#IHaveALover CHAPTER 17 Muling bumalik si Ronnie sa kanilang bayan pero hindi siya dumiretso sa kanyang mansyon kundi sa bahay nila Sophia. Sa pagpasok pa lamang niya, sumalubong na si Sophia na nakataas ang kanang kilay habang nakatingin sa kanyang walang ekspresyong mukha. Hanggang ngayon kasi ay inis na inis si Ronnie kay Primo. “Saan ka ba nanggaling huh? Tawag ako ng tawag sayo saka text ng text pero ni isa sa mga iyon hindi mo sinagot.” Inis na sabi ni Sophia. Kung inis si Ronnie, mas inis ang una. “Ang daming naghahanap sayo kanina sa opisina at dahil hindi ko alam kung nasaan ka ay hindi ko rin alam kung anong isasagot ko.” Sabi pa nito. Umiwas nang tingin si Ronnie. Hangga’t maaari ay hindi muna niya sasabihin kay Sophia ang mga totoong ginagawa niya. Nagl