#IHaveALover CHAPTER 29 Nakatambay sa labas ng kanilang dorm si Primo. Nakaupo siya sa isang mahabang upuan na gawa sa kahoy na nasa tabi lamang ng gate at nakatingala sa madilim na kalangitan. Napapangiti dahil napakaganda ng kanyang nakikita ngayong madaling araw. Wala nang tao sa daan pero hindi naman delikado dahil maliwanag pa rin naman sapagkat nagkalat ang mga street lights sa paligid. Hindi kasi siya makatulog at ayaw rin niya na nasa kwarto lamang siya kaya naisipan niyang lumabas na muna para na rin magpahangin. Dama nga niya ang kasarapan ng malamig na hangin na dumadampi sa kanyang balat. Pamaya-maya ay napatingin si Primo sa itim na kotseng paparating. Nangunot pa ang kanyang noo at nagsalubong ang kanyang magkabilang kilay ng makalapit ito at huminto sa tapa