nakikita pa rin ang kabuuan ng loob.     Gabing-gabi na pero hindi pa rin makatulog si Primo. Hanggang ngayon ay nasa isipan pa rin niya at patuloy na tumatakbo ang nangyari kanina sa pagitan nila ng lalaking sa pagkakatanda niya ay nagpakilalang Ronnie ang pangalan.     Napabuntong-hininga siya. Ginulo-gulo niya ang kanyang buhok dahil sa sobrang inis na nararamdaman.    “Lintik! Ano bang ginagawa sa akin ng lalaking iyon? Bakit hindi niya ako tigilan kahit sa utak ko lang? Bwisit!” inis na inis na sabi niya sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD