#IHaveALover CHAPTER 13 Ngiting-ngiti si Primo habang papasok sa bahay nila na gawa sa kahoy at bato. Sa wakas ay nakauwi na siyang muli. Sabi nga, there’s no place like home. Hindi naman kalakihan ang bahay nila na may dalawang palapag at pwedeng tirhan ng tatlo hanggang lima na katao. Ang itsura nito ay ang karaniwang nakikitang tirahan sa isang probinsya, ‘yung tipong hindi pa tapos dahil ang mga pader, hindi pa sementado kaya kita pa ang mga hallow blocks na ginamit at ang ikalawang palapag ay gawa pa sa kahoy na matibay naman. Yero naman ang bubungan kaya ligtas na tumira dito. May mga ilang gamit din gaya ng telebisyon, radyo, mga upuan na gawa sa kahoy at ilan pang mga appliances na madalas na meron ang isang bahay na tinitirhan ng isang karaniwang pamilya gaya ni