#IHaveALover CHAPTER 27 Nakaupo sa gilid ng kanyang kama si Primo, nakatingin sa kanyang hawak-hawak sa kanang kamay na cellphone na kanina pa tumutunog. Nakikita niya sa lcd screen ang pangalan ni Ronnie. Ilang minuto na siyang nagdadalawang-isip kung sasagutin ba ang tawag nito o hindi. “Halos dalawang linggo na ang nakalipas tapos bigla-biglang tatawag? Siguro may kailangan ‘to.” Sabi ni Primo sa sarili. Hindi niya alam kung naiinis ba siya o natutuwa kasi sa wakas ay kinontak na rin siya nito. Napabuntong-hininga si Primo. Pinindot ang accept button, tinaas ang kamay at tinapat sa kanang tenga ang cellphone. “Kanina pa ako tawag ng tawag sayo pero ngayon mo lang sinagot.” Bakas ang pagkainis sa boses ni Ronnie. “Sorry... May ginagawa lang kasi ako...” “A